Chapter 15
Kinabukasan ay i-pa-pa-discharge na ni Tasha si Woonie, Alam din naman niya na body pain at ka OA-an lang ng boyfriend niya ang lahat ng ito. Ewan ko ba sa kanila kung bakit parang hindi nila kilala si Woonie. Ayos na sila ni Zeniah parehas daw silang natakot sa akin kaya parehas na sila na nag-baba ng pride.
"Sumasakit ang ulo ko." Pagrereklamo ni Zeniah. Palibhasa ay alam niya na malapit sa kaniya si Sanjie ngayon. Kanina pa niya sinusumpa sa harapan namin ni Tasha iyon, Kawawang nilalang hindi niya alam na sinusumpa na siya ng kaibigan ko.
"Masakit na yung paa ko kakapadyak kanina." Reklamo naman ni Tasha.
Parehas may sumasakit sa kanila samantalang ako chill na lang ngayon dahil ni-libre nila ako ng large na Java chip.
"Anong oras tayo babalik sa kwarto ni Woonie?" Tanong ko.
"Kapag nakita na natin na umalis ang hangal na yon." Pakinig kong sabi ni Zeniah. Tumango na lang ako at sumimsim.
"Chandria? Do you know that guy?" Aniya sabay turo sa lalaki na nakatayo sa gilid ng hospital, Kung saan kami nakatayong tatlo kanina. He's with Sanjie sa pagkakaalam ko, Siya rin ang lalaki na nakakasalubong ko kada-papasok at lalabas ako sa kwarto ni Woonie. He's really familiar, I think I saw him somewhere before.
"I actually don't know him, Pero kanina nakakabangga ko siya."
Napatango-tango lang sila. "Mukhang kaibigan ni Sanjie yan." Bulong naman ni Tasha. Kaharap lang ng Starbucks na ito ang hospital kaya kung makapag-sight-seeing kaming tatlo ay ganon-ganon nalang.
"Do you know him, Tasha?"
"Hindi, Cha. Si Sanjie lang ang kilala ko na malapit na kaibigan ni Woonie. 'Yung bestfriend talaga ganon."
"Ang pangit pumili ni Woonie ng kaibigan, No choice siguro siya." Rinig naming sabi ni Tasha, napangisi na lang ako.
Sumasakit talaga ang ulo ko ngayon, I was about to sleep now pero dahil sa biglaan ng emergency na ito ay hindi na ako nakatulog. Hindi ko rin naman gusto na umuwi ng ganito ka-aga, Siguro ay mamaya na lang akong gabi uuwi o di kaya ay madaling araw.
"Zeniah will you go home?" Tanong ko sa kaniya.
"Hindi, Sabay tayo hatid kita, Gabi ka rin ba?"
"Madaling araw na tayo umuwi, Samahan natin ang dalawa hanggang madaling araw."
Tumango lang silang dalawa. Inubos pa namin sandali at umalis na rin, Now we have no choice but to go there, Mainit na rin dito sa labas at kung mag-i-istay kami sa hallway ng hospital ay para kaming mga tanga na nakatulala.
Si Zeniah na ang nangunguna, Halata sa mukha niya na kinakabahan siya. Well I can read it through her eyes.
"Zeniah, Wag ka namang excited." Sabi ko ng pabiro napatigil siya at napangiwi bigla. Lumapit siya sa akin at hinatak ako, Ngayon ay nasa likuran lang namin si Tasha na busy sa kaniyang cellphone.
Zeniah opened the door at muntik pa siyang madapa dahil sa malakas na paghila ng pintuan papasok, Sanjie pulled the door.
Uh-oh.
"Zeniah! Ayos ka lang ba?" Nagtatakang tanong ni Sanjie. Umurong na ako para makapasok, Nanatili naman sa pintuan si Tasha na walang kaalam-alam sa paligid niya, Busy pa rin siya sa kaniyang cellphone. Lumapit na ako kay Woonie at ibinigay ang java chip niya.
"Oh."
"Thank you, Cha."
"Ako lang ang nagbitbit, Ni-libre lang din ako."
BINABASA MO ANG
My Roommate (MY Series #2)
RomanceLife is complicated and unpredictable. Chandria Dizon never experience being loved by her family because they left her with the maids since childhood. She wasn't the favorite child but she grew up with a strong mindset and ego, she could defend her...