"I understand. Remember this, kung sasaktan ka man niya kung sino man siya, my shoulder is always free for you to cry and to lean on." Sabi ni Edward na may lungkot sa kanyang mga mata.
Niyakap ko siya. Siya ang unang bumitaw sa aming yakap. Pagkatapos ay tumayo na siya at umalis. Naiwan akong mag-isa na nakaupo sa bench.
Nakaramdam ako ng lungkot pero at the same time parang may tinik na nabunot mula sa aking puso. I guess it's for the better. Mabuti nang malaman niya mula sa akin kaysa malaman niya sa iba, or worse mahuli niya kami.
*****
Kasalukuyan akong nagbibihis ngayon. First date kasi namin ni Bruho ngayon. Matagal din bago ako nakapili ng susuotin.
Honestly, I don't have any idea what to do during dates. Not even the slightest idea. Sana naman hindi siya ma-turn off sa akin.
Nakarinig ko ng busina ng sasakyan sa labas ng unit ko.
"Oh no. Nandito na siya." Tarantang sabi ko.
Mabilis akng lumabas at tumungo sa kanyang sasakyan. Binuksan nito front seat saka ako pumasok.
"Hi. Sorry." Pagpapaumanhin ko.
"Ang cute mo talaga."
Uminit bigla ang aking pisngi dahil sa sinabi niya.
"And you're handsome." Nahihiyang tugon ko na ikinangiti niya.
Pinaandar niya ang kanyang kotse.
"Anong gusto mong gawin ngayong first date natin?" tanong nito habang nagmamaneho.
I froze. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya.
"Ahm.. wait lang." mabilis kong inilabas ang aking cellphone.
"Answer me." Mukhang naghihintay siya ng aking sagot.
"What are you doing? Are googling?" gulat na tanong nito.
Nahihiya akong tumango. Masama bang humingi ng tulong kay Google?
Mabilis nitong hinablot ang aking cellphone at tumitig sa akin.
"You haven't dated before, have you?"
Tango lang ang tangi kung sagot. Tumawa ito ng bahagya.
"So, this is your first time?"
Tumango lang ulit ako.
"Bakit hindi mo sinabi?"
"Nahihiya kasi ako. Tsaka natatakot ako baka ma-turn off ka sa akin?" nahihiyang tugon ko.
"Nonsense. Don't worry. Just go with the flow with me. You trust me, right?" pagsisigurado nito.
Tumango ako.
"Look at me." Utos nito.
"Huwag ka nang sumimangot diyan. Akong bahala sayo."
Lumiwanag ang aking mukha pagkasabi niya nun. Ngumiti na rin ako at nakahinga ng maluwag.
I trust you, Tristan.
*****
Una akong dinala ni Tristan sa sinehan. And our first fight ever took place here.
"Be considerate naman Tristan."
"Hindi lahat gustong manood ng action movies." Dugtong ko.
"Hindi rin lahat gustong manood ng horror." Tugon naman nito.
"Bakit? Natatakot ka no?" panunukso ko.
"Kalalaki mong tao takot ka sa horror movies." Dagdag ko pa.
BINABASA MO ANG
The One That Got Away Is Back (Completed, BL, m2m, bxb)
RomanceHindi magkadugo pero higit pa sa kaibigan ang turingan nina Christian at ang tinuturing niyang Kuya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay kailangan nilang magpaalam sa isa't isa. Masakit man, ngunit walang magawa si Christian kundi tanggapin ito. Nang...