Chapter 4
Handa na ang mga bagahe ko, Nasa labas na rin si Zeniah. Kinuha ko ang hoodie ko at bumaba na. I saw Kuya Cisher's face, He's totally mad.
"Yaya, aalis na ako." Si yaya ang binati ko at hindi ang pamilya ko, Ngumiti ng mapait si Yaya. Sorry for this yaya. I can't stay here while all of them is around.
"Mag-iingat ka, Chacha."
Tumango lang ako at yumakap. Nahawakan ni Mom ang braso ko, Akmang yayakap din siya sa akin pero humakbang ako patalikod. She shouldn't hug me. Kuya clenched his jaw. Nag-bow lang ako sa kanilang tatlo at walang salita salita na umalis.
Hawak na ni Zeniah ang isang maleta ko, Dalawa lang naman ito. Masiyado ng madami ayos na ito. Pwede naman akong bumili kung may gugustuhin ako.
Sa sasakyan ay nanatili kaming tahimik, Pansamantala akong makikitira sa unit ni Zeniah. She's my best friend since high school.
"Chandria, Dadaanan pala natin si Tasha sa Starbucks," She said so I nodded.
Zeniah and Tasha are my best friend since high school. Even we part ways in college, Hindi 'yon naging dahilan para matigil ang pagkakaibigan namin.
Mabilis din namin na nasundo si Tasha, Sa aming tatlo. Siya ang swerte sa lovelife, Five years na sila ng boyfriend niya and still counting. Kami naman ni Zeniah ay kabaliktaran ni Tasha, Ako ay wala talaga dahil walang balak at si Zeniah ay pa-fling fling lang. I have no time for that, though.
"Chandria!"
"Tasha! Low your voice, Can't you?"
"Hmp, magkwento ka na nga, Cha!"
"Mamaya na lang, Tasha. Pagkadating natin doon kay Zeniah."
Dahil malapit na lang din naman ay mabilis na rin kaming nakauwi sa unit ni Zeniah.
I texted Manang mina.
To: Manang Mina
Hi manang! How're you? I am fine here in Zeniah's house, I am with her. Dito na muna ako pansamantala, Manang.
Itinago ko muna ang phone ko at inayos ang mga maleta, Silang dalawa ang may buhat ng maleta ko tanging hand-bag lang ang hawak ko. Parehas silang nagreklamo dahil sa bigat daw ng dala ko.
"Oh, Kwento."
"Diba birthday ko nung isang araw?-"
"Yup, This Saturday pa tayo mag-celebrate diba?" Singit ni Zeniah at tumango ako, She did her hand gesture, Sign na ipagpatuloy ko.
"Yeah, that day Kuya Cisher came, Wala naman akong balak mag-liwaliw sa araw na yon dahil this Saturday pa ako magsasaya, but then Kuya Cisher came from nowhere, He knocked to my door. Kuya Cisher was holding a big red velvet cake, Nagawa pa nga niya akong isayaw noon sa sala at pinaghipan niya ako ng twenty-two candles, I asked him why was he there pilit niyang sinasabi na birthday ko raw nga kasi." Mapait akong nagkwento.
Itinigil ko ang kwento dahil alam ko na magsasalita na sila.
"Ano bang gusto ng Kuya mo? Lahat naman na nasa kaniya ha? After twelve years, Chandria? Ngayon pa sila uuwi?"
"Tasha is right, Ano 'yon?"
I smiled to them. "I don't know, Nakuha pa nga niyang insultuhin ako sa pagsusulat ko. Sinagot ko siya at wala siyang nasabi, He shut his mouth."
Pinalo ni Zeniah ang lamesa, "Yang kuya mo tanga," Bahagya akong napangisi.
Sila ang nakasama ko bukod sa mga tao sa Mansion, They've been my family, Sila-sila lang ang itinuturing ko na pamilya at hindi ang tunay ko na mga ka-dugo. They know my life and I know theirs too, We have no secrets to each other, I trust them a lot.
BINABASA MO ANG
My Roommate (MY Series #2)
RomanceLife is complicated and unpredictable. Chandria Dizon never experience being loved by her family because they left her with the maids since childhood. She wasn't the favorite child but she grew up with a strong mindset and ego, she could defend her...