Nagsimula na ang tutoring session ko with Michael. I've tracked the progress of Michael since day 1. Masasabi kong malaki na ang improvement nito. Masaya naman ako sa resulta ng tutoring sessions namin.
"Wow! Ang galing-galing mo na Michael." Pagpupuri ko sa kanya.
"Siyempre magaling din ang tutor ko eh." Sagot naman nito.
Masaya ako na na-appreciate ni Michael ang mga efforts ko. Pati rin yung mga magulang nito at pinupuri rin ako.
Iniwanan ko ulit ng acitivity si Michael at nagpasyang lumabas muna para magpahangin. I mean to breathe some fresh air. Though mahangin naman sa loob ng kwarto pero galing yun sa aircon.
Nakarating ako sa pool side at umupo sa bench. Lumingo ako sa itaas. Nakakamangha ang kalangitan. Tila ito'y nagdiriwang sa dami ng bituin at dahil sa sobrang liwanag ng buwan. Hinayaan ko ang sarili ko na malunod sa lalim ng aking iniisip dulot ng nakakamanghang tanawin sa langit.
"Ang lalim ng iniisip mo ah?" narinig kong sabi ng pamilyar na boses na nagpabalik sa akin sa realidad.
Si Edward.
Tinuro ko ang kalangitan.
"Ang ganda no? Nakakamangha." Sabi ko.
"Ang babaw naman ng kaligayahan mo?"
"Tse. Panira ka ng moment." Tugon ko naman.
Hindi ko inaasahan na ang isang misteryoso at tahimik na katulad ni Edward ay hindi pala sentimental katulad ng iniisip ko.
"Bakit ba ang sungit-sungit mo? Galit ka ba sa mundo?" tanong ko.
Naalala ko ang sabi ni Ms. Hyde. Nag-iba raw siya mula nung mamatay ang kanyang ina.
Bigla siyang humarap sa akin. Lumapit ang kanyang katawan. Inilapit niya rin ang kanyang mukha. Dinig na dinig ko ang pintig ng aking puso. Nag-ipon ako ng lakas at itinulak siya. Ngumiti lang ito.
"Kakain na raw." Sabi niya at umalis.
What the f---?
Masarap ba akong asarin at ganito ang ginagawa nila sa akin? Una. Si Bruho ngayon naman si Edward. May susunod pa ba? Magkaibigan nga ang dalawang kumag na yon.
*****
Kasalukuyan kong inaayos ang schedule ni Bruho. Inayos kung ano ang mauuna base sa oras at sa petsa nito.
"May meeting siyang mamayang 1." Sabi ko sa sarili ko.
Pagkatapos kung ayusin ang schedule ni Bruho ay tumungo na ako sa aking advisory class para simulan ang aking klase.
Oras na ng lunch break. Himala at hindi ako kailangan ni Bruho. Siguro busy siya ngayon. Sunod-sunod kasi ang mga meetings niya.
Sabay kaming kumain ng lunch ni Jelly.
"Bish, na-miss kita."
Nabigla naman ako sa sinabi ni Jelly.
"Always naman tayong nagkikita ah?"
"Ngayon lang kasi kita ulit nakasabay kumain ng lunch." Saab nito.
"Palagi mong kasama si Sir Tristan. Nagseselos na ako." Malungkot nitong sabi.
"Naku! Sorry Bish. I'll make it up to you."
"Tsaka ba't ka nagseselos? Halos di nga ako makakain pag siya ang kasama ko."
Natapos kaming kumain ni Jelly at naghanda na para sa afternoon session.
*****
Alas 2 ng hapon nang makatanggap ako ng tawag mula sa kay Sir Tristan.
![](https://img.wattpad.com/cover/219557828-288-k122348.jpg)
BINABASA MO ANG
The One That Got Away Is Back (Completed, BL, m2m, bxb)
RomanceHindi magkadugo pero higit pa sa kaibigan ang turingan nina Christian at ang tinuturing niyang Kuya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay kailangan nilang magpaalam sa isa't isa. Masakit man, ngunit walang magawa si Christian kundi tanggapin ito. Nang...