SDA 02
Tuwang-tuwa naman ang kaibigan ko dahil gumana ang sinabi ko sakanya. Ganoon siya naglalakad hanggang sa nakadating na kami sa school.
Andami ng tao sa school. Lahat nag-'eenroll'. Nasaan na ba siya?
" Uy, ayun na siya! " sabi ni Thia habang nakaturo sa isang table sa shed.
May nakita nga akong babaeng nakatalikod na may kasamang lalaki. Nag-uusap yata.
Si Zarina nga 'yon. Nakakulay ang buhok nya ng brown. Oo nga at madaming nakakulay ang buhok pero iba kasi ang buhok niya, eh. Straight na medyo wavy na... Basta!
Ganoon siguro kapag kilala mo na ang tao, kahit nakatalikod alam mo na.
Ang babaeng 'yon! Kaya pala ayaw na pumunta sa gate ng school. Busy makipaglandian! Whatta harlot!
" Hoy! Arina! " tawag ko sakanya.
Lumapit kami dun sa table. Tumingin siya noong tinawag ko siyang Arina. Ayaw niya kasi 'yon. Pero bagay naman kasi sakanya, eh. Masyado siyang maputi na kapag dumikit ka sakanya mangingitim ka.
Irita siyang lumingon at hinahanap kung sino ang tumawag sa kanya non. We were already so near when she saw us.
She leaned over to say something to us, her expression still the same. "Ano ba! Bakit kapag kayo na tumawag sa akin, pumapangit bigla pangalan ko?!"
"Tch. Hiya ka lang dahil may lalaki sa harap mo, eh," malakas na sabi ni Thia habang tinuturo niya gamit ang ulo ang lalaki. Kahit ako nahiya nung sinabi niya 'yon ng malakas. Naguluhan naman ang kasama niyang lalaki.
Humarap ulit sakanya si Zarina na may pilit na ngiti kaya tumingi din sa lalaki si Thia. " Hi! Hindi ka pamilyar kasi parang... nakita na kita, eh," panggugulo niya pa sa lalaki.
Kahit ako naman ay maguguluhan. Kumunot ang noo ng lalaki. "Uhmm," hindi niya alam ang sasabihin. "You can call me Kane," biglang sabi ng lalaki.
Bumulong naman ng pasimple si Thia sa akin. "Pakialam ko sa pangalan niya? Tch. Tch. Tch."
" Anyway, andiyan na pala ang mga kasama mo. Mauna na ako, Meg," sabi ng lalaking nangangalang Kane kay Zarina.
Teka nga. Ano ulit? Meg? Meg ika mo?
Noong sigurado ng nakaalis na nga ang lalaki, tinanong ko agad si Zarina. "Anong Meg? Andami mong nalalaman ngayon, ah. May paMeg- Meg ka pa, ha! "
"Bakit naman Meg ang ginamit mo? Andami namang mga pangalan, ah," sabi ni Thia.
"Nagtananong ka pa. Nagiging baboy na kasi, eh. " Tumawa pa ako pagkatapos kong sabihin 'yon. Humarap ako kay Thia. "Gets mo?" tanong ko sakanya. At ang bruha umiling lang! Hindi man nakuha ang joke ko!
" B-meg. Meg. Gets? " pagkaklaro ko sa joke ko.
"Ahhhh," sabi ni Thia na may kasama pang pagtango.
Tumingin naman ako kay Zarina na nagkukunwaring nakasimangot. "Funny ka na niyan?" sabi niya.
"O nga, Rin. Diyan lang talaga masaya si Lyn, eh. Hayaan mo na. Palagi naman siyang ganyan," sabi ni Thia kay Zarina.
Kumunot na ang noo ko. "Hindi kayo natawa?"
"Natawa nga kami, eh. Haha," pang-iinis pa sa akin ni Rin.
"Natawa naman talaga ako, Lyn. Sumakit pa nga tiyan ko," sabi naman ni Thia.
Inirapan ko nalang sila. Sabagay panget naman talaga joke ko ngayong iniisip ko ulit.
BINABASA MO ANG
Harrowing Verity
Teen FictionEvelyn Isolde Laxa, a boundless person, had always wanted to enter the PAWN. She wants to know how is the experience. She wants to know how the system works. She wants to know why they have the PAWN. So many questions of how and why. She wants to k...