31

394 23 0
                                    

Dahil buntot ng buntot itong si Edward eh wala akong magawa kundi ang makipag-usap sa kanya.

Naupo kami sa nakalaang table sa labas ng convenience store. Umupo siya sa upuang nakaharap sa akin at tila kanina pa naghihitay upang ako'y makapagsalita.

"I broke up with Tristan?" bungad ko sa aming usapan.

"Really?" gulat nitong tanong. Hindi ako sigurado pero parang may nakita akong bakas ng pag-asa sa kanyang mga mata. Hindi ko na lang ito pinansin.

"What happened?" dagdag na tanong nito.

Pakiramdam ko napagtaksilan ko ang mga kaibigan ko. Imbes kasi na dapat sila ang una kong masabihan, heto ako ngayon, kaharap si Edward at handang sabihin sa kanya lahat.

"Sorry guys."

"I don't think I deserve him. He's too good for me."

"Nababaliw ka na ba? How can you say that?"

"I think he deserves to be with Melissa and not me."

Sinabi ko sa kanya ang dapat kong sabihin. I did not cry. Siguro naubos na ang mga luha ko kakaiyak. And it felt good na may nababahaginan ako. Medyo gumagaan na ang loob ko.

"So, anong plano mo ngayon?" tanong nito matapos kong ibahagi sa kanya ang mala-MMK na break up namin.

"Plano? Kailangan ko ba yun?"

"Siguro, I need to spend time alone. Go on trips? Or whatever."

"Gusto mo samahan kita?" nabigla naman ako sa sinabi ni Edward.

"No need. Gusto ko ngang mag-isa diba?"

"SO after nun?"

Ano bang meron kay Edward ngayon? ANo bang pakialam niya sa kung anong mga gagawin ko?

I did not answer him but gave him an irritated look. Tumahimik naman it nang makuha siya sa tingin ko.

"Do you think you could give me another chance?"

"Of course, not. My god Edward. Kakagaling ko lang sa break up."

"You can't expect me to love again right after a break up."

Tumayo na ako at handa na sanang umalis nang magsalita ito.

"I'm sorry, Chris. I was out of my mind. Hindi ko inisip ang maaari mong maramdaman ngayon. I'm so sorry." Pagpapaumanhin nito.

I sighed.

"It's okay." At umalis na ako. Mabilis akong naglakad para hindi niya ako mahabol.

I had a long day. All I want right now is a night with my bed and pillows. My bedroom is my only solace right now.

*****

"Let's party later, guys?" pag-aaya ko sa kanila.

Nag-VC kami ngayon.

"Sure. Can't wait." Si Jelly.

"Ako rin. What time?" si Rachel.

"8. Maaga dapat tayong magsimula because the night is long."

Nagawanan kami pagkatapos nun.

Though I still feel pain inside, nakaramdam ako ng excitement. Sana malabas ko lahat para tuluyan nang mawala itong bigat na aking nararamdaman.

Sumapit ang 7:30 pm. Sinundo ako nina Rachel at Jelly sa aking condo. Hindi talaga sila nagsasawang sunduin ako palagi kapag may pupuntahan kami.

"San tayo?" tanong ni Rachel.

The One That Got Away Is Back (Completed, BL, m2m, bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon