18

575 26 0
                                    

Since it's the weekend, buong araw akong nakahiga sa aking kama. Siguro dahil na rin sa pagod dulot ng Christmas party namin kahapon.

Wala akong ibang ginawa kundi ang magmukmok sa aking kwarto. Kung gutumin, kukuha lang ako ng pagkain sa kitchen tapos balik ulit sa higaan.

Sa ganitong panahon, mahilig akong makinig ng music mula sa aking mga favourite artists. Right now, I'm kinda obsessed with Taylor Swift's new album, Lover. Now playing: I Forgot That You Existed.

Tumunog ang aking cellphone hudyat na may mensahe akong dumating.

Sa Messenger pala, and it's from our group chat.

Tropa

Kim: Guys, anong plano natin ngayong Christmas?

Oscar: Let's go campin'

Lea: Good idea.

Oscar: Any suggestions?

Rachel: Well, camping sounds good.

Rachel: Dahil malamig na ang simoy ng hangin ngayon, bonfire is a must.

Oscar: So? Camping it is?

Dave: I'm in.

Tristan: Ako rin.

Edward: I'm in.

Tristan: How about you, Chris?

Edward: Ikaw, Chris?

Oscar: Hindi naman halatang gusto niyong makasamang dalawa si Chris no?

Rachel: Hahahaha <3

Lea: Hmmm.

Kim: Meron ba kaming hindi nalalaman tungkol sa inyong tatlo?

Me: Count me in, too.

Me: Hahahahaha.

Dave: Invite mo rin si Jelly, Chris.

Kim: Oo nga. Nami-miss ko na rin ang kwelang yon.

Me: Oo naman. Ich-chat ko na siya ngayon.

*****

I'm not an adventurous person. Pero dahil inimbitahan nila ako, atsaka tropa ko rin naman sila, why not join them.

Kailangan ko na talagang mag step out of my comfort zone. I think this will be a great experience for me.

*****

It's Christmas Eve. Kasalukuyan kaming naghahanda ng family ko.

"Anak, luto na ba ang fried chicken?"

"Opo Ma."

"Baka naman maging dark brown na yan mamaya imbes na golden brown." Biro ni Mama.

Well, maaarin mong sabihin na pwede na akong maging chef. Confident ako sa aking pagluluto. Confident ako sa pagluluto ng mga fried and instant foods. Doon ako magaling. Paanong hindi ako gagaling eh ang dali dali lang naman.

Ibuhos ang mantika sa kawa, hintayin na maluto, tapos. Kaya nag-volunteer akong magluto ng fried chicken, since it's my specialty. Ito yung isa sa mga paborito kong pagkain.

"Jusko naman, Nak. Bakit ang itim ng friend chicken na yan?" gulat na tanong ni Mama.

"Nakakahiya namang ibigay ito sa kapitbahay. Ako na nga riyan."

Napatawa na lang ako dahil sa kahihiyan. Hindi pa pala ako pwedeng maging chef.

"Chris, anak! May bisita ka." Tawag ni Papa mula sa sala.

The One That Got Away Is Back (Completed, BL, m2m, bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon