Bukas gaganapin ang aming team building sa isang sikat na resort dito sa siyudad namin. Ngayon ay kasalukuyan akong papunta sa bahay nina Michael para sa tutoring session namin at para na rin ipaalam sa kanila na hindi liliban ako para sa aming team building.
Si Edward ang nagmamaneho ng sasakyan habang nasa front seat naman si Michael. Lumingon ako sa harap nang may mapansin ako sa rear view mirror. Nagtama ang paningin namin ni Edward. Mabilis akong umiwas. Tumingin ulit ako sa salamin at nakitang umiwas rin siya ng tingin.
"Ano bang problema nito? May dumi ba ako sa mukha?"
Nang magtama ulit ang paningin namin ay pinukulan ko siya masamang tingin na nagsasabing tumingin sa dinaraanan namin at baka kami madisgrasya.
Sinunod niya naman ito.
Ngunit sa huling pagkakataon na tumama ang mga paningin namin ay ngumiti siya.
"Sinong nginingitian mo sa likod, Tito?" biglang tanong ni Michael.
Napansin pala ni Michael.
"None of your business." Sagot naman ni Edward.
Lumingon naman si Michael sa aking gawi at pinukulan ako ng nanunuksong tingin.
"Hindi ko alam na friends pala kayo." Ani Michael.
"Well, you can say that we're friends." Sabi ko naman.
Ngumiti lang si Edward at nagpatuloy nang magmaneho.
"Hindi ko lang in-expect na may kaibigan pala itong si Tito."
*****
Madali kaming natapos ni Michael sa aming session. Bumaba na kami para kumain ng dinner. Kami na lang palang dalawa ang hinihintay nila.
"Ms. Hyde, magpapaalam lang po sana ako." Bungad ko.
Tumungin silang lahat sa akin.
"Bukas kasi, may Team Building Activity na gagawin ang school." Pagpapaliwanag ko.
"Tatlong araw po akong mawawala." Patuloy ko.
"Oh. Well, you don't need to worry. Of course you don't have to come here tomorrow." Ani Ms. Hyde.
Masaya naman ako at pumayag si Ms. Hyde. Alam ko naman na papaya siya. Nagpaalam lang ako for formality.
"And, we will be having a welcome party for my father-in-law next week. You should come." Paanyaya ni Ms. Hyde.
"Punta ka Teacher Chris, hah?" pagpupumilit naman ni Stephanie.
May choice pa ba ako?
"Sige po." Pagpayag ko.
Nung matapos kaming kumain ay inihatid na ako ni Edward pauwi.
"Don't worry. Pupunta ang buong tropa." Biglang sabi ni Edward nang matapos niyang paandarin ang kotse.
"Haay! Mabuti naman. Hindi ako ma-o-OP sa party." Masayang sabi ko.
"Eh kahit wala naman sila, hindi ka ma-o-OP." sabi nito.
Nagulat ako matapos niya yung sinabi. Napansin ata niya na kumunot ang aking noo.
"I mean. I won't let you feel out of place. Sasamahan pa rin kita."
"I'm not fond of crowded places, anyway." Dagdag nito.
Halata namang he's not fond of crowded places. Eh introvert kaya tong mokong na 'to. It seems like he built a strong wall and shut people out. Even his own family.
"So, dadating pala ang father mo?" sabi ko.
"Mm-mm." tipid na sagot nito.
"May itatanong ang ako, sana huwag kang magalit."
BINABASA MO ANG
The One That Got Away Is Back (Completed, BL, m2m, bxb)
RomanceHindi magkadugo pero higit pa sa kaibigan ang turingan nina Christian at ang tinuturing niyang Kuya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay kailangan nilang magpaalam sa isa't isa. Masakit man, ngunit walang magawa si Christian kundi tanggapin ito. Nang...