Chapter 49.1
"Saan tayo?"
"Doon na lang sa sa dating pinapasukan ni Tasha, 'C and L'"
He nodded to me and start the engine, Hindi na muna kami nag-imikan. Bukod sa Calle Café ay paborito ko rin ang C and L dahil sa sarap ng mga pagkain nila doon. Dati ay pastry shop lang iyon pero ngayon ay restaurant na.
C and L stands for Chyr and Lenoxx, Iyon ang sabi ni Tasha sa amin ni Zeniah noon. Ilang taon din si Tasha na nag-trabaho roon. Kung hindi nga lang daw sila ikinasal ni Woonie ay hindi na siya aalis sa trabaho niyang iyon.
Mabilis din kami na nakarating, Mukhang namukhaan ako ng isang waitress na katrabaho noon ni Tasha kaya agad siyang lumapit sa amin.
"Hi Miss Chandria, table for how many person po?"
"For two please,"
"Alright, This way ma'am." She said and led the way.
"Ako na ang mag-o-order," Sabi ko kay Huerie at tumango lang siya. I ordered my favorites and steak for Huerie. Alam ko naman na magugustuhan niya iyon.
"Bathroom lang," Paalam ko at tumango siya.
Dahil Friday ngayon at maaga ang uwi niya ay naisipan na lang namin na mag-dinner sa labas. I'm not in the mood to cook though.
"Oh, I'm sorry!" I apologize when I bumped her shoulder.
"No, It's okay."
I smiled, "Alright. Sorry again,"
Nagkasabay pa kami na pumunta sa may sink at parehas pa kami na nag-retouch. Katulad ko, Simpleng powder lang ang inilagay niya sa mukha niya at hinayaan niyang lugay ang buhok niya, Samantalang ako ay ginawa kong bun ang akin ngunit nag-iwan ng iilang hibla sa may unahan.
"Lenoxx," Aniya sabay lahad ng kaniyang kamay.
Nakipag-kamay ako at ngumiti. Bakit ang gaan ng loob ko sa kaniya? Wala sa ugali ko na kumilala ng 'stranger' dahil ako iyong tipo na 'walang pakialam' that's why they called me weird.
"Chandria, Isa ka sa may-ari ng Restaurant na 'to?" Tanong ko ng mapagtanto ang pangalan niya.
She laughed a little, "Ah, Actually kay Chyr lang talaga to, Pinatayo lang namin dalawa pero para sa kaniya talaga ito."
So kaniya nga rin ito dahil may share siya? But she is insisting that this isn't hers and this is for her friend only. Ganoon siya kabait? Siguro ay tinulungan niya lang ang kaibigan niya na mapatayo ito at mapaunlad ng maayos? Mabait siyang talaga.
"Oh.. I see," Gustuhin ko man na sabihin si Tasha ay mukhang hindi naman niya iyon kilala dahil matagal na rin mula ng mag-resign si Tash at mukhang wala siyang alam sa restaurant na ito. Siguro ay para nga talaga ito sa kaibigan niya.
I wonder if Tasha met this beautiful girl.
"I gotta go," Paalam niya sa akin.
"Yeah sure, Nice meeting you Miss Lenoxx,"
She laughed a little, "You can call me Lenoxx, I'm on leave naman atsaka hindi ako si Architect Villafuerte ngayon so you can call me on my name. Anyway, Bye, Nice meeting you pretty Chandria."
Naiwan ako rito na nakatulala sa pintuan na pinaglabasan niya. S-She's what? An Architect? Oh god! Nabangga ko ang isang Architect?
Yes I've met a lot of people but not like her! This is the first time na may nakasalumuha akong tao na mataas ang propesyon at sobrang bait! Oh gosh, I admire her attitude!
BINABASA MO ANG
My Roommate (MY Series #2)
RomanceLife is complicated and unpredictable. Chandria Dizon never experience being loved by her family because they left her with the maids since childhood. She wasn't the favorite child but she grew up with a strong mindset and ego, she could defend her...