Author's PoV~
Isang lalaking naka black robe and black mask ang biglang sumulpot nang ma corner si Kissy at Elyan. With just a simple touch at the enemy's neck, bumabagsak na ang mga ito isa-isa.
His martial art is great, every wave of his hand aimed at the enemy's vital point.
Amazing! Elyan thought, then she took out her own gun at binaril sa binti at braso ang iba pang mga lalaki na kasalukuyang nakatuon ang atensyon sa superhero nila.
Nakita ni Elyan sa kanyang peripheral view na itinutok ng isa sa mga kalaban ang baril nito kay Kissy kaya mabilis nyang tinulak ang tulalang kaibigan. Mabuti na lamang at walang tinamaan sa kanilang dalawa.
"Are you okay?"
Bumalik sa sarili si Kissy at saka pinulot ang baril na nabitawan niya dahil sa pagsulpot ng misteryosong superhero.
"Sorry." Ang tanging nasambit ni Kissy.
Umilag na naman silang dalawa nang makitang may tumutok ng baril sa kanila, nailagan nila ang bala at agad na tumayo.
"Want to team up?" Tanong ni Elyan sa kaibigan.
"I spaced out earlier, but I'm back now .. so yeah. Let's go!"
Umabante si Kissy at hinila ang isang lalaki, susuntukin sana siya nito sa mukha ngunit yumuko agad siya. Kasabay ng kanyang pagyuko ang pagbaril ni Elyan sa lalaki.
Lumingon si Kissy sa gawi ni Elyan at bumaril din sa direksyon ng kaibigan. Di na kinailangan pa lumingon ni Elyan dahil sigurado na syang may nakahandusay na sa likuran nya.
Isang kalaban muli ang tumutok ng baril kay Elyan, nakita niya naman agad ito kaya nagtago siya sa isa pang lalaki upang ito ang sumalo ng bala para sa kanya.
"Phew. You killed your own buddy, mister." She teased.
Before the guy could react, his vision immediately went black because of the gun shot on his chest, it was from Kissy.
The two of them work together to take down the enemies, while their superhero is fighting against 5 people at the same time. He ran out of bullet on the way to the room, that's why he is fighting their guns with his fist and kicks.
A few minutes later, they took down all the enemies.
"Cai."
"Master." Lumapit si Cai kay Elyan at tumungo.
"Thank you." Elyan thanked Cai with a big smile.
"It's my job to protect you, Master."
Nakatitig na naman si Kissy sa lalaki at tila madaming gustong sabihin, halata din naman sa naka kunot na noo ng lalaki na hindi ito komportable. Lahat ng mga ito ay napansin ni Elyan habang pinagmamasdan silang dalawa.
"Ahh, if the two of you have some misunderstanding, talk about it later. We need to find the two mastermind first."
Napatingin ng diretso si Cai sa master niya at nakitang kinindatan siya nito. Does she know something? He asked himself.
"Tie up all these men together."
"Yes, Master."
Hinawakan ni Elyan ang kamay ng kaibigan at sabay silang lumabas ng kwarto. Nilingon niya ang mukha nito, and like what she expected, puno ito ng kalungkutan at panghihinayang.
Tinapik niya si Kissy sa likod at binigyan ng pagkaganda gandang ngiti na siya namang nagpanumbalik ng buhay sa mukha ng kaibigan.
Words are important, but it's not always necessary. Minsan, konting tapik at isang simpleng ngiti lang na parang nagsasabi ng "everything will be alright soon" mula sa kaibigan ay sapat na.
BINABASA MO ANG
The Devil's Tamer
Romance"My first love broke up with me at my 18th birthday. My previous boyfriend cheated on me. My father despised me. Si Mama at si Cazpher lang ang meron ako, so I have to start working and make more money." A 24 year old girl, in a foreign country with...
