2

1.1K 46 12
                                    

Kinabukasan, tanghali na nang ako'y gumising.

"Gosh! I'm so late."

Dali-dali akong naligo at hindi na kumain pagkatapos ay dumeretso na ako sa school.

7:45 na nang ako'y dumating sa school.

Walang lingon-lingon, ako ay tumakbo papasok sa school. Napaigtad ako nang marinig ko ang isang busina mula sa sasakyan sa di kalayuan.

Bumukas ang pinto ng sasakyan at bumungad dito ang mukha ng aming bagong president.

At bumalik sa aking alaala ang sinabi niya kahapon sa auditorium.

Tumayo ako nang matuwid. Dinig na dinig ko ang mabilis na pintig ng aking puso.

"My Gosh! End of the world na." sa isip ko.

"It's you again, teacher LBM."

What the---? Did he just call me Teacher LBM? Ngunit di ako nakapagsalita dahil sa sobrang kaba.

"I clearly told you yesterday..."

"I am so sorry, Mr. President. Bigyan niyo pa po ako ng second chance. Inatake po kasi ako ulit ng LBM ko." Walang hingang sabi ko.

Hindi ko na pinag-isipan ang mga sinasabi ko. Gumawa na lang din ako ng excuse para medyo convincing.

"LBM na naman? Ano bang meron sa loob ng tiyan mo? Baka naman naman monsters na ang nakatira diyan?"

Wala na akong pakialam kung mapahiya ako sa kanya. Hindi naman kami always na magkikita eh.

"And actually, this is your second chance."

Oo nga pala.

"Give me more chances, Sir." Pagmamakaawa ko sa kanya.

"Parang namimihasa ka na ah?"

"Okay, I will give you another chance. Now, go to your class."

"Maraming salamat po."

At ako ay dumiretso na sa aking classroom.

Lunch Break

"Bish, bakit hindi mo naman sinabi sa akin na nagbabantay pala sa gate si Mr. Sungit President." Tanong ko kay Jelly.

"Omo! Siya ang nagbabatay sa gate?"

"Wow hah! Hindi lang pala siya President. Pati rin pala pagiging security guard ay pwede siya." Dagdag pa niya.

"Sinabi mo pa." tugon ko naman.

"Eto pa, tinawag niya akong Teacher LBM." Dagdag ko pa.

Tumawa siya bago nagsalita.

"Woah! Hindi ka na niyan malilimutan. Tumatak ka na sa kanya."

"And If I know, palagi ka na niyang babantayan." Pananakot niya.

"Gosh! This is hell."

"Think of it as a blessing in disguise."

"Blessing, my foot. I feel like I'm living in hell."

Pagkatapos naming kumain ay bumalik agad kami sa faculty room para tapusin ang mga dapat tapusin.

"Teacher Christian, may nag-iwan ng gamot diyan sa table mo." Si Teacher Bonnie.

"Para daw mabawasan ang pagtatae mo ng basa." Dagdag niya pa sabay tawa.

Hindi talaga namin gusto itong si Teacher Bonifacio. Bonnie for short. Siya lang naman ang Guidance Coordinator namin na walang guidance. Puro pangingialam lang ang alam niyang gawain. Kaya halos lahat ng teacher dito sa faculty ay ayaw sa kanya.

The One That Got Away Is Back (Completed, BL, m2m, bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon