Chapter 18
Woonie's POV
Nananakit ang katawan ko siguro tama nga si Sanjie na dapat ay hindi muna agad ako nagpa-discharge. Pero ayos na rin para hindi na mas lumaki ang hospital bill.
Tumayo ako at nag-kusot ng mata. Where is my girl? Akala ko ay magigising ako ng katabi ko siya. I wanna cuddle with her, I really miss her hair.
"Tasha baby?" Tawag ko sa kabilang kwarto pero wala siya rito. Ah, Baka nasa baba na at pinaghahanda ako ng makakain. She's really sweet.
Habang bumababa ng hagdanan ay kumikirot ang balikat ko. Heto ang napuruhan sa akin sa pagkakasipa ni Tasha but this is nothing. My girl was just carried away on her emotions that time. I understand my baby.
"Tasha baby?" Tawag kong muli ng marating ko ang kusina. She's not here, What about the restroom? Kinatok ko ang pintuan, I eavesdrop pero wala rin siya rito. Where is my baby girl?
Kahit masakit ang likuran ko ay mas pinili ko na tumayo sa higaan ko at hanapin si Tasha. I need her hugs her hugs are my medicines, Her hugs will heal my body pain. I just want her hugs.
Napansin ko sa may bintana na nakatayo si Tasha na medyo naka-yuko. Hinawakan ko na ang kanang balikat ko dahil patuloy ito sa pagkirot. Damn not now shoulder.
I even saw Chandria and Zeniah, Binibisita ba nila ako? Ang sweet talaga ni Ate Ganda at ni Ate sungit sa akin. Pero syempre mas sweet pa rin ang magiging fiancée ko!
I was about to step when I heard them fighting. Hindi ko alam pero hindi na ako pinahakbang muli ng sarili kong mga paa. Nasa likuran ako ng pintuan at pinapakinggan ang mga pag-uusap nila. Why am I nervous? Oh hindi nga pala ako sanay na nag-ga-ganito. Hindi ako sanay na nagsisikreto sa babaeng mahal na mahal ko. Sikreto na ba na matatawag itong ginagawa ko? I'm so sorry, Tasha baby. I love you makikinig lang ako sandali.
"Tasha naman!" Chandria said. Mukhang seryoso na ito, Seryoso na si Ate Ganda. Pero bakit si Tasha baby ang ginaganito nila?
I tried to step forward but my feet didn't cooperate.
"Girls, Please listen to me first-" My girl said. What the hell is this? Oh. Don't overthink, Woonie. Away magkakaibigan lang 'yan.
Nagkibit-balikat ako at humakbang na ako, Kukuha na lang ako ng juice para sa kanilang tatlo.
Natigil ang pag hakbang ko dahil sa sinabi ni Ate sungit. Zeniah.
Mas masakit pa iyon kaysa sa body pain na nararamdaman ko.
"What? You'll lie again? Lie again and again? God. Kaya ba ang bipolar-bipolar mo kay Woonie? Babaliktarin mo na lang ang lahat, Aawayin mo siya? Pa-victim ka pala e!" Zeniah said, Muli akong bumalik sa pwesto ko kanina. Hawak ko na ang balikat ko na hindi magkamayaw sa pagkirot.
Sandali silang natahimik. I heard my name, I heard my name clearly. What is this all about?
"Tasha, Why?" Mahinahon na tanong ni Chandria kay Tasha.
"I'm just bored-" Hindi na natapos ni Tasha ang sasabihin niya dahil sa biglang pagsigaw ni Zeniah. Gustuhin ko man pigilan ang mga ito ay hindi ko magawa.
"The fvck with that bored! Ano ka bata? Pag bored maghahanap ng kalandian? Tasha gosh, Grow up! Matanda ka na, Stop being immature! You also have a boyfriend, Damn ilang taon na kayo ni Woonie. Ano ka ba naman!" Dito na unti-unting nagdoble ang sakit na nararamdaman ko. Physically and Mentally.
Tasha, What is this?
Bored? Kalandian? Tasha, Tasha please tell me this is just a prank. Baby, Mag-cuddle pa tayo, I will give you a lots of hugs and you will give me your warm hugs.
Hindi na ako nakatiis. Nilabanan ko na ang sarili kong paa. Nakita ko na napansin na ako ni Chandria.
"Girls please listen." Dito ay itinuro na ako ni Chandria kay Zeniah.
"Go, Spill." Chandria said like she didn't notice me or what, Gusto ba ni Chandria na marinig ko ang lahat-lahat? Kinakabahan ako. Kinakabahan ako baby sabihin mo na nag-jo-joke ka lang. Baby please, We will cuddle and you'll hug me later please end this nonsense fight.
"Why did you cheat to Woonie?" Mahinahon na tanong ni Zeniah. Oh. I get it. I get it. Alam ko na. Zeniah can't joke, She's a bad joker and also she's not a liar or what. Totoo ito. Nanatili ang tingin ko sa kanilang tatlo.
"Yes. I admit it. I cheated. It's just because, He can't cuddle to me anymore, Hindi lang iyon, Wala na halos time sa akin si Woonie. Uuwi siya ng pagod at matutulog na, Magkakape sa umaga at aalis na, Buong araw siyang wala rito, Yes. Nagtatrabaho din ako sa pastry shop na pinapasukan ko, Pero naman may time ako sa kaniya pero siya wala." Tasha answered. Nanghihina na ako. Please baby bawiin mo ang sinabi mo. Handa akong magpakabingi.
Nakita ko na napapikit si Zeniah sandali atsaka kumabig agad ng salita. "Who's the guy on your phone? Naka-lock pa, Halatang ayaw pabukas?" Tanong niya.
Damn. Masakit na ang balikat ko, Patuloy lang ito sa pagkirot. Sana hindi na lang ako tumayo kanina para hanapin si Tasha. Edi sana hindi ko na lang narinig ang lahat ng 'to! Bullshit.
"Katrabaho ko." Sagot niya.
Si Nathan?
"Si Nathan?" Tanong ko na ikinagulat nilang tatlo. Chandria and Zeniah are aware on my presence but still shocked.
"Woonie..." Tawag ni Tasha sa akin. Hinihintay ko pa rin ang pagbawi niya sa mga salita niya. Pero wala. Walang wala. This is all true.
"Si Nathan ba?" Muli kong tanong. Please Tasha.
"Woonie let me explain—"
Pinutol ko na ang salita niya. She don't need to explain. Malinaw na. Malinaw na malinaw na lahat. Ang malabo lang sa akin, Bakit niya ito nagawa?
"Haha, You don't need to explain Tasha. I heard everything from the very beginning. You want a break up right? Alright, I'll give it to you. I'll pray for your happiness with that guy." I said and I walked away. Wala akong pakialam kung masakit sobra ang katawan at balikat ko. Hindi ko na gusto pang makarinig ng kung ano-ano na mas magpapabigat sa dibdib ko. Masakit na. Sobrang sakit na.
Sinundan ako ni Tasha at niyakap mula sa aking likod. Baby, Ito ang hinihiling ko kanina. Ang mga yakap mo, Ang mga yakap mo na magiging gamot ko na makakapagpagaling sa body pain ko na ito pero hindi. Hindi na, Wala ng bisa ang mga yakap mo ngayon Tasha. Masakit na. Masakit na ang yakap na dala mo ngayon.
Ramdam ko ang titig nila Chandria at Zeniah.
"Tasha."
"Woonie please let me explain first, I want-"
"I told you, You don't need to explain, You're now free baby. Kilala mo naman ako basta gusto mo, Gagawin o ibibigay ko. Now I am giving you the freedom you want and need, You are now to free to love him, Legally." Sabi ko at ngumiti sa kaniya. Pinalis ko ang luha niya atsaka ngumiti.
"Woonie, Please don't do this to me." Aniya.
Baby kung alam mo lang. Kung alam mo lang kung gaano kasakit ito para sa akin, Hindi ako ang Woonie na minahal mo kung magiging tanga lang ako. Hindi ako ganon baby. Hindi ako ganon. I can give you what you want pero may limitasyon din ako.
"What? Haha, Hindi ba at ito ang gusto mo?"
"Woonie..." Patuloy lang siya sa pag-tawag ng pangalan ko. Ayoko na. Ayoko ng marinig pa, Lalo lang bumibigat ang nararamdaman ko.
"I need to go. Mabigat na, Hindi ko na talaga kaya, Chandria, Zeniah, Please take care of my--I mean Tasha." Sabi ko at ngumiti sa kanilang tatlo. Humakbang na ang dalawa papalapit sa kay Tasha na patuloy sa pagtawag ng pangalan ko at pag-iyak.
Tumalikod na ako at humakbang palayo kay Tasha. Hindi ko alam na ganito ang kakahantungan ng araw na ito.
Biglang tumulo ng mabibilis ang mga luha ko. Damn.
--
SassyKylie
BINABASA MO ANG
My Roommate (MY Series #2)
RomanceLife is complicated and unpredictable. Chandria Dizon never experience being loved by her family because they left her with the maids since childhood. She wasn't the favorite child but she grew up with a strong mindset and ego, she could defend her...