Chapter 35

45 6 0
                                    

Chapter 35

"Girl, ano yon?" Nanunutyang tanong ni Tasha sa akin.

"Alin?"

"Ayon! Yung kanina, May nakita ako, wag kang pa-inosente jan!"

"Ano ba yon?" Singit bigla ni Zeniah. Ngayon ay sinisiksik nila ako sa kinauupuan ko. Parang kanina lang ay nag-aaway sila ngayon ay ayos na sila.

"Etong si Chandria, Zen! Hinawakan sa bewang ni Huerie! E diba masungit 'yon? Di namamansin? Tapos nakita ko, Nakita ko! Hinawakan siya sa bewang! Omg!"

Tinignan ako ni Zeniah na parang nanghihingi ng kompirmasyon. I slightly up my left brow.

"E, ano naman, Tasha?"

"What? Anong ano naman! They're not even close!"

"Magkasama nga sila sa iisang unit, Not even close?" Wala sa sariling usal ni Zeniah. Nagulat ako pero hindi na ako nagpahalata. Expected ko na na sisigaw si Tasha at pauulanan ako ng napakadaming tanong.

"What?! Bakit?! Paano?! Siya yung kasama mo?! Seperated rooms ba o iisa lang?! What?Answer me! Maayos ba siyang kasama? Do you love him? Kayo na ba? What the hell bakit hindi niyo sinabi sa akin na si Huerie pala ang kasama ni Chandria, Bakit di niyo man lang ako sinabihan na si Huerie pala. Omg! Si Sanjie ang may gawa niyan diba? Gosh, Sinadya niya? For what reason? Deep ba o mababaw lang? Chandria, what?!" Walang palyang salita ni Tasha. Nakailang buntong hininga na nga si Zeniah habang nakatingin sa payapang dagat, Ako naman ay nanatili ang paningin kay Tasha na ngayon ay nakanganga na at nag-iintay ng sagot ko.

I sigh first, "Hindi na namin nasabi sayo dahil occupied ka ng mga oras na yon, Alam ko naman na pauulanan mo ako ng tanong pero all in all, I'm just his tenant and he is my landlord, Roommates. Okay? We're not in a relationship and we will never be. Yes. Sanjie did that for some reason, now you okay?"

Nakanganga pa rin siya at parang hindi makarecover hindi pa rin siya naniniwala. Of course, what a small world for all of us.

Umiling umiling siya at tumingin sa dagat, "What a small world, Squad nga tayong anim. Hay, Anyways. Zeniah, Hinahanap ka pala ni Sanjie sa akin kanina. Buti talaga nakita ko yung ginawa ni Huerie kay Chandria kung hindi masasabi ko na ang feelings mo sa kaniya. Kasi, e."

Napa-hawak ako sa bibig ko dahil doon. Hinablot naman ka agad ni Zeniah ang mahabang buhok ni Tasha.

"What the hell! Anong trip mo Anastasha? Hindi ka na nakakatuwa. Kanina ka pa, first you set up me and Chandria! Now, kamuntikan mo nang masabi iyon? Do you think maniniwala si Sanjie kung idedeny ko yon at sasabihin kong trip mo lang yon? Of course not!"

Tinapik ko ang kamay ni Zeniah sa buhok ni Tasha kaya tinanggal niya ito. "You two should stop. Kanina pa kayo nagtatalo at para kayong mga bata kung umasta. Stop being childish. Tasha. Did you forget our sis code?"

Agad na umiling si Tasha. "N-no."

Humalukipkip si Zeniah, halatang hindi siya naniniwala. Of course, muntik na kayang masabi ni Tasha.

"No your ass. Muntik mo na ngang masabi, I won't thank you for seeing Huerie and Chandria, na dahil doon ay natigil ka. Ewan. Nakakainis ka na talaga." Zeniah said and then she walked out. Nakakagat labi naman ngayon si Tasha.

"Bakit ka ba kasi ganiyan ngayon, Tash? You always piss her, why? You trip her?"

Umiling siya at nag hand gesture pa na hindi, "No.. Hindi naman sa ganoon, Yes I set up you two kasi alam ko na hindi kayo sasama kung sasabihin ko ang totoo, Sanjie and Woonie planned this e. Of course, isasama ko kayo.. I'm just carried away by Sanjie's question, Because he asked me is there any chance na magustuhan din ako ng kaibigan mo? That! I was about to answer him na Zeniah was already inlove to him but I saw you two, Huerie was holding your waist.." She explained.

I sigh, "Alright, then. Say sorry to her and please stop pissing her off and stop being childish in front of me and Zeniah. Especially to Zen. She's now mad at you, Alam kong alam mo kung paano siya palambutin Tasha, pero ibang usapan na kasi ang about dito kay Sanjie at Zeniah."

