Nasaan ako?
Nasa pamaginip ba ako?
May humahabol sa akin. Tumakbo ako nang mabilis. Hindi napansin na may bangin at huli na nang naisipan kong huminto. At ako ay nahulog sa mataas na bangin.
Unang tumama ang aking pwet at naramdaman ko ang sakit nito. At biglang lumiwanag ang aking paningin...
Naggising dahil sa masamang panaginip na yon.
"Bakit parang totoo? Biglang sumakit ang pwet ko."
Tumingin ako sa paligid ng kwarto. Tulog pa rin sa Bruho. At nakahubad ito. Akma akong tumayo nang mapansing wala rin akong saplot sa aking katawan.
And then it hit me.
"What the f---?"
Hubo't hubad ako. Hindi ko alam kung bakit wala akong saplot sa aking katawan. Hinanap ko ang aking mga damit.
Pinilit kong alalahanin ang mga nangyari kagabi.
Bumalik ang lahat ng alaala ko nung gabing yon. Parang replay ito ng palabas dahil sa kumpletong detalye nito.
Mabilis akong nagbihis at tumungo sa kwarto nina Jelly at Rachel. Masakit ang pwet ko ngunit tiniis ko ito para makaalis lang sa kwarto namin. Ayokong maabutan niya ako doon.
Hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman ko ngayon. Magagalit ba ako? Masisiyahan ba?
All I know is that wala akong mukhang maihaharap sa kanya. Nahihiya ako.
Okay. Let's act that it never happened. It shouldn't happened in the first place.
Well, it's just a one night stand para sa kanya.
"Eh para sa'yo, Chris?"
For me?
Ano nga ba ito para sa akin?
Whatever. It will pass. Makaka-move on din ako from this.
"So, it matters to you?"
Of course it matters. I was devirginized. Hindi na ako virgin. Sira na ang reputasyon ko.
"Reputasyon? Duh... As if meron ka nun?"
*****
Tahimik kaming kumakain nina Jelly at Rachel nang biglang dumating si Bruho.
"Hello, Ladies." Bati nito.
Napaigtad naman ako.
"Bish, bakit ka namumutla?"
"Okay ka lang ba Couz?"
Tumingin silang tatlo sa akin. Napansin ko namang nag-smirk si Bruho. Parang wala lang ito sa kanya. Habang ako ay parang timang na iniisip ang mga nangyari kagabi.
"Hindi yan makatulog kagabi." Sabi ni Bruho.
"Bakit naman? Ano bang ginawa mo kagabi?" tanong ni Jelly.
"Uy Tristan, ano bang ginawa nito kagabi?" tanong ni Rachel kay Bruho.
Mas lalo akong namutla dahil sa mga tanong nitong dalawang ito. Nakakainis kasi itong si Bruho.
"Y-you know-w na. S-sobrang l-lasing ko k-kagabi kay-ya d-di ako makat-tulog." Sabi ko.
"Eh bakit utal-utal ka?" si Jelly.
"May ginawa ka bang kahihiyan?" patuloy nito.
"May ginawa ba siyang kahihiyan, Tristan?" tanong ni Rachel.
BINABASA MO ANG
The One That Got Away Is Back (Completed, BL, m2m, bxb)
RomanceHindi magkadugo pero higit pa sa kaibigan ang turingan nina Christian at ang tinuturing niyang Kuya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay kailangan nilang magpaalam sa isa't isa. Masakit man, ngunit walang magawa si Christian kundi tanggapin ito. Nang...