Chapter 10
Tasha's POV
Nagising ako dahil sa ingay ni Woonie. Ano bang problema ng baliw na ito at nagsisisigaw siya. Can't he see I am sleeping. Baliw talaga!
"Woonie! Ano ba yan!" Sigaw ko, Natigil siya at parang nagulat.
"Gising ka na, Oh baby!" He said and kiss me on my forehead. Nawala ang pagka-busangot ko dahil doon.
"Ano bang problema mo? Bakit ang ingay mo?"
"Sanjie texted me, He'll gonna treat me!"
Napanganga ako. What the heck! Sinabunutan ko siya at ngayon ay nagsisisigaw na siya.
"Mag-iingay ka kasi ililibre ka? Ha? Sana lumabas ka na lang ng bahay at doon ka nagsisisigaw hindi dito sa kwarto! Nagising ako dahil sayo! Sana hindi mo na lang ako pinuyat kagabi!" Sigaw ko sa kaniya habang sinasabunutan ko pa rin. Tumigil lang ako ng natigil na ang sinasabi ko. Hindi pa ako na kuntento at hinampas ko na siya ng unan.
Naka-pout siyang nakatingin sa akin ngayon, "Baby. Ang sakit, Ang sakit baby." Sabi niya habang hawak ang buhok na sinabunutan ko. Nakakainis. Nasira ang tulog ko.
Niyakap niya ako na ikinagulat ko.
"Sorry na baby, Sorry masiyado lang akong natuwa, Sorry baby. Wag ka ng magalit, Hug na lang kita." Bulong niya sa akin. Bigla akong nanlambot dahil doon. Damn Woonie Alonzo. Sinong hindi lalambot sa mga ginagawa mo.
Binitawan niya ako ng hindi ako magsalita. Sinalubong ako ng mukha niyang naka pout na ngayon.
"Galit ka pa ba baby? Hug na lang kita para hindi ka na magalit, Sorry baby." He said while pouting. Aish! He really know my weakness.
"Fine. I am not mad. Pero sana naman, Sana naman hindi ka dito sa kwarto nag-ingay, Puyat tayo kagabi tapos heto ka at mag-iingay?"
Tumango siya at naka-pout pa rin. Masakit pa rin hanggang ngayon ang likuran ko. Maghapon-magdamag ba naman.
"Anyways, Ayoko ng gawin yung kagabi. Ang sakit ng likod ko." Sabi ko. Tumango siya,
"Ayoko na rin, Nakakangalay."
Ako naman ang tumango. Tumayo ak at nagpunta sa kusina, Kasalukuyan niyang inaayos ang kama ngayon. Maghapon-magdamag lang naman kami naka-upo sa sahig habang nanonood ng movie. Hindi kasi namin mai-connect sa TV kaya sa cellphone na lang kami nanood. Sa paraang pag upo lang kami makakanood ng maayos, Kaya iyon ang napagdesisyunan namin na posisyon. Kaya ngayon, Parehas masakit ang mga likod namin. Kung susuwertehin naman kasi, Kada aayaw kami ay tsaka lumalabas ang exciting part. Kaya ang ending, Natapos namin ang tatlong movie. Ayon. Masakit ang likod namin ngayon.
"Baby, sure ka? Ayaw mo ng gawin yung kagabi?"
"Ay, Tumigil ka Woonie baka masapak kita, I-connect mo sa TV kung gusto mo para sa couch tayo mauupo at hindi sa lintik na lapag na yan." Pagbubunganga ko. Bitin ang tulog ko at masakit pa ang likod ko kaya si Woonie na naman panigurado ang mapagdidiskitahan ko.
"I'll buy plugs for that, Sayang ang movie baby,"
"Fine."
After lunch ay aalis si Woonie para makipag-kita kay Sanjie, Baka isabay niya na ang pag-bili ng plugs na sinasabi niya.
"Pupunta na lang ako kayla Zeniah at Chandria."
"Okay."
Kumain na kami ng agahan, Ako na ang nagprisinta na mag-hugas. Parehas kami ngayong walang magawa.
"Matutulog na lang ako, Gisingin mo ako kapag mag e-eleven na."
"Masusunod aking reyna."
Binatukan ko siya atsaka ako pumasok sa kwarto. Mabuting bawiin ko muna ang tulog ko.
Nagising ako dahil sa ingay na naman ni Woonie. Sa pagkakatanda ko ay hindi ko naman ini-lock ang pintuan. Anong iniaarte ng baliw na yon?
Tumayo ako. Nang buksan ko ang pintuan ay nakita ko si Sanjie at hindi ko kilalang lalaki. He's familiar, Nakalimutan ko lang kung saan ko siya nakita.
Nakita ko ang oras. One thirty in the afternoon. PATAY KA SA AKIN MAMAYA WOONIE ALONZO. IHANDA MO NA YANG ULO MO AT SASABUNUTAN KITA!
Nag ayos at nagbihis na ako, Nagulat pa nga si Woonie sa presensya ko. Tinanguan ko lang silang tatlo at hindi kumibo hanggang sa makaalis ako.
Lagot ka talaga sa akin mamaya Woonie Alonzo. 'Yang buhok mo ay baka matapyas sa gagawin kong pagsabunot sayo!
Gigil na gigil ako ngayon dahil sa mga kabaliwan ni Woonie. Talaga bang boyfriend ko ang isang yon? Ang sarap niyang hampasin. Nakakainis siya.
"Oh, nakabusangot ka?" Bungad sa akin ni Chandria. Siya ang nagbukas sa akin ng pintuan.
"Galit ka na naman kay Woonie?" Natatawang tanong ni Zeniah.
Marahas kong hinila ang upuan atsaka umupo. "AAAAAAH!" Sigaw ko bigla-bigla. Napasigaw din si Chandria sa akin at Napatalon naman si Zeniah.
"Hoy!" Sigaw ni Zeniah sa akin kaya ako tumigil sa pag sigaw. "Anong problema mo?"
"Nakakainis! Nakakainis si Woonie ang sarap niyang sakalin! Nakakagigil siya!"
Napangiwi naman ang dalawa. Hindi nila ako magi-gets dahil parehas silang walang boyfriend! But I know Zeniah would understand me. Marami siyang nakakahalubilo na lalaki. Sa tingin ko naman ay maiintindihan niya ako. Sana! Kasi maiinis ako lalo kung hindi nila ako maiintindihan.
"Ano na naman ang kinagagalit mo?" Tanong ni Chandria sabay bigay ng tubig sa akin.
"Sabi ko sa kaniya ay gisingin ako ng eleven, Nagulat pa siya ng lumabas ako ng kwarto ng one-thirty! Badtrip siya! Ayokong umuwi ngayon, Makikitulog ako dito. Pag tumawag ang isang yon sabihin niyo at lumayas na ako, Nakakainis siya." Sabi ko sa tonong gigil na gigil. Napainom nalang ako ng tubig dahil doon.
"Damn you, Alvarez." Mura sa akin ni Zeniah. Napa-pout akong bigla.
"Zeniah." Marahang tawag ni Chandria. Natigil ako sa pagrant dahil nagseryosong bigla si Zeniah. Halimaw ang isang ito. My time is up.
"Sorry," Sabi ko na naka peace sign ngayon. Mula sa galit na galit at gustong makasakit kanina ay ngayon ako'y maapong tupa na ayaw mahamblos ng dragona.
"Pag-usapan niyo na lang yan, Tasha. Wag niyong patagalin ang away."
"Chandria is right. Atsaka isa pa. Kaunting suyo lang naman ni Woonie sayo ay manlalambot ka. Kung ihampas ko kaya itong baso sayo ha?" Zeniah said.
Napayuko ako. Nakakahiya ang ginawa ko. Oh well they're my friends, No big deal. "Fine pero nakakainis kaya."
"Hindi ka pa ba nasanay kay Woonie? Kami nga ni Zeniah ay sanay na sa inyong dalawa."
Nahiya naman ako bigla.
Magkaaway pala sila kahapon at kaninang tanghali lang nagkabati. See. Kung nagising ako ng magaling kong boyfriend ay baka ako pa ang dahilan ng pagbati ng dalawa kong kaibigan. Gosh!
Nag-luto si Zeniah ng popcorn at si Chandria naman ay sa fries. Mabuti pa dito, Mag mo-movie marathon ng kumakain at nakaupo sa couch. Hindi katulad kagabi, Napuyat at nangalay na lang ako ay wala talagang pagkain. Bwisit na Woonie ang sarap sakalin.
--
SassyKylie
BINABASA MO ANG
My Roommate (MY Series #2)
RomanceLife is complicated and unpredictable. Chandria Dizon never experience being loved by her family because they left her with the maids since childhood. She wasn't the favorite child but she grew up with a strong mindset and ego, she could defend her...