Chapter 11

151 10 0
                                    

Chapter 11

Hanggang ngayon ay galit na galit pa rin si Tasha. Nag gagalit-galitan na nga lang kami ni Zeniah para kahit paano ay matigil. Her mouth has no break.

"Tasha kumalma ka. Mula pag-dating mo rito badtrip na badtrip ka na."

"Chandria! Sinong 'di mababadtrip sa ganoon? Aish!" Pagtantrums na naman niya. Sanay na kami ni Zeniah na childish itong babaeng 'to. She's always like this though.

Sumenyas na ako kay Zeniah na maglilinis lang muna ako ng gamit.

"Mag-ingay ka pa i-uumpog kita, Tasha." Pananakot ni Zeniah na ikinatawa ko na lang. Nawala ang atensyon ko sa kanila dahil tumunog ang cellphone ko.

From: Cisher Dizon

Chandria. Pinapatawag ka ni Dad. Pumunta ka ngayon din.

Nabitawan ko ang walis na hawak ko. What? Bakit, Bakit kailangan pa nila akong pabalikin sa Mansion? Can't they get me huh? Although they told me to not to come back, I don't want to be there with them.

"Chandria? May problema ba?"

"Zeniah, Tasha, Mag-ayos kayo. Pupunta tayo ng Mansion." Parehas na tumaas ang kilay nila, Sumenyas ako na 'wag ng maingay at kinampay ko na lang ang kamay ko. Pumasok ako ng kwarto at mabilis na nag-ayos.

Labag man sa loob ko na pumunta sa Mansion ay kailangan ko na pumunta. There's something in me that telling me to go there and see what's happening.

"Seatbelt," Sabi ni Zeniah. Tumango ako at ipinasak ang seatbelt. Nakakapit naman sa dalawang upuan namin ni Zeniah si Tasha.

Noon pa man ay may kutob na ako sa magiging alis ni Manang pero hindi ko 'yon pinansin not until the idea of mine happened, At nasabi na nga sa akin ni Manang na mayroon silang usapan tungkol doon. Hindi na ako ganoong nagulat, Tanging sakit na lang ang naramdaman ko noon. But still I did everything, I cherished every moments we had. Hindi ko pamilya si Manang pero siya ang itinuturing ko na Ina. Mas pinili ko na magsarili kasi ito ang mas makakabuti sa sarili ko. Sounds selfish but this is what I want. I'm on the right age though, Hindi na nila ako mamamanipula.

"We're here." Zeniah and Tasha announced. Napatingin ako sa malaking Mansion, This mansion taught me to be a brave girl, This mansion saw my weakest side and my worst attitude, Pero sa Mansion din na ito ako natuto at nagbago and that's because of the help of Manang Mina.

"Tara pumasok na tayo." Tumango lang sila sa akin at sumunod. Sabi ko ay hinding hindi na ako tatapak dito pero eto ako ngayon, Nasa tapat ng malaking bahay na 'to. If it's not for Dad I probably won't be here.

Unang tapak ko palang sa Mansion ay bumigat na ang loob ko. Hindi na ako katulad ng dati na excited umuwi, Ngayon ay puro na lang galit at paghihinagpis ang nararamdaman ko sa mansion na ito.

"Chandria!" Sigaw ni Mom mula sa likod-pintuan. What is she trying to do? Mabilis niyang itinapon sa kung saan ang gloves na ginamit at patakbo na lumalapit sa akin napapahakbang naman ako palayo dahil doon.

Lumayo ako dahil akmang hahawakan niya ang pisngi ko. "Pinatawag daw ako ni Dad?" I asked straightforward. Naramdaman niya siguro na ayokong magpahawak, Ibinaba niya ang kamay at ngumiti sa akin, Sa amin.

"Yes anak. Your dad is in his office room, Hello girls." Mom said, Why is she acting like that? Binalingan ko na lang ng tingin si Tasha at Zeniah, Parehas silang nag-hello kay Mom at sumunod sa akin. Pinaiwan sila ni Mommy sa sala at ako na lang ang umakyat.

"What do you want girls? Juice? Milk?"

"No thanks, Tita. Ayos na po kami ni Tasha."

"Opo Tita, Ayos lang kami. Salamat po,"

Hindi ko na sila pinansin at pinasok ko na ang office room ni Daddy. Kumatok ako ng isa atsaka tuluyang binuksan ito. His swivel chair is in front of the wall. "Dad." tawag ko. Mabilis din siyang lumingon sa akin.

