Chapter 59 - Fairy-godmother has fallen.

53 5 2
                                    

Author's PoV~

Pababa na sana ang helicopter na sinasakyan nila Alzen nang salubungin sila ng sunod-sunod na pagsabog.

What a nice welcome party. He thought.

Mga sundalong bihasa na sa giyera ang nagpapalipad ng helicopter kaya naman wala ni isang napahamak sa kanila, idagdag mo pa ang genius sa computer and technology field na si Vyle.

"President Kirisaki, kami na ang unang bababa. Handang-handa sila sa pagdating natin, malamang ay hindi lang iyan ang sorpresa nila." Lissa said.

"We will get their full attention, then you can go and find Master." Sabi naman ni Jisho.

Hindi na umangal pa si Alzen, ang kapakanan ni Elyan ang importante sa kanya ngayon, pero alam niyang importante din ang mga taong ito sa kanya, "Go, but make sure that you'll return alive."

"We will." Lissa answered.

Naunang bumaba ang blankpink girls kung tawagin ni Elyan, at hindi nga sila nagkamali. Masyadong nakakaagaw ng atensyon ang sinakyan nila kaya naman expected na nila ang ganitong pagsalubong.

Nakipagpalitan ang apat na babae ng bala, ganun din ang iba pang mga lalaki. Bumaba si Alzen sa helicopter at mabilis na tumakbo papunta sa kabilang parte na wala masyadong kalaban, bumabaril din siya kapag kinakailangan.

Sinundan siya ni Thunder at ng ilan sa mga sundalo, nang makarating na sila sa ma gubat na parte ay natanaw nila ang isang lumang bahay.

Bawat hakbang niya ay tila napakabigat, parang may kung ano sa katawan niya na pinipilipit ang lahat ng internal organs niya, hirap na din siyang huminga.

Hindi nakalock ang pinto ng bahay kaya naman madali nila itong napasok nang makalapit sila, ngunit sa kasamaang palad ay walang tao sa loob.

Aalis na sana sila nang biglang tumugtog ang music box na pumigil sa paghakbang ni Alzen, bumalik siya sa loob ng bahay at tiningnan ang music box. "Area, all clean" Sabi ni Vyle mula sa earpiece na nakakabit sa tenga nila, ibig sabihin ay walang bomba at kalaban sa malapit.

Nag-angat ng kusa ang dolphin na umiikot sa music box at naglabas ito ng isang puting papel. Kinuha niya ito, binuksan, binasa, nilukot at tinapon.

"Master?" Tawag sa kanya ni Thunder.

"They're playing hide and seek. 30 mins, any minute late will be dangerous for her! Move! Find her!" Sigaw niya habang tumatakbo palabas.

Thunder froze while Alzen's face paled, maging ang mga sundalong kasama nila ay nanlaki ang mga mata.

Naghiwa-hiwalay sila sa paghahanap ng lugar na posibleng pagdalhan kay Elyan, nakabisado naman nilang lahat ang mapa ng isla na 'yon.

"Scream! Scream, bitch!" Sigaw ni Lea matapos sipain ang babaeng kahit bugbog na ay pinipilit parin tumayo.

"You'll kil her." Ryu reminded.

"Then it'll be great! Hahaha! This woman's existence is already wrong in the first place! Who told her to live while we grew up without anyone to rely on, huh?!"

"Aack!" Dumuwal si Elyan ng dugo nang hampasin siya ni Lea ng kahoy sa likod.

"You're tough, hahaha, you're dying but you won't even beg me to spare you? What a character!" Hinampas ulit niya si Elyan ng kahoy sa likod, dahilan para masubsob ito sa putik.

As if not yet satisfied with Elyan's reaction, Lea approached her, gripped her hair and forced her to see the anger in her eyes.

"Your family made me into this kind of person, Elyan."

The Devil's TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon