23

503 23 0
                                    

Author's Note:

Waaah! 1k+ reads na tayo. Sobrang thank you sa inyo mga masugid kong tagapagbasa. Pasensya na, isang Chapter lang yong mai-update ko ngayon dahil medyo busy na ako since malapit na ang enrolment. Promise, sa next update ko, 2 chapters na ang i-a-upload ko.

Thank you ulit.

*****

Dalawang linggo na ang lumipas. Next week magre-resume na ang mga klase. Sa dalawang linggo palagi kaming magkasama ni Tristan, medyo nakikilala na namin ang isa't isa. And it's a good thing.

Sabado ngayon, kasalukuyan akong naghahanda para sa resumption of classes sa darating na Lunes.

Tumunog ang aking cellphone hudyat na may tumatawag.

"Hello?"

"Biiish!" malakas na tili ng babaeng nasa kabilang linya.

"MyGad Jelly. Mabibingi naman ako sa lakas ng boses mo." Reklamo ko.

"What's up?"

"Bish, klase na next week. Hindi ko na-feel ang Christmas vacation." Pamamaktol ni Jelly.

"Duh... hindi ba kayo lumalabas ni Dave? Hindi k aba na-enjoy na kasama mo ang knight-in-shining armor mo?"

"I'm always happy to be with him. What I mean is, parang ang dali dali lang nitong natapos."

"I feel you, Bish." Tugon ko.

"Kaya gusto ko sanang lubusin ito. Lezgo Bish. Magpakasaya tayo sa nalalabing dalawang araw." Aya nito.

"Please. Pretty please, Bish." Halata sa kanyang boses ang pagsusumamo.

Tama naman si Jelly. Hindi ko rin nga na-feel ang Christmas vacation. I want more.

"Okies, Bish. Tawagan mo rin si Rachel."

"Okies."

Binaba ko na ang aking cellphone at madaling tinapos ang aking ginagawa.

*****

Nagpasya si Jelly na gumala sa mall kaya heto kami ngayon.

"Guys, wala ba tayong ibang gagawin dito kundi ang maglakad lang?" reklamo ko.

"Wala akong ibang alam gawin eh." Nahihiyang sagot ni Jelly.

"Niyaya mo kami pero hindi mo alam kung saan kami dadalhin?" tanong ni Rachel.

Tumango lang si Jelly.

Sabay kaming napabuntong hininga ni Rachel.

Sa huli ay naisipan naming manood ng sine.

"Guys, hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala kayo." Saad ni Jelly.

*****

"Gosh! Sinayang lang natin an gating mga pera." Reklamo ni Jelly.

"Haay. Oo nga. It's not worth our money and time." Rachel seconded.

"Guys, cheer up. Kaysa naman dalawang oras tayong maglibot sa buong mall. Kahit papaano nakapagpahinga tayo sa loob ng sinehan." Inakbayan ko silang dalawa at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Guys, 7:12 na. Who wants to go clubbin'?" pag-aaya ko sa kanila.

Biglang lumaki ang mga mata nila. Hindi naman halata na gusto nilang Mg-clubbin'.

"Per Couz, kain muna tayo."

"Of course, Couz. Gutom na rin ako eh."

"Let's go."

The One That Got Away Is Back (Completed, BL, m2m, bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon