Naggising ako nang biglang huminto ang sasakyan. Naramdaman ko rin na medyo bumigat ang kanang bahagi ng aking balikat. Tiningnan ko ang pinaggalingan ng bigat na iyon. Nakasandal pala sa aking balikat ang ulo ni Bruho.
"Andito na pala tayo." Sabi nung isang co-teacher ko.
"Baba na tayo." Sabi naman nung isa.
Mabilis kong inalis ang pagkakapatong ng uli ni Bruho sa aking balikat. Ginising ko rin siya. Baka anong isipan nila kapag nahuli kami sa posisyong iyon.
"Sir...sir. Andito na po tayo." Niyuyugyog ko siya para gumising. Nakakabit pa rin ang isa kong earset sa kanyang tainga.
Nakaupo kami sa harap kaya bawat taong bumababa ay madadaanan kami. Kaya inayos ko ang pagkaupo ko at hinintay ko na makababa lahat. Pagkatapos bumaba ng lahat ay sumunod na ako. Nasa likod ko naman si Bruho.
"Let's head inside muna at mag-check in." instruction ni Sir Tristan.
Tumungo na kami sa front desk para mag-check in at para makuha na rin ang susi sa bawat rooms namin.
"Mabuhay! Hello po!" bati ng receptionist.
"Base po sa list na ibinigay ninyo sa amin, nag-assign na kami kung sino ang magkasama sa iisang room." Paliwanag nito.
Nadismaya naman kami. Akala namin makakapili kami ng gusto naming makasama sa room.
"2 persons per room po." Dagdag nito.
Mas lalo akong nadismaya sa sunod niyang sinabi.
"What?" reklamo ng co-teacher ko.
"Hindi po ba pwedeng mamili ng ka-roommate? May right naman siguro kaming mamili." Reklamo ni Bonnie.
"We're in a democratic country, anyway." Patuloy niya pa.
Ngayon lang ako sumang-ayon sa sinabi ni Bonnie.
"I get that you're upset." Si Bruho.
"I let them choose your room assignment. Besides, we're one team diba? That's why we're doing this activity." Paliwanag nito.
Wala na kaming maggawa. Nagpaliwanag na ang boss alangan naman hindi kami susunod baka papauwiin niya kami. Ang layo pa naman sa kabihasnan nitong venue namin.
"Ms. Rachel kasama mo si Ms. Jelly sa room." Sabi nung receptionist.
Nag-high five naman ang dalawa ang binigyan ako ng naawang tingin. Inirapan ko naman sila at hinintay kung sino ang makakasama ko sa room.
"Sir Tristan makakasama niyo po yung assistant niyo. Okay lang po ba?"
"Excuse me po. Pwedeng tatlo na lang kami nina Rachel at Jelly? Nakakhiya na man po kung makiki-share pa ako sa room ng boss namin." Mabilis kong singit.
"Nope. It's fine." Sabi ni Bruho.
"Okay lang po ako kahit tatlo kami sa room." Sabi ko naman.
"Ayaw namin, diba Rach?" singit ni Jelly.
"Oo nga. Diba 2 persons per room lang? Sige na Couz, hindi naman siguro nangangain iyang si Sir Tristan, eh." Sang-ayon naman ni Rachel.
"Gosh! Pinagtutulungan nila akong dalawa."
Magkaibigan ba talaga kaming tatlo? I'm not so sure anymore.
"Willing akong maki-swap." Offer naman ni Bonnie. If I know, gusto niyang ialay lahat ng pag-aari niya para lang makasama itong bruho na ito.
But, I have a brilliant idea.
"Nope. I'll be fine." Sabi ko.
Tumingin ako kay Sir Tristan at kinuha ang susi.
BINABASA MO ANG
The One That Got Away Is Back (Completed, BL, m2m, bxb)
RomanceHindi magkadugo pero higit pa sa kaibigan ang turingan nina Christian at ang tinuturing niyang Kuya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay kailangan nilang magpaalam sa isa't isa. Masakit man, ngunit walang magawa si Christian kundi tanggapin ito. Nang...