Pumasok ako sa amig kwarto at nakitang nakahiga na si Bruho sa kama. In-assume kong tulog na siya.
Dumiretso na ako sa banyo para magbanlaw at magbihis ng pantulog. Pagkatapos kong magbihis ay maghahanda na ako para matulog.
Dahan-dahan akong humiga sa kama para hindi ko maistorbo ang natutulog na bruho sa kaliwa ko. Kinuha ko ang extrang unan para ilagay sa pagitan namin. Hindi naman sa may malisya ako. It's just that... I just don't feel comfortable about it.
Tumunog ang messenger ko.
Jelly: Musta ang first night ng #ChrisTan?
Rachel: Send ka pictures. Hahahaha
May toyo sa utak itong dalawang ito. Bakit ba sini-ship nila kaming dalawa?
Chris: Hoy! Itigil niyo na nga yang kalokohan niyo. Bakit niyo ba kami nili-link?
Jelly: Uy, may napipikon.
Jelly: Na-feel kasi namin yung chemistry niyo nung nag-kiss kayo. Diba, Rach?
Rachel: Yup.
Chris: It's just an accident kiss, you know?
Chris: It's no big deal.
Rachel: Weh? If I know big deal na big deal yun. First mo kaya yon.
Jelly: Omo! First kiss niya yon?
Chris: Okay! Big deal nga yon since it's my first kiss. Pero if I know, hindi yon big deal kay Bruho.
Chris: Este, Sir Tristan. Besides, hindi lang naman ako ang nakahalikan niya.
Jelly: Bakit? Nagseselos ka ba?
Rachel: Oh? Baka disappointed ka kasi hindi yon big deal sa kanya.
Chris: Whatever. Eh hindi nga kami magkasundo eh. Number 1 siya list of my enemies.
Jelly: Oh? Alam mo bang naniniwala ako sa kasabihan na 'The more you hate, the more you love'? Hahahahaha
Rachel: Malay mo, big deal yon sa kanya.
Jelly: Oo nga.
Chris: Imposible.
Chris: Matutulog na ako. Good night.
Dun natapos ang aming convo.
Na-disappoint nga ba ako dahil hindi yon big deal sa kanya?
Of course, not. Hindi ko siya gusto. Si Kuya lang ang gusto ko.
Eh paano kung siya si Kuya?
Whatever! Matutulog na ako.
Nagpalit ako ng posisyon at humarap sa kaliwa. Laking gulat ko na lang na nakaharap din pala siya sa akin. At mas nagulat ako dahil nakadilat pala ang mga mata niya. At nakangiti ito sa akin. Mabilis akong napaupo.
"Hindi pa po pala kayo tulog."
"Ang ingay ng cellphone mo eh." Reklamo nito na nakangiti pa rin.
"Sorry po." Pagpapaumanhin ko.
"Pwede na po kayong matulog nang mahimbing. Matutulog na rin po ako." Dagdag ko pa.
"Nope. It's fine. Hindi rin kasi ako makatulog."
"Namamahay ata ako." Dagdag pa nito.
"Normal lang naman po siguro yan." Sabi ko.
"O baka naman, hindi kayo komportable nang may katabi."
BINABASA MO ANG
The One That Got Away Is Back (Completed, BL, m2m, bxb)
RomanceHindi magkadugo pero higit pa sa kaibigan ang turingan nina Christian at ang tinuturing niyang Kuya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay kailangan nilang magpaalam sa isa't isa. Masakit man, ngunit walang magawa si Christian kundi tanggapin ito. Nang...