His eyes. His damn beautiful eyes are saying sorry.

"Anak. Maupo ka." Just like Mom, He also called me "Anak" ano bang problema nila?

I did what I was told. "Bakit niyo ako pinatawag, Dad?"

Tumikhim siya sandali. "I want to say sorry-"

Marahas akong tumayo at mabilis na naglakad patungong pintuan. Wala naman palang kuwenta ang usapang ito, Oo nga, Bakit ba hindi ko naisip na puwede na naman nila akong paikutin. I know. Alam ko may binabalak sila sa akin ramdam ko yon.

Bahagya akong tumigil ng mahawakan ang doorknob, "Kung aakalainin niyo na patatawarin ko kayo ng ganon ganon nalang ay nagkakamali kayo, Dad."

Tumawa ako, "Kayo ba? Iwanan kayo ng labin-dalawang taon at bigla na lang susulpot at magsosorry, Mapapatawad mo ba agad, Hindi Daddy. Hindi. Mauuna na ako." Sabi ko at isinara ang pinto. Hindi na ako nag abala pa na pakinggan ang mga pagtawag at pag paumanhin ng Daddy ko. Nakasalubong ko si Kuya na papaakyat mukhang narinig niya na nandito ako.

"How are you, Sister?" Sarkastiko niyang tanong.

"Ayos naman, Ikaw ba?" Tanong ko na sarkastiko rin.

"I'm fine too. Nagkausap na ba kayo ni Daddy?"

"Oo sana hindi ka na nag atubiling i-message ako, Wala rin palang kwenta ang pinunta ko rito." Sabi ko at nilagpasan siya agad niya namang nahawakan ang braso ko. Mahigpit na hawak at nasasaktan ako.

"Let me go." Malamig kong sabi.

"Anong klaseng anak ka, Wala kang galang, Ama mo iyon at gaganunin mo lang?!" Sabi niya at mas hinihigpitan ang hawak sa braso ko.

"Ikaw, Anong klaseng kapatid ka? Makasarili ay oo nga pala makasarili ka bakit nakalimutan ko? Gusto mo nga pala na sa iyo lang lahat, Nakalimutan ko pasensya na. Baka nga ang pag message mo ay halos ikaguho na ng mundo mo takot kang malamangan remember?" Sabi ko at mas marahas na tinanggal ang braso ko sa kamay niya.

"How dare you!" Sigaw niya sa akin at lumalapit. Inambahan ko siya ng kamao ko at doon siya natigil, Wala na akong panahon pa rito. Mas gugustuhin ko pa na matulog kaysa ang makipag-usap sa kanila.

Bumaba na ako ng hagdan at hinila ang dalawa kong kaibigan na hindi ata ako napansin na bumababa.

"Let's go." Sabi ko at patuloy lang ang hatak sa kanila. I know Kuya and Daddy are watching from upstairs.

"Chandria!" Sigaw ni Mom ng malapit na kami sa pintuan.

Hindi umiimik ang dalawa alam talaga nila kung kailan sila magsasalita.

"We'll go." Sagot ko na lang kay Mommy, Akmang hahakbang na ako pero nabanas ako sa sinabi ng magaling kong kapatid.

"'Yan ba Mom, Dad ang hihingan niyo ng tawad? Ang bastos na batang iyan?"

Who the hell is he to call me like that? Sa aming dalawa siya ang bastos at walang modo.

Humarap ako sa kaniya, at ngumiti. "Sino ba kasing nagsabi na humingi kayo ng tawad sa akin? Pinilit ko ba kayo?" Sagot ko at pare parehas silang na tahimik. Doon na ako kumuha ng oras para umalis.

Hindi talaga tama ang pagbalik sa Mansion na ito. Hinding-hindi.

Narinig ko pa ang mga pagtawag ni Mommy sa akin pero hindi ko na ito nilingon.

"Balik tayo sa unit mo, Zeniah." Sabi ko at agad kinabig ng mabilis ni Zeniah ang sasakyan niya.

Hindi na sana ako nag-padala sa emosyon ko, Hindi na sana ako nag-punta sa Mansion na ito.

From: Cisher Dizon

Hindi pa tayo tapos, Chandria.

To: Cisher Dizon

Who cares?

Hindi ko na lang pinansin ang reply niya at ipinikit ko na lang ang mata ko. Sana lang ay magkaroon ako ng gana mamayang gabi kumain. Ayokong magising ng madaling araw dahil lang sa pagkalam ng tiyan ko.


--

SassyKylie

My Roommate (MY Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon