7

724 40 0
                                    

Pagkatapos ng foundation anniversary ay abala ang lahat sa paghahabol ng mga lessons na dapat i-cover.

This is will going to be a hell week.

Turo dito, turo doon. Lesson plan dito, lesson plan doon.

Wala na akong time sa paglalakawatsa. Pagkatapos ng buong araw na pagtuturo ay nagtuturo rin ako buong magdamag.

"Teacher Chris?"

"Teach?"

Naggising ako dahil naramdaman kong may yumuyugyog sa aking balikat.

"Oh Sorry Michael. Nakatulog pala ako. Tapos mo na ba ang activity mo?" tanong ko.

"Opo." Sagot nito.

"Kakain na raw po tayo ng dinner." Dagdag pa nito.

Bumaba na kami upang kumain.

Pagkatapos kumain ay nagpaalam na ako. As usual, si Edward ang maghahatid sa akin.

Nauna akong pumasok sa sasakyan. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.

Naalimpungatan ako nang may maramdaman aking hininga.

Minulat ko ang aking mga mata at laking gulat ko nang makitang ang lapit-lapit ng mukha ni Edward sa akin.

Dahil sa aking pagkabigla ay naitulak ko siya. Medyo malakas ata ang pagkatulak ko. Nagulat naman ito sa tinuran ko.

"Ano bang problema mo?" inis na tanong ito.

"A-anong g-ginagawa m-mo?" utal-utal kong tanong.

"Ikabit mo yang seat belt mo." Inis niyang sabi.

Ah! Nakalimutan ko palag ikabit ang seat belt ko.

"Sana ginising mo ako." Inis ko ring sabi.

"Paano naman kita gigisingin eh himihilik ka sa sobrang sarap ng tulog mo."

"Omo! Ako? Humihilik?"

Tumhimik na lang ako.

Nang dumating na kami sa harap ng condo ko ay bumaba ako kaagad. Hindi pa ako nakapagpaalam nang pinaharurot niya ang kanyang kotse.

"Wow!" at pumasok na ako.

*****

Kasalukuyan kaming kumakain ng lunch sa loob ng faculty nang abalahin kami ng presensya ng isang bruho.

Napabalikwas naman kaming lahat at binati siya. Hindi namin inaasahan ang pagdating nito. Ano kayang ginagawa nito dito?

Biyernes na ngayon kaya medyi humupa na ang chismis tungkol sa nangyari noong Employess' Night.

"How may we help you, Sir?" tanong ng aming principal.

"I would like a word from Mr. Ferrer." Hindi mawala sa kanya ang smirk. Trademark ata niya ito.

Lumingon naman silang lahat sa akin. Masama na naman ang tingin ni Bonnie sa akin. Makahulugang tingin naman ang ipinukol ni Jelly sa akin.

"Go na Bish." Utos ni Jelly.

"Oh Teacher Chris, narinig mo si Sir Tristan. Umalis ka na." utos naman n gaming principal.

Grabe hah? Ganun lang niya ako kadaling itinaboy.

Sumunod ako kay Bruho. Sinundan ko siya patungo sa kanyang office. Agad naman siyang naupo.

Maganda ang interior ng office ni Sir Tristan. Malapad. Parang gusto kong tumira rito.

"So, you haven't received your punishment yet." Bungad nito.

Patay! Akala ko nakalimutan na niya.

The One That Got Away Is Back (Completed, BL, m2m, bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon