Chapter 3 - "Business Smile"

145 8 3
                                    

I woke up like i had the best sleep ever for a long time. Sobrang sarap sa pakiramdam, pakiramdam ko ang gaan gaan ng katawan ko. Nag unat muna ako bago bumangon at saka tumingin sa orasan.

"Shit!" 7am na! 8am ako susunduin ni President Lu. Pupunta kami ngayon sa office ni Mr. James Turner, isang CEO. Kaibigan siya ni President Lu, weird lang kung paano sila naging magkaibigan, mas matanda kasi siya kay President Lu ng 20 whole years. Binasa ko muna kagabi bago matulog yung information about sa kanya, para di na ako maging clueless katulad kahapon nang ma meet ko si Ms. Alicia.

After an hour, tapos na 'ko mag asikaso ng sarili ko. Hanggang ngayon sa umaga padin ako naliligo. Dito kasi sa America napansin ko na sa gabi sila naliligo tapos kinabukasan konting shower na lang ng katawan, minsan nga hindi na nag sho-shower eh, then papasok na sa school or sa trabaho. Sa Pilipinas mo gawin 'yan ewan ko na lang kung di ka sabihan na amoy higaan ka pa.

*Knock knock*

Lumapit agad ako sa pinto at binuksan 'yon, "ang gwapo talaga ng kupal na 'to." I thought.

"Good morning, are you ready?" He asked habang nakasilip na naman ang kanyang mga mapuputing ngipin.

"Yeah, let's go."

--

"Woah!" Nandito na kami sa airport-- este bahay ni Mr. Turner.

"Let's go." Pag-aaya sa'kin ni President Lu. Napatanga kasi agad ako nang makalabas ako sa kotse, bahay ba 'to? Mukhang airport eh! Saka sabi niya sa office ni Mr. Turner kami pupunta, hindi sa bahay. Sobrang pormal pa naman ng suot ko.

"Good morning Mr. Lu, Miss Imperial, Master is waiting for you in his office." Sabi ng babaeng katulong na sumalubong sa amin sa pinto.

So ayun na nga, nandito pala talaga ang office ni Mr. Turner. Once a week lang pala siya pumupunta sa company at lahat ng paperworks na kailangan niya gawin ay nandito na.

Pagpasok namin sa office niya naiiyak na agad ako, nanatili lang ako sa likuran ni President Lu para hindi niya ako mapansin. Aww nakakatakot si Mr. Turner grabe!

Hindi yung itsura niya ang tinutukoy ko na nakakatakot kundi yung aura niya. Hindi ko alam kung bakit pero parang natatakot akong gumalaw at huminga man lang kasi baka mapansin niya ako bigla. And shit! Ang talim ng mga mata niya! Parang yung bagong hasang itak ng lolo ko huhuhu.

"Good morning, Uncle. I brought Elyan with me, here--" Pagkatapos yun sabihin ni President Lu ay lumingon siya sa kaliwa't kanan. Syempre di naman ako manhid para di maisip na ako ang babaeng hinihintay niya upang makasama habang buhay-- i mean, na ako ang hinahanap niya ngayon para ipakilala dun sa nakakatakot na lalaki, kaya kinalabit ko na lang siya.

"Oh, I thought you ran away already, haha." Kupal na 'to! Alam naman pala niya na nakakatakot 'yang Mr. Turner na 'yan eh ba't pa niya ako dinala dito? Naku kung wala lang talagang ibang tao dito sinapok ko na 'to.

"Come here, don't be scared. I promise you that you're going to learn so many great things here, and you'll even gonna thank me one day. So, you're welcome in advance." Sabi pa niya sabay kindat.

WAAAAAAAAAHHHH MAMA UUWI NA PO AKO!

"Okay .." Tumingin naman ako agad kay Mr. Turner na abala sa mga papel na hawak niya at walang pakealam sa amin, tila ba parang invisible kami sa paningin niya. Left with no choice, nilakasan ko na lang ang loob ko at binati siya ng "G-Good M-m-morning Sir." Shit! Bakit nanginginig ang labi ko?

The Devil's TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon