28

373 21 0
                                    

Weekend ngayon kaya hindi muna ako babangon. I'm feeling the comfort that my bed gives me.

Tumunog ang Messenger ko.

Lea: Hey Guys. I miss all of you.

Sa GC pala namin.

Kim: Haaay! Ngayon lang ulit nabuhay itong GC natin.

Oscar: What's uo?

Edward: Thumbs Up.

Pati rito sa GC tahimik pa rin si Edward.

Oscar: Miss ko na kayo guys. Miss na kayo ng restaurant namin. Diba Dave?

Dave: Yep.

Lea: Kaya nga yayayain ko sana kayong mamaya.

Lea: Let's eat.

Dave: Deal.

Oscar: Maghahanda kami ni Dave.

Tristan: Damihan niyo lutuin niyo.

Si Tristan.

Rachel: Huwag niyong kalimutan favourite ko hah?

Dave: Thumbs Up.

Dave: Jel, anong gusto mong kainin?

Oscar: Ayyiiee.

Kim: Kilig!

Jelly: Kahit ano lang, Dave?

Oscar: Eh ikaw Chris, anong gusto mong kainin?

Chris: Okay lang sa akin kahit ano.

Marami pa silang pinag-usapan. Nagbabasa lang ako sa kanilang mga convo. Mukhang na-miss nga ata nila ang isa't isa. I alse miss them.

*****

Sinundo ako nina Rachel at Jelly sa condo ko.

"Alam mo Bish, para kang pagong."

"Hindi ka pa ba sanay Jel?"

"Eh sa halip na punahin niyo ang kabagalan ko, kung nag contact na kayo sa Grab ng taxi."

Tumugon naman si Jelly at sinunod ang inutos ko.

Nang marinig namin na may humintong kotse sa labas, agad kaming lumabas.

Naghihintay na nga ang taxi sa harap ng condo. Sumakay na kami.

Sumakay si Rachel sa front seat. Sa likod naman kami sumakay ni Jelly.

Nakarating na kami sa restaurant nina Dave at Oscar. Tanaw namin ang mga tropa ni Rachel. Pansin ko ring naka-park ang sasakyan ni Tristan at ni Edward.

Infairness, na-miss ko rin si Edward.

Pumasok na kami. Nakaagaw sa aking pansin ang isang pamilyar na babae na katabi ni Tristan.

Si Melissa.

Muntik kong makalimutan na kaibigan din pala siya nina Rachel. Pero hindi ko inaasahang narito siya ngayon. At katabi pa ng aking boyfriend. Medyo kumirot ang dibdib ko.

Selos ka ghourl?

Inaamin kong may konting selos akong nararamdaman. Pero kilala ko si Tristan and I trust him.

Napansin ni Rachel ang tensyon ko.

"Okay ka lang Couz?"

Tumango ako at ngumiti bago umupo. Kaharap ko si Tristan at pinukulang ako ng nag-aalalang tingin.

The One That Got Away Is Back (Completed, BL, m2m, bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon