SDA 14
Takot na takot akong gumalaw. Hindi ko alam ang gagawin ko. Bakit ba kasi sila nawawala?!
I took a deep breath. Calm, Evelyn, calm. I stepped one foot forward. I was trying to steady my shaking legs. I was that scared! Naglakad ako palabas ng pinagtulugan namin. May mga sanga at mga dahon na nakalagay sa entrance ng pinagtulugan namin. Parang tintakpan ng mga dahon at mga sanga ang entrance.
Dinala ko ang backpack ko. Ayaw ko itong iwanan sa pinagtulugan namin kahit medyo tago ito. May mga baril at bala pa din na andito. Paano kapag nawala? Paano kapag may nakakuha? Paano kung nakalimutan ko ang daan pabalik?
Gusto kong isigaw ang mga pangalan nila but I know that that is not a wise choice. Ang kapaligiran ay parang sa panaginip ko lang. Ang pinagkaiba lang ay wala itong fog.
Natatakot ako na kapag dumaan ako sa dinaanan ko sa napanaginipan ko ay makikita ko ang mga magulang at mga kaibigan ko. Alam kong hindi ito makatotohanan pero malay ko ba kung anong pwedeng mangyari.
Dahil sa aking takot, hindi ako tinahak ang daang nilakad ko sa panaginip ko. I went the opposite way. Habang naglalakad ako, kinakabahan ako. Ako nalang ba mag-isa? Huwag naman sana...
Maya-maya pa, may narinig akong ingay galing sa mga puno. Grupo ito ng mga puno at madadami ang mga dahon nito kaya hindi ko makita kung may tao ba. Dahan-dahan akong lumapit doon. Hinanda ko ang hawak-hawak kong baril.
May narinig akong kaluskos. Tinapat ko ang baril ko sa direksyon kung saan nanggaling ang kaluskos. May narinig na naman akong kaluskos ngunit galing naman ito sa likod ko. Humarap ako pero huli na ang lahat.
Sinakal niya ako gamit ng isa niyang braso. Pilit ko iyon tinatanggal ngunit masyadong mahigpit ang pagkakasakal niya at nawawalan na din ako ng hininga. Nakaharap ako sa isa niya pang kasama at nakita kong may hawak itong baril. Nanlaki ang mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko.
Hindi ko makita ang mga mukha nila. Masyadong madilim. Natatakpan ito ng mga anino ng mga dahon. Oh, help me! Anybody!
Narinig kong nalang na sumigaw ang sumasakal sa akin. "Shit! Wait!"
Pagkatapos, narinig ko ang putok ng bala. Akala ko sa may ulo na ako tatamaan o kaya sa may dibdib pero nakaramdam ako ng kirot sa ilalim ng tuhod ko. Shit nga! Ang sakit! Sobrang sakit! Gusto kong maiyak na hindi ko alam. I was panicking inside my head. The first thought that went inside my head was "am I out?"
Bago dumilim ang paningin ko, nakita ko pang lumabas ang dugo sa katawan kong natamaan ng bala. Dahil siguro doon, kaagad akong nahimatay. It was my first time seeing myself bleed so much.
To be honest, I was surprised when I woked up still inside the maze. Akala ko out na ako sa game. Sinubukan kong umupo kaya lang hindi ko nagawa dahil sobrang sakit ng paa ko. Tinignan ko ang paa ko at mukhang ginamot na ito. May bandage siya ngunit makikita pa din ang dugong lumabas.
Nakita ko si Fraust na nakatayo sa harapan ko. Gusto kong maiyak sa tuwa. Andito sila!
"Saan kayo galing? Natakot ako dahil sa inyo! Sobrang kinabahan pa ako tapos nabaril pa ako! Ano ba ang ginawa niyo?" sabi ko. I was feeling so much emotions. I was relieved but at the same time angry and irritated.
"Shh," saway ni Fraust. "Huwag mong sayangin ang lakas mo sa kakasalita mo. Nawalan ka ng madaming dugo. Ayan, tulungan na kitang umupo."
Inalalayan niya ako. Masakit pa din ang paa ko ngunit nakaupo na ako dahil sa tulong niya. Binigyan niya ako ng nakabalat na mangga. Kumagat ako sa prutas na binigay niya.
BINABASA MO ANG
Harrowing Verity
Teen FictionEvelyn Isolde Laxa, a boundless person, had always wanted to enter the PAWN. She wants to know how is the experience. She wants to know how the system works. She wants to know why they have the PAWN. So many questions of how and why. She wants to k...