Chapter 39

48 6 2
                                    

Chapter 39

Sobrang late na pero hindi ko pa rin magawang ipikit ang mata ko, I tried my best to sleep but I couldn't. Niyakap na ako ni Zeniah nadantayan niya na rin ako, Tulog na tulog siya samantalang ako ay hindi makatulog.

Why did he said that. Bakit niya yon sinabi? He's really unpredictable, huh.

"Paano ka?" He said.

Napataas naman ang kilay ko, "What? Anong paano ako? I am nothing here, Huerie." I answered.

Mabilis siyang bumawi at nag-iwas tingin, "Oh. I mean paano ka, Ano na lang ang sasabihin mo sa family mo. You will use me right? You need my help?"

Napalunok ako. Oo nga pala. Bakit nawala na sa isip ko ang problema ko na iyon?

"I can use, Ronnie--"

"No. Use me. I am willing, though ako ang naipakilala mo." Matigas niyang sabi. What the hell? He will come back to Calli right?

"Huerie, Hindi na. I can use Ronnie, Babalik ka na kay Calliyah diba? Ayoko naman na ako pa ang dahilan ng away ninyo."

"Use me." Matigas niyang sabi, Aangal pa sana ako pero naglahad na siya ng kamay sa akin. "Let's go, Malamig na sobra, Late na matulog ka na rin." Aniya na parang hindi nakainom.

Wala na akong nagawa kung hindi ang tumayo at ilahad sa kaniya ang coat niya, Ayaw pa nga niyang tanggapin but I insisted. Ayokong paulanan na naman ng tanong ni Zeniah bukas paggising naming dalawa kapag nakita niya iyon na nasa akin.

I was about to open the door of this 'kubo' when he talked, "I am willing, Chandria. Use me." He said in a baritone voice. Lutang akong napatango atsaka mabilis na pumasok sa kubo.

Why is he insisting himself? Is he guilty? If that's it, Pwede namang si Ronnie na lang ang sabihin ko, Though I don't have a real boyfriend kahit sino ay pwede kong iharap at ipakilala, Pwede ko namang bawiin kay Kuya Cisher ang sinabi ko na hindi si Ronnie iyon, Bakit ba siya nag-pupumilit na mag-pagamit? He'll comeback to his girl, Kung iniisip niya na unfair sa state ko, hindi niya na dapat isipin yon dahil wala naman sa akin. Aish.

"Wala kang balak matulog, Chandria?"

"Hindi lang ako makatulog."

"Close your eyes, You want me to sing--"

"I'm sleepy now, Zeniah. Sleepwell, love." Sagot ko na lang na nakapagpangisi sa kaniya.

"Sleepwell, love." Sagot niya sa akin. Kahit anong baling ko, hindi talaga ako makatulog kaya tumayo na ako.

Tinanggal ko ang pagkakayakap sa akin ng Zeniah na mahimbing na natugulog ngayon, Tanging pintuan ang sarado pero ang mga bintana ay bukas ang kalahati, Malamig ang simoy ng hangin kaya kahit kalahati lang sa bintana ang nakabukas ay malamig na talaga ang pumapasok sa kubo. Ang lamesa ay nakataob sa sulok at doon isiniksik, Kaya sa lapag kami nakahiga ni Zeniah, Hindi naman ganoon kasakit sa likod dahil makapal ang latag namin. Bakit hindi ako makatulog?

Sumilip ako sa bintana at nanlaki ang mata ko nang makita si Huerie na diretsong nakatingin sa bintana kung saan ako nakatayo ngayon. Dahan dahan akong tumalikod at humiga, I slightly tapped my chest. Nagkatinginan lang kayo, Chandria. What's wrong with you? What's with the heart-beating fast?

Kinaumagahan, Ikalawang araw namin dito, Pag-gising ko ay wala na si Zeniah sa tabi ko. Kinapa ko ang cellphone ko at napag-alaman na alas dos na ng tanghali, Lagpas na sa lunch time hindi man lang ako nagawang gisingin ni Tasha o ni Zeniah?

Maayos ang itsura ko na lumabas nang kubo, Nakita ko sila na nandoon sa pinaka-malaking kubo.

"CHANDRIA!" Sigaw nilang lahat maliban kay Huerie na mukhang sabog pa at kakagising lang.

My Roommate (MY Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon