33

316 23 3
                                    

Author's Note:

Hello Readers! I'm finally back. I am really really and deeply sorry for the delay of my work. I've been very busy with my work this past few months. Sorry po talaga...

*****

Sobrang bilis ang pagdaan ng panahon. Hindi ko namalayang patapos na pala ang school year.

Abala ang lahat sa paghahanda para sa darating na closing exercises. Kanya-kanyang print ng mga cards, certificates at gawa ng mga medals and ribbons.

Kagaya ng lahat, kami nina Jelly at Rachel ay abala rin. Gupit dito, gupit doon. Dikit dito, dikit doon.

"Kakapagod din pala itong ginagawa natin." Reklamo ko.

"Sinabi mo pa, Bish." Pagsang-ayon naman ni Jelly.

"Order tayo foods?" parang may nag-bell sa tenga namin ni Jelly pagkatapos sabihin yon ni Rachel.

Um-order na nga kami online. Hindi naman kami naghintay nang matagal dahil 10 minutes lang ay dumating na an gaming mga orders.

"Ah heaven." Si Jelly.

"Ahhhh. Pwede na akong mamatay sa sarap." Pagmamalabis ko.

"Exag." Sabay kaming tumawa ni Jelly.

"Masarap talaga yan dahil gutom na gutom kayo eh." Sabi ni Rachel.

Tumawa kami ulit. Tumigil lang kami nang makitang pumasok si Teacher Bonnie sa loob ng faculty.

"Bat ka nakasimangot, Bish?" napansin pala ni Jelly.

"Nagui-guilty pa rin kasi ako, Bish."

"It was so immature of me to do that to Bonnie."

Tahimik lang silang pareho na nakikinig sa akin. And I appreciate that.

"Bago ako aalis dito sa school, kakausapin ko muna siya at humingi ng kapatawaran."

"Aalis ka?"

"Bish? Aalis ka? Saan ka pupunta?"

And it hit me.

Hindi ko pa pala nasabi sa kanila na may plano akong lumipat ng eskwelahan.

"Pasensya na kayo at hindi ko kaagad nasabi sa inyo."

"Dahil ba ito kay Tristan?" tanong ni Rachel.

Tumango ako.

"Pero hindi lang si Tristan ang dahilan ng aking pag-alis. I need to search for myself."

"Pero Bish, do you really have to do that?"

"Oo Bish eh. Kailangan. For me to move on, I need to move out."

"San mo naman planong pumuta, Couz?"

"Kung saan man ako dadalhin ng mga paa ko. Char!" biro ko.

"Gusto ko sanang mag-aaply sa public school. Dun siguro sa hometown natin, COuz."

"Well, hindi ka na namin siguro mapipigilan, COuz. Kaya suporta na lang kami ni Jelly."

"Actually, parang gusto kong sumama sayo, Bish."

Nabigla naman kaming pareho ni Rachel.

"Sigurado ka ba, Bish?"

"Hindi."

"Pero pag-isipan ko muna." At tumawa siya.

"So ako na lang maiiwan dito?" malungkot na sabi ni Rachel. Pero ngumiti rin ito pagkatapos.

2 weeks to go bago mae-expire ang kontrata ko. After that, I'm going to hand in my resignation letter and leave.

Nagpatuloy na kami sa aming ginagawa. Mabuti na rin at hindi ako ipinatawag ni Sir Tristan sa kanyang office. Sana hanggang mamaya ay hindi kami magkita.

The One That Got Away Is Back (Completed, BL, m2m, bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon