Natapos na ang first round ng Quiz Bee. Babalik pa kami bukas para sa ikalawang round.
"Congrats Bish!" bati ni Jelly.
"Congrats din Bish. Magkikita na naman tayo bukas."
"Nagtext nga pala si Rachel. Mag meet daw tayo mamaya for dinner."
"Talaga? Sige sige." Excited kong sabi.
"Ihahatid ko lang muna tong mga alaga ko at magpapaalam ako sa co-teacher ko." Pagpapaalam ko.
"Okay Bish. Hihintayin na lang kita sa bandang gate."
Umalis na ako para ihatid itong mga alaga ko. At para makapagpaalam na rin sa co-teacher ko.
Hinintay kong makaalis sila bago ako umalis. Tumungo na ako sa pwesto kung saan kami magkikita ni Jelly.
"Hello, Chris! Long time no see."
Isang pamilyar ang aking narinig habang ako'y naglalakad. Nilingon ko ang pinanggalingan ng tinig na yon at nakita koi to sa aking harapan.
Si Tristan. Ang taong gusto kong iwasan. Ang taong hindi ko inaasahang makita ko sa oras na ito.
Narito na nga siya ngayon. Sa aking harapan. Abot-tenga ang ngiti. He gave me that charming smile. Yung ngiting makalaglag brief.
Iba talaga ang timing ni destiny. Ibang klase! Wala akong masabi.
Gulung-gulo ang utak ko ngayon. Nag-iisip ako ng excuse para makawala sa awkward na sitwasyong ito. Kung sana lang eh may kapangyarihan akong mag teleport ay ginawa ko na. Pero wala eh. Tao lang ako. Taong marupok.
"Uy, hello Sir Tristan." Bati ko,
"Hindi ko inakalang magkikita tayo rito." Dagdag ko pa.
"Oo nga eh. Akala ko nga kanina nagmamalik-mata lang ako." Sabi nito habang minamasahe ang kanyang batok na tila nahihiya.
Ewan ko ba, pero parang ang hot lang tingnan kapang minamasahe niya ang kanyang batok.
"Would you like to have dinner with me?" tanong nito.
I was taken aback by his invitation.
"A- e..." I stuttered.
"May ka-meet kasi ako ngayon. Hindi ako pwede ngayon." Sagot ko sa kanyang imbitasyon.
"Ah. So, pwede ka another time?"
"Hmmm..." tatanggapin ko ba ang imbitasyon niya?
Why not? Baka naman isipin niya hindi pa ako naka-move on.
"Sige. Free po ako tomorrow night."
"Really? Glad to hear that. See you tomorrow, then." Masayang saad nito.
"Maiwan na kita Sir Tristan. Kanina pa kasi naghihintay yung kasama ko."
*****
"Talaga? Inimbitahan ka niyang mag-dinner?" gulat na tanong ni Jelly.
"Yup! Hindi na ako tumanggi baka isipin niyang hindi pa ako naka-move on. It's been three years na rin naman so why not have a talk with him, di ba?"
"Tama, Couz. I think you're mature na ngayon." Si Rachel na ikinatawa naman ni Jelly.
"O ba't ko tumawatawa, Bish?"
"Hindi kaso ako makapaniwalang nag-mature na ang Bish ko."
"Well, let's stop talking about me and start talking about you." Pag-iiba ko ng topic.
Ang tinutukoy ko ay si Jelly.
"Well, actually gusto ko nang mag-settle down."
"Waaah! Really? So, what's the problem?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
The One That Got Away Is Back (Completed, BL, m2m, bxb)
RomanceHindi magkadugo pero higit pa sa kaibigan ang turingan nina Christian at ang tinuturing niyang Kuya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay kailangan nilang magpaalam sa isa't isa. Masakit man, ngunit walang magawa si Christian kundi tanggapin ito. Nang...