Chapter 21 - The King of Bottled Waters

78 7 5
                                    

Weekends! Aish, half day lang ang pasok ko pag saturday, rest day naman pag sunday. Kung nagtataka kayo kung bakit medyo petiks ako, yun ay dahil sinasalo ni Xin-ge ang lahat ng paperworks. Ipinapaubaya lang niya sakin ang gawain kapag kailangan ang presensya niya.

Next week, there's a business gathering, and it's a must sabi niya. Kabilin bilinan din niya sa'kin na 'wag na wag akong iinom ng alak, idahilan ko daw na allergic ako sa alcoholic drinks. Hangga't maaari din daw ay wag akong iinom basta basta ng juice, wine o tubig na inaalok sa'kin ng iba.

Ang hirap naman, huhu.

Dahil half day ako ngayon, kailangan kong pumunta sa 1 month boypren ko, pero bago 'yun, I need to cross dress first para iwas issue.

Aish, I'm so handsome ..

--

Nakatulala ako sa bahay na nasa harap ko .. Ito nga ba talaga yung address na binigay sa'kin ng Assistant ni Eighteen?

Kung yung kay Uncle Turner na bahay ay parang airport, etong bahay naman ni Eighteen ay parang mall! Glass walls, glass windows and glass doors ... tila yung mga poste lang ang gawa sa bato.

May malaking swimming pool din sa harap,oh my gaaaaad! Ang ganda!

Yung totoo? Ganito na ba talaga uso ngayon? So pag nagpagawa ako ng bahay, yung mukhang barko naman, o mukhang eroplano.

Pumasok ako sa loob ng bahay, sobrang tahimik, rinig na rinig din ang bawat paghakbang ng paa ko. May hidden heels kasi tong sapatos na suot ko, ang sagwa naman kasi kung lalaki ako tapos pandak diba?

Bakit walang tao? Tama ba napuntahan ko? Baka naman mall 'to tapos sarado lang ngayon?

Napatigil ako sa paglalakad nang may magsalita na nakakikilabot ang boses "Who are you?" Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. High ceiling ang parteng ito ng bahay, nasa hallway naman siya ng second floor, nakatayo at nakatingin sa'kin.

Ano ba naman 'to si Eighteen, kakainin ba niya ako?! "Your girlfriend for a month."

Medyo nagulat naman siya. Galing ko kasi mag disguise hihi ang gwapo ko kaya! Sana talaga naging lalaki na lang akoooo!

"What's wrong?" Tanong ko sa kaniya, nakatulala padin kasi siya.

"Nothing. You can begin now."

"Wait, do you not have any maids here? or cook? or whoever to accompany you?"

"The maids are only here on weekdays to clean, then went home at night."

"I see .. uhm, where's the kitchen?"

Napakunot naman ang noo niya, wala bang kusina sa pagka laki-laking bahay na 'to??

"Turn right."

Lumingon ako sa tinuro niya .. what the?! Lima ang hallway na nakikita ko, saan ako dadaan diyan?! Gaaad.

"Bring me to your kitchen, quick."

Kumunot muli ang noo niya, pero sumunod padin naman siya sa sinabi ko, hinatid nga niya ako papunta sa kusina.

Una kong binuksan ang ref-- Ano 'to?! Ba't puro tubig?! Tinry kong buksan ang freezer at chiller, pero sa kasamaang palad ay bottled waters lang ang laman ng mga ito.

I tried opening every cabinets-- sa itaas na bahagi, sa ilalim ng lababo, sa tabi ng lagayan ng pinggan BUT THE HELL IS THIS?! PURO BOTTLED WATER ANG LAMAN? SERIOUSLY?

The Devil's TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon