Chapter 66 - My turn to love you unconditionally

66 5 3
                                    

Elyan's PoV~

I studied myself carefully in the floor-to-ceiling mirror.

I can't believe that this is really me. Masyadong maganda ang babaeng nasa harap ko para maging ako.

"Subarashii!" Sigaw nung isang staff matapos isara ang zipper ng gown sa likod ko.

This looks like a white princess gown haha, seryoso, ganitong ganito yung iniisip ko nung bata pa ako kapag kinasal ako in the future.

At ngayon ay gagamitin ko na pang prenup.

Tinulungan nila akong isuot ang glass shoes at mga jewelries, napaka gandang tingnan ng kwintas na suot ko, feeling ko tuloy galing ako sa Royal Family, hahaha!

"We can start the photoshoot." Nakangiting sabi ng isang lalaki, may nakasabit pang camera sa leeg niya, siya yata yung photographer.

Inalalayan nila akong makalabas, ang bongga naman kasi nitong gown, pag di ako nag-iingat baka matapilok ako, mahaba rin ang laylayan nito sa likod.

Paglabas ko ng hotel ay laking gulat ko nang makita si Dad na nakatayo sa baba ng hagdan.

Dahan-dahan akong bumaba habang inaalalayan parin ng mga nag-ayos sa'kin.

"Dad! What are you doing here?" Tanong ko pagkatapos yumakap sa kanya.

"Kahapon pa ako nandito sa Japan, binisita ko ang mga Kirisaki." Ahh, e bakit nga nandito siya sa hotel?

"Ahh, hehe."

"Tinawagan din ako ni Alzen, kukuhaan daw kayo ng litrato ngayong gabi kaya inimbitahan niya ako. Magpapakuha na din ako ng litrato haha, do I look handsome in this suit?" Tanong ni Dad na medyo naluluha pa.

"Super handsome, Dad." Nakangiting sagot ko, masaya siguro siya dahil engaged na kami ni Alzen.

Inalalayan ako ni Dad hanggang sa makarating kami sa isang madilim na lugar.

Napaka tahimik.

My eyes were instantly glued to the long wooden bridge the moment I saw it, may mga maliliit din na ilaw sa ibaba nito na nakatapat sa bridge at doon kami papunta ngayon ni Dad.

Habang paakyat doon ay saka ko naman napansin ang nasa harap ko.

Akala ko kanina ay walang kahit ano dito, pero nung naka ilang hakbang na ako sa bridge ay saka ko lang napansin ang napakalaking itim na tela na nakapalibot sa isang lugar.

Ang taas nito ay maihahalintulad ko sa tatlong palapag na bahay, habang ang lawak ay hindi ko halos makita kung hanggang saan.

Amazing!

Parang yung mga napapanood ko lang sa anime ahh. Parang isang tagong lugar, tapos sa likod niyan ay isang magical paradise. Hihihi.

Napangiti ako dahil sa naisip, Silly, this is reality.

May dalawang lalaki at dalawang babae na nagbabantay sa dulo, pagdating namin doon ay nag bow sila sa amin. Naka pang ninja outfit yung dalawang lalaki, COOOOOOL! Yung dalawang babae naman ay naka dress na puti.

Hinila nila pababa ang malaking tela na nagsisilbing pintuan, wala padin akong ibang makita kundi kulay itim. Napakapit tuloy ako sa braso ni Dad ng mahigpit.

"Don't be nervous anak, I'm so happy for you." Bulong ni Dad.

Tumuloy kami sa paglalakad, at nang makapasok ay sinalubong ako ng isang musika.

The Devil's TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon