Chapter 6

220 12 0
                                    

Chapter 6

Saturday. Halos sabay lang kami ni Zeniah na natapos mag-ayos, Susunduin namin si Tasha at Woonie sa Pastry shop na pinagtatrabahuhan ni Tasha.

"Hindi mo ba talaga kukunin ang sasakyan mo, Cha?"

"Hindi na, Besides gift nila 'yon sa akin, Galing sa kanila. Mahirap ng masumbatan."

Niregaluhan nila ako ng Toyota Corolla. I am fine with that actually but then I realized, Sooner or later isusumbat din nila iyon sa akin. Kaya bilang lang sa daliri ang pag-gamit ko sa corolla na iyon. Mas gusto ko po na abalahin si Zeniah kaysa ang gamitin ko ang sasakyan na bigay nila sa akin.

"Well, Sabagay. Grabe talaga ang pamilya mo, Cha. If I were you? Baka nagbigti na ako, Tapang mo talaga girl."

Nangiti na lang ako sa kaniya. I don't know. Palagi akong nasasabihan ng matapang, I always take risks ahil iyon ang dapat. Kibit balikat na lang ang isinagot ko kay Zeniah.

"Tignan mo ang love birds, masiyadong PDA. Parang walang kasama." Tugon ni Zeniah at turo sa dalawa na nagbubingis-ngisan.

"Hoy! Sumakay na kayo at baka sagasaan ko kayo." Malditang sabi ni Zeniah. Sa aming tatlo si Zeniah ang maldita, Ako ang suplada at si Tasha naman ang normal lang.

"Hay nako, Sungit talaga." Pagpaparinig ni Woonie at nagtawanan kami bukod kay Zeniah na banas ngayon. Si Tasha at Zeniah ang manlilibre ngayon.

Mabilis lang din kami na nakarating, Ilang saglit pa bago dumating ang mga sangkap na kakainin namin ay dumating na si Sanjie. He's handsome, His dimple is in the middle of his cheekbone and jaw, Cute.

Magkakamustahan na sana kami, This is the first time I saw Woonie's big time friend. Ang rinig ko ay isa siyang CEO sa isang 'idontknowcompany'. Natahimik lang kami dahil kay Sanjie at Zeniah.

"IKAW?!" Sabay na sabi nila, Sa sobrang lakas nga non ay napatingin na sa amin ang iilang tao. Nakakahiya ang bunganga ng dalawa.

"You know her?" Tanong ni Woonie kay Sanjie. Tumango ng mabilis si Sanjie habang si Zeniah naman na katabi ko ngayon ay puro ismir at mura na. What's wrong with this woman? Are they connected? Do they know each other?

"H-how?" Tanong ko kay Sanjie. He smiled at me.

Akmang sasagot na si Sanjie sa tanong ko pero malakas na kinalabog ni Zeniah ang lamesa at doon dumating na ang mga sangkap. Hindi na sinagot pa ni Sanjie ang tanong ko at ni Woonie.

"Hep! Hep! Mag-picture muna tayo!" Sabi ni Tasha at nag-agree naman si Woonie. Kaharap namin ni Zeniah si Woonie at Tasha, At mukhang hindi makikita si Sanjie kung sa tabi siya ni Tasha kaya pinalipat ni Woonie si Sanjie sa tabi ni Zeniah. Naka-ilang click din si Woonie at agad iyong ni-send sa akin.

"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, Happy birthday! Happy birthday to you! Happy birthday, Chandria!" Sabay sabay nilang sabi at napangiti ako, May mini-cake na dala si Sanjie kaya nagpasalamat ako. Nakagawian ko na ang pag-bow sa mga tao.

"Thank you, guys!" Masayang sagot ko.

Pagkatapos namin na mag-samgyupsal ay dumiretso kami sa bahay nila Woonie at Tasha. Live in sila sa five years ba naman nilang magkasintahan?

"Sanjie, Magkakilala kayo ni Zeniah?"

"Chandria Dizon! Ano ka ba naman!"

"Oh, Bakit?" Natatawa kong tanong, Ngayon ko nalang ulit nakita si Zeniah na galit na galit. What is her problem? Isa ba si Sanjie sa mga naka-fling niya na tinakbuhan niya lang?

"A-ahh, She's just familiar." Sagot ni Sanjie at nakatingin kay Zeniah. I get it. Sigurado ako na natakot na ni Zeniah si Sanjie bago pa niya ito takbuhan. Bakit kailangan mo pang takbuhan ang isang ito? Zeniah talaga, Ayaw ng commitment pero magaling humarot?

Kasalukuyan kami na nag-uusap ni Sanjie at Woonie ngayon sa dining, nasa couch ang dalawa at nanonood ng MYX. Kanina pa nag-aaya ang dalawa ng kung ano pero tinatanggihan ko lang.

"Sanjie, Ya! Sinasabi ko sayo ha? Pag nasaktan lang si Cha doon, Basag yang mukha mo hindi lang yang dimple mo ang magiging bako ng mukha mo." Pananakot na naman ni Woonie, Tinapik ko naman ang braso niya abnormal talaga. Napailing na lang ako.

"Woonie!" Suway ko pero inismiran niya lang ako. Tumango tango si Sanjie.

"Huerie is harmless promise atsaka, Cha. Most of the time ay nasa trabaho lang siya,"

Ka-trabaho ni Sanjie ang sinasabi niyang Huerie. He's super sure na harmless iyon, Wala raw akong magiging problema doon.

"I'll go to his apartment, Maybe tomorrow or the day after tomorrow? Gonna check it." Simpleng sabi ko, Tumango si Woonie at Sanjie. Tumango na rin ako.

"Eto ang number niya, Cha. I-text mo na lang by the way, sorry Chandria. Naibigay ko na pala sa kaniya kahapon ang number mo." Aniya.

Nanlaki ang mata ko. Tinapik naman ni Woonie si Sanjie, "Dre naman, Bakit mo binigay-"

"My bad-"

"Stop, Woonie. Ayos lang iyon Sanjie, Besides mas maganda kung kami na lang ang mag-uusap through text kaysa ang abalahin ko pa kayong dalawa palagi."

Sanjie is really nice, No wonder why he get my trust. Bonus na roon ang pagiging kaibigan niya kay Woonie.

Nagtanguan kami. Isinave ko na ang numero at nag-umpisa ng magtipa ng mensahe. Tumabi na si Woonie at Sanjie sa dalawa na nanahimik sa couch, I found Zeniah sleeping nakatulog na siya sa pagod huh.

To: Huerie

Hi! I am Sanjie's friend, I'll check the room tomorrow or next day, can I get the passcode and address? Thank you.

Even though I know the address already, Gusto kong malaman ko ito galing sa kaniya. Ilang minuto lang ang lumipas ay nag-reply na rin siya.

From: Huerie

Passcode: 1121. You already know the address.

Eh? That's it? Harmless nga siguro ito, Suplada rin siya. Oh anyways, Wala na rin naman akong gagawin ngayon, Ngayon ko na lang kaya puntahan?

To: Huerie

I'll go now. I'm on my way.

From: Huerie

Okay.

Nag kibit balikat na lang ako, Nagpaalam ako sa apat na aalis at may pupuntahan lang tumango lang sila, Nasa balikat ni Sanjie ang ulo ni Zeniah na natutulog, Habang nasa lap naman ni Tasha ang ulo ni Woonie. Mabuti pa nga na umalis na lang ako, Fifth wheel ako rito.

I took a grab, Mabilis din ako na nakapunta sa address na isinend sa akin ni Woonie. Room 725 iyon, Nasa fifth floor lang nasa bungad ito kaya mabilis lang na makikita. I input the passcode, 1121.

Pagkapasok ko palang ay namangha na ako sa ganda ng disenyo ng pader, Kurtina at ng sala. Tamang-tama lang ang apartment na ito sa dalawang tao. Caramel ang design ng pader at ganon din ang curtains kaya sobrang ganda sa paningin the couch there is also cream, Cute. Mahilig sa kremang kulay ang kaibigan ni Sanjie? Babaeng-babae.

I saw a dog, He didn't bark me or what sa halip ay nilapitan niya ako na parang nagpapabuhat, Agad ko naman siyang binuhat at doon ay gusto na niyang makipaglaro, Inilagay ko siya sa couch at muling inikot ang kwarto, Bahay na ang tawag ko rito dahil mala-bahay naman talaga ito. This is simple yet elegant, Seriously.

"Maayos pati ang likuran, Oh?" Napatigil ako dahil nakita ko ang tatlong trash cans, Separated pati ang sa basura? Wow. Nakita ko sa gilid ko na parang itinuturo sa akin ng cute na asong ito ang pagkain niya.

"Sorry kung papakialaman ko ito, Nanghihingi na ng pagkain ang aso mo," Bulong ko sa hangin at nilagyan na ng dog food ang lagayan nito.

Na-itext na rin sa akin ni Sanjie ang kwarto ko, Binuksan ko ang nasa gawing kaliwa dahil ito raw ang akin. Malinis ito, May cabinet din sa gilid na puwedeng pag-lagayan ng mga gamit ko at ang kama na malinis, Walang unan na nakalagay at tanging comforter lang ang nandoon. May isang lamp sa kanan nito at side table. Malinis ang kwarto the design of it is simple plain white pero ayos na rin.

Nagpaalam na ako sa cute na aso at lumabas na ng apartment. I was comfortable there, wow.

--
SassyKylie

My Roommate (MY Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon