Chapter 58 - One bullet, one down.

41 5 0
                                    

Elyan's PoV~

Kumuha ako ng puting t-shirt mula sa drawer na nasa loob ng kwarto, pinagtiyagaan ko na din ang malaking panlalaking pantalon na ginupit ko para magmukhang short at saka isinuot ang belt na nakasabit sa gilid ng drawer. Tinalian ko naman ng necktie ang buhok ko. Pwede na 'to.

Hapon na, habang si Michael naman ay hindi pa bumabalik simula nang makarating kami ni Dad dito sa isla kahapon. Kanina pa ako nakakarinig ng kaluskos mula sa labas ng pinto, ilan kaya ang nagbabantay sa amin?

Halos halughugin ko na ang buong bahay pero wala akong nakuhang baril, pagtitiyagaan ko na lang 'tong dalawang kitchen knives.

Tiningnan ko si Dad na mahimbing na natutulog, hindi na siguro niya nakayanan ang antok, simula kasi nang dumating kami dito e hindi pa siya natutulog.

Sinuri ko ng maigi ang katawan niya, parang hinablot ang puso ko saka piniga nang makita ang mga latay niya sa likod, nakatigilid kasi siya ng higa at nakatalikod sa'kin. May mga marka din na kulay itim sa braso at balikat niya, mukhang mga sugat niya iyon dati na gumaling na.

Natakpan ko naman bigla ang bibig ko nang pagmasdan ang likurang bahagi ng kanyang kaliwang hita, oh my gaaaaaad! Nag-init agad ang mga mata ko, ang peklat na 'yon ay dahil sa pagkasunog. Paano niya nakayanan ang torture na ginawa sa kanya nitong mga nakaraang taon?!

My left hand formed into a fist unconsciously. Nagawa ko pang magreklamo sa buhay ko nung iniwan ako ni Daniel, samantalang may isang tao pala na sinasalo ang lahat ng sakit para sa kapakanan namin ni Mama.

I Love You, Dad.

Tumigil ng kusa ang mga luha ko, pinunasan ko din ang mukha ko gamit ang kamay ko. Pakiramdam ko ay bahagyang dumidilim ang paningin ko, I can't focus on thinking of a plan, I can't even stop my feet from going foward.

Nahawakan ko ang door knob at saka inikot ito, hinila at humakbang palabas.

Nagulat ang mga lalaki nang makitang lumabas ako pero agad din namang tumayo ng tuwid at hinarangan ang daraanan ko.

"Kay gandang babae! Mukhang masarap ang isang 'to ah." Sabi nung matabang lalaki na malaki ang tiyan.

"Hoy, Teodore! Kabilin-bilinan sa'tin na huwag babastusin yang babaeng yan diba? Yare ka kay Boss."

"Samuel, wag ka naman ganyan, magkaibigan tayo eh."

"Sinasabi ko lang sayo! Hahaha, saka hindi naman sinabi ni Boss na wag natin siyang aasarin eh hahahaha."

"Hmmmm, ano nga bang magandang gawin dito."

Tumigil ako sa paghakbang nang mapansing nasa tapat ko na ang matabang lalaki, his creepy smile is so wide that it reached the opposite sides of the earth. Tsk, pervert.

He was about to touch me when in a *snap*, his hand fell on the floor. Yes, I cut his wrist.

Silence ate a few minutes of my precious time. There's something I need to do tonight and these thugs are on my way. Annoying.

"AAAAAAAAAAAAHHHHH!!!!" A deafening scream came out of the big belly man's mouth before he, too, fell on the floor beside his bloody hand.

I heard movements behind me but I didn't turn around to see him. I stood there unmoving, waiting for an entertainment.

Alam kong hindi ako dapat ganito, pero kung hindi ako papatay ay ako naman ang papatayin nila, naninibago ako sa katawan ko, parang may sariling pag-iisip at winawagayway ang dalawang kutsilyo ng kusa.

The Devil's TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon