Chapter 42 - The kiss

45 6 2
                                    

Elyan's PoV~

Nasa labas ako ng malaking itim na gate, sa loob nito ay isang napaka garang mansion. Makaluma na ang style nito ngunit isang tingin pa lang dito ay maiisip mo nang napaka yaman ng nakatira dito.

Bumaba ako sa aking pinaka bagong Bugatti Chiron at hinawi ang buhok na humarang sa mukha ko.

Napansin kong nanlaki ang mata ng mga security guards na nagbabantay sa labas ng gate, namutla silang lahat na tila nakakita ng multo.

Tumingala ako upang tingnan ang mga letrang gawa sa ginto na nakasulat sa itaas ng gate ... "CELESTIAL" Binasa ko ito ng mahina at saka humakbang palapit sa gate.

Napansin ko namang tila nagdadalawang isip ang mga guard kung tatanungin ba nila ako kung anong kailangan ko o kung hahayaan lang nila akong pumasok sa loob. Like hello, hindi po ako multo, hindi ako tatagos diyan sa malaking bakal na gate na 'yan!

Nakasuot ako ng itim na skirt, cream colored blouse, stockings na natural color and 5 inches heels. Galing kasi ako sa business meeting kaya ganito ang hitsura ko, kung wala akong inattendan na meeting malamang naka t-shirt at pantalon lang ako.

Lumingon ako sa guard na nasa kanan nang makalapit ako sa gate, napahakbang naman ito paatras at parang takot na takot.

Kumunot ng bahagya ang noo ko, ngunit agad din itong nawala nang may magbukas ng gate. A slim, tall and handsome man welcomed me with a warm smile, in fairness, ang gwapo niya lalo pag nakangiti, pasalamat siya pinsan ko siya dahil kung hindi Raaaaarrr... Haha char!

"Good afternoon Sir!" All the guards bowed their heads to Kuya Isaac as a sign of respect, First Lieutenant eh.

Kuya Isaac knitted his brows and scanned the faces of the guards that was on duty and with a voice full of authority, he announced "Give respect to your Miss, she is Elyan Recreo Celestial, First Uncle's daughter."

I sighed and shook my head slightly, kailangan bongga ang entrance ko gano'n?

Lumapit ako sa kanya "Nice to see you again, Kuya." He smiled warmly again and patted me on the head, Ugh, mukha ba talaga akong bata para i-pat nila ng i-pat sa ulo? Duuhh ginagawa yata nila akong aso, grrrrr.

"Welcome home, Little sis."

Naglakad kami papunta sa Mansion, Ang layo pa pala ng mansion mula sa gate? Ayt, ang sakit na po ng paa ko, kung alam ko lang edi sana nagbaon ako ng tsinelas.

Hindi ko alam kung paanong nauna pang makarating ang balita ng pagdating ko sa mansion kesa sa'kin, siguro binroadcast na agad kanina nung mga guard. Aish, mga tsismoso.

Pagpasok namin ni Kuya Isaac sa loob ng mansion ay nadatnan namin ang mga nakahilerang katulong at ... ano yung mga yun? Waiters?

Lahat sila ay nakatungo ng dumating kami "Welcome back, Miss Elyan." Kala mo presidente ng bansa ang dumating dahil sa grand entrance eh, medyo nahiya tuloy ang ate nyo.

Kumapit ako sa sleeves ni Kuya Isaac, ngumiti naman ito sa'kin, "Get used to it." He said.

Para kaming naglakad sa red carpet sa haba ng prusisyon, ngunit nang makarating kami sa sobrang laking living room, inagaw ng isang napakalaking painting ng babae ang atensyon ko ...

B-Bakit ...

Bakit kamukha ko 'yon?! Baka may koneksyon sa painting na ito kung bakit namutla at parang takot na takot yung mga guard kanina nang makita ako.

The Devil's TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon