Chapter 5 -- The beginning.

101 6 1
                                    

It's been 3 days, mula nang maoperahan si mama, successful naman ang operasyon pero kakailanganin pa niya mag stay sa ospital. 3 days na din akong rumaraket-- 6am-12noon sa flower shop, 1pm-6pm dishwasher, 6:30pm-2:30am waitress sa bar.

1 week lang ang leave ko, after that kailangan ko nang bumalik sa training. Kailangan ko makaipon ng malaki in a week. I thought.

"Thank you, Gwenn."

"You're so much welcome, Elyan. Pasensya na, ni lock kasi ni daddy lahat ng credit cards ko since last month, kaya hindi kita matulungan sa pagbabayad ng bill sa hospital." Gwenn said.

"Di mo kailangan mag sorry, malaki nga ang pasasalamat ko sa'yo eh. Ikaw nag aasikaso kay mama at kay Cazpher kahit na alam kong busy ka sa business nyo." I said. "Basta, mag sorry ka na sa daddy mo, lahat naman ng sinasabi niya ay para sa'yo din. Pahalagahan mo bawat oras na kasama mo parents mo, buti ka nga kasama mo daddy mo, e ako .." dugtong ko pa.

"Haaayh, that idiot father of yours. Sige na, bumalik ka na sa trabaho. Pupunta na kami ni Cazpher sa hospital."

"Okay, ingat kayo. Thank you ulit." Then I ended the call.

"Kyla, hurry up! Miss Anna is already here." Jenny shouted, isang waitress din dito sa bar na pinagtatrabahuan ko. Kyla ang alam nilang pangalan ko, kailangan ko mag ingat kasi soon to be Vice President ako, baka maging issue to in the future, and that's a big NO, NO.

Naka face mask ako na black tuwing pumupunta dito, naka light brown wig din ako at may konting make up. All of these just to hide my identity, and one more thing, naka butterfly mask ang mga empleyado dito, kasama sa uniform kaya sigurado akong walang makakakilala sa'kin.

"Coming." I shouted back.

2nd night ko na dito sa bar. Mahirap ang trabaho? No, actually. Magseserve ka lang naman ng drinks and foods na inorder ng mga customer, pero, madaming bastos. Umiiwas ako sa mga customer na lasing at sa mga lalaking customer na walang kasamang babae dahil hangga't maaari ayoko ng gulo.

"Kyla, bring this to private room #1."

Oh God, ayoko mag serve sa private rooms .. Ang mga karaniwang nagseserve doon ay yung mga waitress na naghahanap ng sugar daddy.

"I'll do it, Miss Anna." Jenny said. Pero bago pa 'ko makahinga ng maluwag ay sumagot na si Miss Anna, ang manager ng bar na ito "No! You can't spoil this woman too much. So what if she's a new waitress here? It is her job to serve customers, am I wrong? Now, move!"

I was left with no choice, may point naman siya, trabaho ko talaga 'to kaya di ko 'to pwedeng takasan.

Nang makarating ako sa tapat ng private room #1, hinarang ako ng dalawang lalaking naka itim. Guards? Presidente ba ng America ang nasa loob?

"I'm going to serve their drinks, Sir." I said respectfully. Nakakatakot kaya sila, baka bigla na lang akong barilin nito. Yung mga ganitong guards sa mga movie na napanood ko magaling sa martial arts eh tapos may nakatagong baril sa likod, binti, at tagiliran.

Pagkasabi ko nun, kumatok yung isang lalaki sa pintuan at sumigaw na may magseserve na ng drinks nila. May nagbukas naman ng pinto, a middle aged man with an ultra big tummy. Mukhang lasing na ito, kanina pa yata sila umiinom dito.

The Devil's TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon