Chapter 47 - The special method

44 6 2
                                    

Alzen's PoV~

Nakatingin ako sa babaeng mahal ko na nakaupo sa sahig at pinapanood ang pag-alis ng taong minamahal niya. Why is life so complicated? Pwede naman kasing mahal ko siya at mahal din niya ako, edi sana di siya umiiyak ng ganyan ngayon dahil sa lalaking 'yon.

But honestly, my heart aches whenever I see her cry, lalo na ngayong napakalakas ng hiyaw niya na sumasabay pa sa malakas na buhos ng ulan.

Madilim dito sa parking lot, kaya naman kung kelan kumulog at nag lightning ng kaunti ay saka ko lang napansin ang baril na nakatutok ngayon kay Elyan.

"Sh*t!" I cursed and ran at the speed of light towards Savanna Storm who was holding a gun and pointing it to the woman I treasure.

Napigilan ko syang iputok ang baril sa direksyon ni Elyan, ngunit di sinasadyang naiputok naman ito sa tagiliran ko, *Sigh* why am I always out of luck?

I took the gun from her hand and began disassembling it while she's looking at me like a frightened cat.

"Savanna Storm, I will let you live today because you still have a part to do. But remember not to hurt her, or I'll eliminate you and your family with a wave of my hand."

"W-who, who are you?!"

Hindi niya makita ang mukha ko dahil ito ang pinaka madilim na parte ng parking lot, my back is also facing the dim streetlights.

"The Underground King."

I turned around and walked towards Elyan who's now crying to the top of her lungs. I took off my coat and put it around her, then I bent down to carry her to the car.

---

Elyan's PoV~

Inalalayan ko si Alzen papunta sa unit namin, iniupo ko siya sa couch at saka itinaas ang damit nya.

Nanginig lalo ang katawan ko nang makitang may tama siya ng baril sa tagiliran. Binuhat niya ako papunta sa kotse kanina, nag drive pa siya pauwi tapos ganito na pala kalagayan niya?!

I called Thunder first using his phone and told him the situation, I also asked him to call Alzen's personal doctor to come over.

---

"President Kirisaki isn't well since early this morning." Thunder said to the doctor.

"His high fever together with the pain on his wound and the blood loss made him unconscious. Here are the medicines he needs to take, make sure that he'll drink it on time, and don't forget to change his bandages regularly." Sabi ng doctor habang isa-isang inaabot sa'kin ang mga gamot na kailangan inumin ni Alzen.

"Got it." Sagot ko.

Mabilis akong nagbihis ng damit pagkatapos kong tawagan si Thunder kanina, natanggalan ko na din si Alzen ng damit pang itaas, yung pants naman niya si Thunder na ang nag palit pagkalipat niya kay Alzen sa kwarto nito. He also told me what happened at the parking lot, nakuha ng cctv ang nangyari.

"Mrs. Kirisaki, your husband is really hard to coax into drinking medicine, so please be patient when attending to him."

I blushed when the doctor addressed me as "Mrs. Kirisaki". Hello, kakagaling ko lang po sa break up ha, pahinga muna sa kalandian si ate nyo Elyan.

Sumabay si Thunder ng pag-alis doon sa doctor, mabuti na lamang at di niya ako pinagalitan, waaaaaaahhh nakakatakot pa naman siya.

Naglagay ako ng upuan sa tabi ng kama ni Alzen at sumandal sa pader habang nakatitig sa kanyang napaka gwapong mukha, pero isang minuto pa lang ang lumipas si Ah Shen na naman ang laman ng utak ko.

The Devil's TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon