Tanghaling tapat nang kami ay bumiyahe pauwi. Nag-iba rin kami ng seating arrangements nang hindi sinasadya.
I mean, katabi ko na ngayon si Tristan. Though it's just a pure conincidence na pagpasok ko sa loob ng van ang katabi niyang seat ang bakante.
Siyempre ginusto ko rin yon pero hindi kami nagpapahalata. Pansin ang pagod sa bawat mukha ng aking mga kasamahan. Hindi nagtagal ay biglang tumahimik sa loob ng van. Nakatulog pala silang lahat.
Umidlip ako dahil nakaramdam din ako ng antok. Naalimpungatan ako nang may maramdaman akong mabigat sa aking kanang balikat. Minulat ko ang aking mga mata at nakitang nakasandal pala ang ulo ni Tristan sa aking balikat.
Gusto ko sanang alisin ang kanyang ulo sa aking balikat kasi baka mahuli kami ngunit nagpasya akong pabayaan na lang. Malalim naman ang tulog ng aming mga kasamahan. Ilang Segundo ang nagtagal at hindi ko namalayang nakatulog na rin pala ako.
*****
Naggising ako sa ingay na likha ng camera.
"Kumuha ka pa ng maraming pics, Rach." Dinig kong utos ni Jelly kay Rachel.
"Dagdagan mo pa." dagdag pa nito sabay tawa.
Napabalikwas ako ng upo na nagpaggising kay Tristan.
Mabilis na lumabas ng van sina Rachel at Jelly. Tumayo ako at hinabol sila. Pagkalabas ko ng van ay nabaling sa akin ang atensyon ng iba naming mga kasama.
Binigyan lang ako nina Jelly at Rachel ng malokong ngiti.
Sumunod naman na lumabas ng van si Tristan. Akma niya akong inakbayan ngunit mabilis akong umiwas nang hindi nagpapahalata at lumapit kina Rachel. Biniyan ko naman ng makahuligang tingin si Tristan.
Baka nakakalimutan niyang hindi pa pwedeng malaman ng mga kaibigan niya ang relasyon namin.
Naghanda na kami para umuwi sa kanya-kanya naming mga tahanan.
"Chris." Tawag ni Edward habang lumalapit sa aking direksyo.
Tumingin ako sa kanya at hinihintay kung anon gang kanyang susunod na sasabihin.
"Ako naa maghahatid sayo." Alok ito.
"Naku Edward, huwag na. May pupuntahan pa kasi kami nina Jelly at Rachel eh." Pagtanggi ko.
"Saan tayo, Bish?" biglang tanong ni Jelly.
Sa totoo lang, wala naman talaga kaming pupuntahan eh. Sinadya kong tanggihan ang kanyang alok dahil ayoko nang bigyan siya ng anumang pag-asa.
"Saan tayo, Couz?"
"Diba, ililibre ko kayo ng lunch?" sagot ko at binigyan ko silang dalawa ng makahulugang kindat.
Tumango lang si Edward at tumungo na sa kanyang kotse.
"Totoo Bish?"
"Okay Couz. Sabi mo eh."
Pumara na kami ng taxi nang mapansin kong papalapit si Tristan. Nagkataon namang may humintong taxi sa aming harapan at diretso akong pumasok na ikinabigla ng dalawang kasama ko.
Sumunod namang sumakay sina Jelly at Rachel na nabibigla pa rin. Napansin ko rin ang pagkabigla ng mukha ni Tristan habang papaalis ang taxi.
Medyo na-guilty ako sa aking ginawa kaya nagpasya akong itext siya.
Tristan, I'm so sorry. Sana maintindihan mo.
Agad naman akong nakatanggap ng reply galing sa kanya.
I understand. Sana nagpaalam ka man lang. L
Anyway, I love you. <3
BINABASA MO ANG
The One That Got Away Is Back (Completed, BL, m2m, bxb)
RomanceHindi magkadugo pero higit pa sa kaibigan ang turingan nina Christian at ang tinuturing niyang Kuya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay kailangan nilang magpaalam sa isa't isa. Masakit man, ngunit walang magawa si Christian kundi tanggapin ito. Nang...