Chapter 23
It's been a week since i applied on Calle Cafe and when Tasha did breakdown in front of me and Zeniah.
Isang linggo na rin ang nakalipas, Hindi talaga kami nagkikita ni Huerie sa bahay. Siguro ay parehas parin kami na hindi ayos sa isa't-isa. Well, who wouldn't be? Ang kasama mo sa bahay ay babae?
"Cha, pagod ka na?"
"Hindi pa naman, Ron. Bakit ikaw?"
"Breaktime naman, atsaka wala ring costumer, you can rest ako na ang bahala rito."
Ngumiti ako. "Hindi na, Ayos lang ako. Atsaka may upuan naman, Eto na uupo na lang ako." Sabi ko sa kaniya at umupo.
Sa isang linggo na yon ay nakilala ko na si Ron ng mabuti at nakikilala pa sa araw araw, He is the type of person that you can easily bond with. Even though he has a bad hairstyle, kaya niya iyong dalhin ng maayos sa simpleng ipit lang ng kaniyang buhok ay umaayos na ang itsura niya, plus his green beautiful eyes. Napagalaman ko na Fil-Am siya kaya pala ganoon na lang kaganda ang mga mata niya. He said, that's the only thing he get on his father, only those eyes and the rest was from his mother.. Isa pa ay mama's boy siya. I wonder how many girls he had and have?
"Oops! Wag ng makulit, nakaupo na ako."
"Okay, Cha." Sabi niya at parang natalo, hindi na siya nakipag-kulitan pa dahil na rin may costumer.
Tumungo na muna ako, I'm a bit tired pero kaya ko naman, Naalala ko na naman ang mga sinabi ni Tito Marchie sa akin.
"Chandria, hija."
"Po, Tito?"
"Pwede ka bang makausap?"
"Yes po. Ah, Ron wait lang ha.."
"Sige, Cha. Ako na ang bahala rito." Aniya at tumango ako. Sumunod na ako kay Tito Marchie sa maliit niyang opisina.
Sana ay maayos nilang hinati ang space ng office at ng likurang bahagi ng Calle Cafe dahil para sa akin ay tatlong tao lang talaga ang pwedeng makapasok sa office na ito. Too small for five person.
"Cha,"
"Hmm,"
"May gusto sana akong hinging pabor sayo e. Kung ayos lang?"
Agad akong tumango. "Sure, tito. Basta po ay kaya ko."
"Kayang kaya mo to, hija. Wag mo sanang iiwan si Ronron hija, Ang ibig kong sabihin ay manatili ka sa tabi niya. Bilang kaibigan niya hindi ba dapat ay hindi mo siya iwanan? Pasensya na hija ha, Kasi.. Ngayon ko lang talaga nakita si Ronron na ganiyan kasiya, siguro kasi e matagal na mula ng magkaroon siya ng malapit na kaibigan.." Said Tito Marchie.
I smiled. "I will, tito. Besides, Ron is very kind and he gave fun, Malaki rin po ang utang na loob ko sa kaniya."
"Salamat hija.."
Tumango ako. "No problem, tito. Balik na po ako sa trabaho,"
"Sige hija, Ah Chandria.. Wag mo na lang itong sabihin sa kaniya ha?" Aniya at tumango ako.
"Black americano." Napataas ako ng ulo ko dahil sa boses na iyon.
Nang biglang umalis si Ron para gawin ang black americano ay nakita ko si Huerie na halos manlaki ang mata dahil nakita ako. Sa isang linggo ni minsan ay hindi kami nagkita, segundo minuto o oras man, wala talaga. We just writing a note and post it on refrigerator, Iyon na ang nakasanayan naming dalawa. Kung sasagot man sa letter ay thru text na.
BINABASA MO ANG
My Roommate (MY Series #2)
RomanceLife is complicated and unpredictable. Chandria Dizon never experience being loved by her family because they left her with the maids since childhood. She wasn't the favorite child but she grew up with a strong mindset and ego, she could defend her...