Chapter 30 - Unspoken words

62 6 5
                                    

Elyan's PoV~

Sobrang sakit ng mga braso't binti ko dahil sa training namin ni Kissy kanina, but hell, Battlefield is so damn fun and exciting!

Pinauwi ako ng maaga ni Xin-ge ngayon kasi ilang gabi na daw akong puyat kaka attend ng gatherings, so matulog daw ako ng maaga. Bait-bait talaga ng kuya ko!

"Rest well, Missy." Nakangiting sabi ng driver ko, nagtaka kasi siya kanina kung bakit ang aga ko daw umuwi, haha. Nung mga nakaraang araw kasi, 10pm na pinaka maagang uwi namin eh.

"Thank you Mr. Hayson, you can go home and rest now." I waved goodbye and went inside the house.

It's so quiet, looks like Grandma isn't here. Si Grandma talaga para nang si Dora, palibhasa kamukha ni Boots yung kaibigan niya sa yoga class eh lagi na tuloy silang nag eexplore.

Umakyat ako papunta sa kwarto ko upang magpalit ng damit, ipagluluto ko sila ngayon! Plano ko nga palang ipagluto sila Grandma sa unang sweldo ko, nakalimutan ko lang kasi sobrang busy ako nitong mga nakaraan.

Bumaba ako at pumunta muna sa back garden kung saan pwedeng maglaba, iniwan ko na kasi sa cabinet sa tabi ng portable washing machine yung mga labahan ko eh. Ilalagay ko na muna 'yon sa washing machine para habang naglalaba, nakakapagluto na din ako.

Teka, nasaan na yun ...

Nasaan ang mga labahan ko?

Nanlaki ang mga mata ko nang mapalingon ako sa sampayan ... OH MY GAAAAAAAD nakasampay na lahat ng mga damit at underwears ko!

Sinong naglaba no'n?? Nakakahiya naman waaaaaaaahhh nandoon mga bra at panty ko eh, nakakahiyaaaaaa!

Umihip ang hangin, hinawi nito ang isa sa mga nakasampay kong dress at nasilip ko na may gwapong nakaupo malapit sa sampayan.

Anong ginagawa ni Ah Shen doon? Mukhang seryoso siya sa ginagawa niya ahh ...

Dahan-dahan akong lumapit upang makita ang ginagawa niya, and "WWWHHOOOOAA!"

He's making a blueprint of a building.

Inagaw ko ang malaking papel mula sa kanya at halos idikit ko na ang mukha ko dito dahil sa labis at nag uumapaw na pagkamangha.

"AH SHEN! IS THIS YOUR OWN DESIGN?!" Tanong ko.

Niyakap niya ako mula sa likod at ipinatong ang kanyang baba sa balikat ko, pero sobrang busy ako sa pagsusuri sa blueprint para mapansin iyon.

"Yeah."

"OH MY GOODNESS! AH SHEN! ARE YOU AN ARCHITECT OR AN ENGINEER?"

"C. None of the above."

"Can you be more serious?!" Tanong ko, nakadikit padin ang mga mata ko sa blueprint.

"I'm being serious."

"Tss, then what are you?"

"Businessman"

I blinked my eyes a thousand times── char!── several times. Ugh, oo nga ... businessman nga pala siya, CEO nga siya e diba. Chairman pa in the future.

"Yeah, I forgot. Anyway, are you going to build a mall too? Where?"

Base on the blueprint, it is a shopping mall and it's design is way too classy, unique, elegant and .... and stunning!

and Amazing!

and Magnificent!

and Fantastic!

The Devil's TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon