36

402 16 0
                                    

This dilemma is killing me.

Nalilito ako kung anong isusuot ko. I tend to be indecisive in choosing my outfits. I asked my two best friends for advice. Mabuti na lang at unanimous ang decision nila kaya I chose what they choose.

After changing, konting cream sa mukha and liptint sa labi and then done. I'm ready. Am I?

Nasa harap ako ng restaurant at nagdadalawang-isip kung papasok ba ako o hindi. Kanina pa ko hindi mapakali. Para na akong mabibingi sa lakas ng kabog ng aking dibdib.

Sa huli ay nagpagpasyahan kong pumasok.

Hinanap ko yung table at nakita ko rin sa wakas ang pamilyar na pigura ng lalaking minsan ko nang nahawakan ang katawan.

Lumapit ako at naupo sa harap niya.

"Good evening, Sir Tristan."

"Why so formal? Parang wala naman tayong pinagsamahan."

I smile sheepishly. Ang awkward lang.

"So, how's your life as a public teacher?" pag-uusisa nito.

"Okay naman. Happy naman ako since teaching is my passion."

"Very well said." Puri nito.

"Uhm. T-tristan..." uutal-utal pa ako.

"May I ask bakit mo ako inimbitahang mag-dinner?"

"Kailangan pa bang itanong iyan? I just wanna see you to catch up with each others lives."

"I don't think we're obliged to share each others life stories."

"Yeah, right." Bakas sa kanyang mukha ang kirot nung sinabi ko yon.

"Look, I'm sorry for hurting your feelings pero I just don't quite understand the ppoint in meeting each other now. It' not that we're friends even before we were boyfriends. Tsaka, tinapos na natin ang lahat ng namamagitan sa atin 3 years ago, di ba?" I pointed. I just don't want to open my heart just to be hurt again. I've had enough.

"It's nice meeting you again. I mean it. I'm sorry, Tristan pero I think I should go." Nagpaalam ako at tumayo ng hawakan nito ang aking braso.

"I still like you. No! I love you. I want to get back to you." Pagmamakaawa nito.

I look him in the eye. I can feel his his sincerity pero I'm still not ready to accept his love. Kinuha ko ang kamay nito at pilit na kumawala sa kanyang mariing hawak.

Walang anu-ano'y mabilis akong naglakad palabas ng restaurant na walang lingun-lingon.

Ngayong nagkausap kami ulit after 3 years, napagtanto kong may nararamdaman pa akong pagmamahal sa kanya. Kiniilig pa rin ako kapag kasama ko siya. Nakakaramdam pa rin ako ng butterfly sa aking sikmura kapag kausap siya. Comeback na ba ito?

I know I hurt him with my harsh words. But it's just all defense mechanism. I didn't mean any of it. Sana hindi ko pagsisihan ang mga sinabi kong yon.

*****

"Jelly, will you mary me?"

"Yes, Dave. Definitely."

At nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng restaurant.

Lahat ng friends ni Jelly at Dave ay present para suportahan ang proposal ni Dave kay Jelly. Hindi man nasunod ang kabuuan ng plano, atleast success naman.

"Hi Chris. Long time no see." Bati ni Edward.

Kakarating lang ni Edward galing Korea. Mas gumwapo na siya ngayon. Para na siyang Korean Idol.

"Hello, Edward. Wow! You look handsome."

"Talaga? You mean it?"

"Oo naman."

"So pwede na akong manligaw ulit?"

Hinampas ko siya. Hindi ko alam kung biro niya lang iyon o seryoso siya.

"Para kang sira. Puntahan ko muna si Rachel." Nakita ko ang pagkadismaya sa kanyang mukha. Hinayaan ko nalang dahil ayokong maging awkward kami sa isa't isa.

"Couz, gusto mo ng beer?" alok ni Rachel.

Kinuha ko ang beer at ininom ito. Nabaling ang atensyon ko kay Jelly. Ang saya-saya niya and as a friend, masaya ako para sa kanya. Malapit nang matupad ang pangarap niyang mag-settle down.

People took turns on congratulating them. Habang nililibot ko ang paningin ko, ay nahuli kong nakatitig sa akin si Tristan. Mukhang lasing na ata siya.

Iniwas ko naman ang tingin ko at binaling ang atensyon ko sa ibang bagay.

"Hi Chris." Si Kim at si Lea. Lumapit sila sa akin at naupo sa aking tabi.

"Hey Guys."

"May aaminin sana kami sa iyo."

Tiningnan ko sila at nagtaka kung ano ang posiblen aaminin nila sa akin.

Crush ba nila ako? Charoot!

"We actually know na naging kayo ni Tristan." Nahihiyang sambit ni Kim.

"Bakit hindi mo siya bigyan ng chance?" saad naman ni Lea.

"Friend namin si Tristan and we know kung kailan siya loko-loko at kung kailan siya seryoso."

"And we think he's pretty serious about his feelings for you right now."

Hindi ako nagsalita. Nakinig lang ako sa mga sinasabi nila.

Nagbuntong-hininga si Kim.

"Nasa iyo pa rin naman ang huling desisyon, Chris. Pero, sana hindi ka magsisisi sa iyong desisyon."

And with that, they stood and left me sitting there wondering what to do.

Ano nga ba ang dapat kong gawin? I'm confused. I need some fresh air.

Lumabas ako to clear up my mind. I'm in the middle of pondering when someone hug me from the back. Naaamoy ko ang amoy ng alak sa kanyang hininga.

"Please give me another chance, Chris." Si Tristan habang nakayakap pa rin sa akin. He's hug is warm and I almost melted.

"Inaaamin kong may mga uncertainty ako when we became boyfriends. I questioned myself and my sexuality. But after you left, I became sure that it is you that I want. I've never been so sure of anything. You've been the one that got away. And now hindi na kita hahayaang makawala pa. Please Chris, stay with me. Stay with me for the rest of my life."

Kinalas ko ang pagkakagapos ng kanyang kamay mula sa pagkakayakap sa akin at humarap ako sa kaniya.

Napansin ko ang mga luha na dumadaloy mula sa kanyang mga mata. Hindi ko rin napigilan ang umiyak.

"Tristan, may aaminin din ako." Pagsisimula ko.

"Within those three years, I tried to make myself busy to forget you. I almost succeeded until you came to me. Tila nasayang ang effort ko na kalimutan ka kasi bumalik lahat ng alaalang pinagsaluhan natin. I, then, became unsure if I have really moved on from you. But when we met at the restaurant, I became sure na mahal pa rin kita. Hindi pala nawala ang feelings ko sayo. It just slept deep in my heart and you woke it up."

He cupped my face and slowly, gradually he kissed me on the lips passionately. Binuksan ko ang bunganga ko para papasukin ang malikot niyang dila. Hindi nagpatalo ang aking dila. Nakipaglaban ito na tila nag-eespadahan.

Tumagal din ng ilang minute ang halikan namin ni Tristan. Huminto kami nang muntik na kaming mawalan ng hininga. Tinawanan na lang namin ito at niyakap ang isa't isa.

"I love you, Chris."

"I love you, too, Tristan."

The One That Got Away Is Back (Completed, BL, m2m, bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon