5

828 43 1
                                    

Ako at si Jelly ay isa sa mga napiling technical working group (TWG) para sa darating naming foundation anniversary. Kaya andito kami ngayon sa conference room for a meeting. Pinangunhan ito ng walang iba kundi si Mr. Bruhong President.

Umupo kami ni Jelly sa pinakagilid. Pinili ko yung parting yun para kahit papaano hindi ako makikita ni Bruho.

Pagkatapos nung nangyari nung Saturday ay wala na akong mukhang ipapakita sa kanya.

"Are all here?" tanong ni Mr. President.

"O you two." Tinuro niya kami.

"Lumapit kayo dito. Ayokong may faction dito."

Pinukulan kami ng devil smile ni Bonnie. Ka-irita talaga.

Lumapit kami ni Jelly pero pinili namin ang pwesto na medyo tago pa rin. Tinatabunan ko ang mukha ko ng dala kong notebook.

Pilit naman sinisilip ni Bruho ang aking mukha, ngunit I did my best to hide my face.

Nagsimula na an gaming meeting.

"Mr. President, marami po akong mga suggestions..." nag-umpisa na naman si Bonnie.

Mahilig siyang magpabida. Sipsip. Siguro nagpapa-impress siya kay Bruho. Andami niyang sinasabi. Kakapagod makinig.

"What about you, Mr. Chris?"

Nabigla ako ng magtanong si Sir Tristan. Nakatingin silang lahat sa akin. Bakas naman sa mukha ko ang pagtataka. Natahimik din si Bonnie na tila hinhintay ang mga salitang bibitawan ko.

"Ah..eh..." dahil sa kabiglaan ay hindi ko ma-arrange ang mga thoughts ko. Marami akong naisip na mga activities pero biglang nawala yun lahat.

"What if..." nagsalita ulit si Bonnie. Pero alam kong walang nakikinig sa kanya. Dahil sa pagka-irita ko, pinutol ko ang kanyang pagsasalita.

"Since, most of th activities ay para sa students, what if let's have an activity for us employees?" suhestiyon ko.

Lumiwanag ang mukha ng aking mga kasamahan. Alam kong gusto ni Bonnie ang aking idea pero hindi siya nagsalita.

Ngumiti si Sir Tristan.

"A fresh idea. Okay, I approve. Let's do that the night before the closing ceremonies." Pagsang-ayon ni Sir Tristan.

Natapos din ang aming meeting with the consensus of the body.

*****

"Wow Bish. Na-impress ata si Mr. President sa'yo kanina." Puri ni Jelly.

"O baka, dahil friends kayo?"

"Natameme si Bonnie. Buti nga sa kanya." Patuloy niya.

"We're not friends no. Pero aminin mo gusto mo rin yung idea ko." Sabi ko.

"Of course. So excited." Masayang sambit niya.

*****

Dapit-hapon na nang kami'y matapos sa finalization ng aming preparation para sa aming foundation anniversary.

Sumakay ako ng taxi papunta sa bahay nina Ms. Hyde.

Pagpasok ko ay nasa garahe si Edward. Naglilinis ng kotse. Half-naked. Natulala ako sa ganda ng kanyang katawan. So hot. Hulmang-hulma ang pandesal sa kanyang tiyan.

"Gosh! What's wrong with you, Christian?"

Nakita niya ako pero hindi niya ako pinansin. Habang ako ay naglalakad ay tumatalsik ang mga tubig galing sa hose. Tiningnan ko siya. Sinadya niya palang basain ako.

The One That Got Away Is Back (Completed, BL, m2m, bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon