Chapter 60 - Yes, Alzen, I'm Elyan.

42 6 2
                                    

Alzen's PoV~

I woke up feeling dizzy, so I rested my head first in my hand after getting up, then I scanned the surrounding.

I'm in a hospital bed, still wearing the same clothes I wore while doing the operation.

Yes, the operation.

Agad akong napatayo at tumakbo papunta sa pinakamalapit na nurse station.

"Good eve──"

"Saan inilipat si Elyan Celestial?!" Nagmamadaling tanong ko.

"Sa 2nd V.I.P room po, Doc Kirisaki."

*Ding*

Sakto namang bumukas ang pinto ng elevator kaya pumasok ako agad dito at pinindot ang 8th floor.

Pagkalabas na pagkalabas ko ay muntik na akong madapa, pero hindi parin nito napigilan ang pagtakbo ko. Malapit na ..

Nagtayuan ang ilan sa mga kakilala namin na nakaupo sa labas ng kwarto pagdating ko, tumigil ako sa harap nila at lumapit kay Aquilles na nakasilip sa salamin kung saan kitang kita si Elyan na nakahiga sa puting kama.

Nakatakip ng bendang may bahid na dugo ang ulo niya hanggang sa mata, may oxygen valve naman na nakasalpak sa bibig niya. Maging ang ilan pang bahagi ng kanyang katawan na mayroong dislocated na buto ay nakabalot din at nakataas.

Sa lagay niya ngayon ay hindi siya mukhang tao, para siyang puppet na may tali sa lahat ng parte ng katawan para makagalaw, yun nga lang ay kahit pag-galaw ay hindi niya magagawa.

Hindi ako nilingon ni Aquilles, naririnig ko din na panay ang buntong hininga niya, at mula sa salamin ay nakikita ko ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha niya.

Hinawakan ko ang salamin at tinrace ang mukha ni Elyan mula dito, saka naman nagsalita ang lalaking katabi ko na umiiyak ng tahimik. "She's a lovely lady, mas maayos siguro ang buhay niya kung sa normal na pamilya lang siya ipinanganak ..."

Hindi namin nilingon ang isa't isa, nakikinig lamang ako sa kanya.

"I've also seen her off work, nakita ko kung paano niya kulitin ang limang babaeng malapit sa kanya. Para siyang bata, malayo sa President at Vice-President Yan na character niya.

Natutuwa ako kung paano niya pagbukurin ang trabaho at ang personal na buhay.

She's one of a kind.

And we are actually looking forward to see her walking down the wedding aisle, while you wait for her on the end of it, waiting to recite your vows."

Hindi lang ang tenga ko ang may kakayahang makarinig sa mga oras na 'to, para kasing may sarili ding pandinig ang puso ko. Tumulo ang mga luha na hindi ko man lang napansing nakaabang na pala sa mga mata ko.

Tinuloy naman niya ang pagsasalita, "We are all looking forward to see her build her own family and run around with her kids.

Kids that will call me tito pogi.

Ngayon, ayan na siya. Nakahiga. Walang malay. Hindi gumagalaw, hindi humihinga ng kusa.

Madaming buto ang na dislocate sa kanya──sa binti at likod.

Ang ulo naman niya ay malala din ang tama, plus pa yung tama ng bala sa tabi ng puso niya, yun ang mga naging dahilan kung bakit lantang gulay siya ngayon.

Binibigyang buhay ng mga makinang nakapalibot sa kanya."

Then he turn to face me.

The Devil's TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon