SDA 21Nagising ako ng maaga. Nagayos ako at lumabas nang kwarto ko. Dumiretso akong cafeteria para kumain ng almusal. Nakita ko sina Ivy at Kane na kumakain na. Silang dalawa palang ang nasa table namin. Kumuha ako ng dalawang maling, isang scrambled egg at isang cup ng kanin. Pagkatapos, pumunta na ako sa lamesa namin at umupo.
Titignan ko sana kung anong oras na nang naalala kong hindi ko pala sinuot ang relo ko. Nakita ko si Kane na may suot-suot na relo.
"Kane, anong oras na?" sabi ko.
"Maaga pa," sabi niya pagkatapos niyang tignan ang kanyang relo.
Napatingala ako dahil sa sagot niya. "Tinanong ko kung anong oras na. Anong klaseng sagot naman 'yan?"
"Aish! Nasaan ba kasi ang relo mo?"
"Wala nga! Nasa kwarto. Nakikita mo ba na suot ko?" sabi ko sa kanya.
Biglang nagsalita si Ivy. "8:03 a.m. na."
Tumingin ako sa kanya. "Paano mo nalaman? Nanghuhula ka lang niyan, eh! Ang late ko namang nagising."
"Um... phone?" sabi ni Ivy.
"Ahh," ang nasabi ko nalang.
Kane snickered. "Medyo napahiya ka doon, ah."
Pagkatapos naming kumain ay bumalik ako sa kwarto ko para kunin ang aking relo. Gusto kong alam ko kung ano na ang oras. Hindi ko pa din alam kung anong ibig-sabihin ng note na natanggap ko but it is better to be cautious. Hindi ko man lang alam kung 10 in the morning ba o 10 in the evening. Kung babalaan sana ako, sana ay diretso na ang pagkakasabi. Dapat nasasagot din ang mga tanong na bakit, sino, ano, kailan, saan at paano. Hayst!
Bumalik ako sa cafeteria kahit nakakapagod na dahil wala naman akong pupuntahan. Pagkabalik ko, andoon na din sina Raul, Ajax at Fraust. Wala pa si Laurence dahil nagpapagaling pa siya at sabi ng doctor ay magpahinga muna siya.
Naguusap sila at mukhang seryoso ang pinag-uusapan. Sumiksik ako sa tabi ni Ivy. Bali nasa kaliwa ko si Ivy at nasa tapat ko si Raul. Wala akong katabi sa kanan. Kumuha akong tinapay sa plato ni Ivy. Habang kinakain ko ang tinapay ay tinanong ko sa kanila kung ano ang pinaguusapan nila.
"Sa tingin mo, Evelyn, hindi ba't mas maganda kung babalik tayo doon?" sabi ni Raul.
"Huh? Saan?" naguguluhan kong sabi.
"Sa Pangasinan," Raul said.
"Oo nga. Sabagay wala man lang tayong nakuhang impormasyon doon kaya..." sabi ko.
Umiling si Raul. Maging sina Ivy ay umiling. Nagtataka akong tumingin sa kanila. "Anong hindi?"
" 'Yung tinutukoy ko ay 'yung doon sa resort," sabi ni Raul. "Malay mo may makita pa tayo doon. 'Yung mga kwartong ginamit ng mga nakalaban natin, ayaw mong tignan?"
"Babalik kayo doon? Paano kapag andoon pa ang mga taong 'yon?" sabi ko.
Raul shrugged.
"Ano sa tingin mo?" sabi ni Kane.
"Syempre hindi! Ano ba kayo?!" I exclaimed.
Kane just sighed. "Lahat kami ay 'yes' ang boto. Tayong lahat naman ang pupunta doon."
Sumingit si Fraust sa usapan. "Hoy! Boto ko ay no. Ngayon niyo pa gustong pumunta doon!"
"Ano? Ngayon? E di mas lalong hindi ang boto ko!" I said.
BINABASA MO ANG
Harrowing Verity
Teen FictionEvelyn Isolde Laxa, a boundless person, had always wanted to enter the PAWN. She wants to know how is the experience. She wants to know how the system works. She wants to know why they have the PAWN. So many questions of how and why. She wants to k...