"Thanks for saving me back there."
Ngumiti ito bago nagsalita.
"Actually, it's just coincidence. Kailangan ko talaga ang tulong mo." Sabi niya habang inginuso ang kinaroroonan ng mga nagkalat na mga papeles.
So tama nga ako. May ibig sabihin ang mga ngiting yon. Hindi ko nga lang inaasahan na itong magulong opisina niya ang dahilan.
Haaay. Assumer aka ghorl?
Sumimangot ako nang mapagtanto kong mali ang aking inakala. Napansin ito ni Tristan at madaling nilapitan ako atsaka niyakap.
Ngumiti ako ulit at tinapos na namin ang pag-aayos ng mga documents.
"Sleep with me tonight."
Nabitawan ko ang hawak kong papeles nang marinig ang sinabi ni Tristan.
Ngumiti ito nang nakakaloko nang mapansin ang reaksyon ng aking mukha.
"I mean, sabayan mo akong matulog sa bahay." Pagkaklaro nito.
Napabuntong hininga ako nang sabihin niya yon. Akala ko eh may mangyayari na naman.
"Hmmm." Hindi ako sure kung tama bang alokin niya akong matulog sa kanyang bahay.
Wala naman sigurong masama. Tutal boyfriend ko naman siya.
"Okay." Sa huli ay pumayag din ako.
Nakita ko naman ang malapad na ngiti na iginawad niya sa akin.
*****
"Cook for me."
Napasamid ako nang sabihin niya yon habang nagmamaneho.
"Please."
Wala akong naggawa kundi tumango bilang pagpayag. Palihim akong nagdasal n asana ay malagpasan ko ang pagsubok na ito.
Mabilis kong inilabas ang cellphone ko at naghanap ng mga simpleng recipes sa Google.
Sa sobrang daming lumabas na results, ay hindi ko alam kung anong pipiliin ko. Nasa gitna ako ng isang mahirap na desisyon nang huminto ang kotse hudyat na nakarating na kami.
Lumabas ako ng kotse at napamangha sa bahay na nasa harap ko. Hindi naman ito kalakihan. Tamang-tama lang sa iisang tao o kaya ngang tumira dito ang isang pamilya eh.
Giniya niya ako papasok. Mas maganda pa pala sa loob nito. Ang interior ng kanyang bahay ay hango sa Korean style na trending ngayon.
"Ang sarap tumira rito."
"You can live with me, if you like."
Napatingin ako sa kanya.
"Naririnig ba niya ang nasa isip ko?"
And that's when I realized na nasabi ko talaga yon ng malakas.
"S-sorry. Sobrang ganda kasi ng bahay mo."
Tumawa ito.
"I mean it when I said you can live with me."
"Ano ka ba? Hindi pa ako handang mag-asawa no?"
Tumawa na rin ako.
"Nasan ang kitchen mo?" char! Hindi halatang excited akong magluto.
Sumunod ako sa kanya. Pagbukas ko ng ref ay nagulat ako sa dami ng laman nito. Tumingin ako sa kanya nang may pagtatanong.
"Well, cooking is one of my hobbies."
Edi sana siya na lang nagluto.
"You can choose any ingredients you need."
BINABASA MO ANG
The One That Got Away Is Back (Completed, BL, m2m, bxb)
RomansaHindi magkadugo pero higit pa sa kaibigan ang turingan nina Christian at ang tinuturing niyang Kuya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay kailangan nilang magpaalam sa isa't isa. Masakit man, ngunit walang magawa si Christian kundi tanggapin ito. Nang...