"Yes. I know, Cha. Thank you for understanding and I'm sorry."

"No worries." Sagot ko na lang.

Tinawag siya ni Woonie na ngayon ay nasa di kalayuan, He's holding a stick and sitting in a long tree. Mukhang bumagsak na iyon at isinadya nang ilagay doon.

"Kay Woonie na muna ako Chandria."

"Sige," I answered. When she ran towards Woonie, I stood up and went to Zeniah.

"Won't you swim?"

"Why? Will you?"

"Later if you will, Pag hindi.. Edi hindi,"

"Alright, tara." Aniya sabay hila sa akin.

"Teka! Zen!"

"Come on, Cha. Don't remove your clothes, Wag kang mag to-two piece dito itago mo yan. Bawal babe."

Ngumisi na lang ako sa kaniya. Good thing we're both on our dolphin shorts and simple t-shirt. Magmula kasi nang marating namin ito at nawala na ang mga lalaki sa loob ng kubo, Parehas kaming nagtanggal ng pantalon at naiwan sa dolphin shorts. Mabuti at pares ang undies ko, White undies.

Malinaw ang tubig kaya mas masarap lumangoy, Hindi naman ako lalayo dahil hindi ko alam ang dagat na ito, I mean.. Hindi ako sanay sa lugar na ito, This place and sea were foreign to me kaya mas mabuti na sa tamang place lang ako lulugar at hindi na sa malalalim na parte.

Nakatayo kami pareho ni Zeniah at magkahawak kamay, Katulad ko, Ayaw rin niya na magpunta sa malayo dahil hindi rin daw niya alam ang lugar na ito. We both want to know and study the place first.

May kalayuan na rin naman kami sa pampang pero wala kami sa malalim na parte, Dahil magkahawak kamay naisipan namin na lumubog pareho.

"Chandria, Lubog lang ha. Wala munang magsi-swim." She said.

I nodded, "Oo wala muna."

"One.. Two.. Three!" Sabay naming bilang at lumubog pareho, Parehas kaming napangiti ng makita ang isat-isa sa ilalim ng tubig. Nagduling pa nga siya atsaka pumikit, Pagdilat niya at ngumuso naman ako at nag make-face, Umahon na kaming dalawa at sabay nagbigay ng tawa.

"Ang pangit!" Sabay naming sabi at natawa na naman.

Naisipan na namin na mag-swim pareho, Nagbitaw na kami sa isat-isa. Mabilis lang ako na lumangoy dahil tinignan ko lang ang ilalim. Sobrang ganda at halatang virgin pa ang dagat na ito. Hindi pa siya nasisira ng tao. Oh well, private nga pala ang isang ito. Umahon ako at pinunasan ang mukha, Nanlaki ang mata ko nang mayroong makita.

"H-Huerie.."

Lilingon na sana ako sa paligid pero bigla siyang lumapit sa akin at bumulong sa tenga ko. "Your shorts was too short. I hate that." He said and swim away.

What the? Of course! Short nga e! Anong problema niya at bakit niya ako pinupuna? Nag kibit balikat na lang ako at nagpatuloy sa paglangoy. Umahon na ako dahil nagtawag na sila Woonie at Sanjie na luto na raw ang liempo na kanina pa nila iniihaw.

Huerie is now topless, Basang basa ang buhok niya at natatapon ang patak ng tubig sa mukha at katawan niya. Nag-iwas agad ako nang tingin nang makitang papatingin siya sa gawi ko. Mahirap na. Baka punain niya na naman ako. Masungit pa naman siya.

"Ang sarap." I whispered so that no one can hear that but I was wrong, All of them heared what I said.

Ako at si Huerie lang ang tahimik habang kumakain kami. I'm too focused to my food because it's really delicious! Tinatawag nila ako pero hindi ko sila kinakausap. I'm eating. Ayokong may kumakausap sa akin kapag kumakain ako. I just don't want to.

Ako na ang nagprisinta na mag-ayos ng mga left overs, Inilagay ko lang naman iyon sa isang plate at tinakpan ng isa pang plate. Mabilis ko lang rin na naiayos ang mga kalat dahil wala rin namang masyadong kalat. Ngayon ay nag-aayos sila Woonie, Sanjie at Tasha na para raw sa bonfire.

"Baby..Tawag ka ni Mom." Huerie said and give his phone to me. Doble na naman ang kaba ko ngayon. BAKIT BA AKO KINAKABAHAN SA PRESENCE NIYA, Diba dapat at sa mommy niya lang ako kabahan?

--
SassyKylie

A/N: I-enjoy muna natin ang four days 'Vacation' nila. (Vacation? Lol.)

My Roommate (MY Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon