SDA 36
Pagod na akong umiyak...
Sumandal ako sa hospital bed at pinunasan ang mga luha ko. Maraming dinala sa ospital dahil maraming nadaganan ng debris at kung ano-ano pa. Hindi ko na masyadong inalam dahil pagod na talaga ako. Hindi naman ako kinulit nina Ivy. Tumingin ako sa nakahiga sa hospital bed. Pinaypayan ko ang mga mata ko para pigilan ang mga luha ko.
May parte sa'kin na sinisisi ang sarili ko. Ang kalahati naman ay ayaw magpasisi dahil hindi naman ako ang may kasalanan nito. Pero... ako ang may kasalanan, 'di ba? Ako 'yung nagpabalik sa kanya sa loob ng building.
Lumabas ako sa kwarto at nakita ko sina Ivy na may suot na surgical masks gloves, hair nets at disposable blue gowns. Katulad lang ng mga suot-suot ko ngayon. Pagkalabas ko, nag-spray akong alcohol. Mayroon kasing bote ng alcohol na nakadikit na sa pader para siguradong hindi makakalimutan ng mga tao na mag-alcohol.
Ngumiti ako sa kanila kahit hindi naman nila kita dahil nga naka-face mask ako.
"Kumusta na si Kane?" tanong ni Raul. Umiwas ako ng tingin dahil nahihiya ako. Nahihiya ako kasi ako 'yung dahilan kung bakit nakahiga si Kane sa hospital bed.
Hinayaan na lang nila ako at pumasok na sila. Umupo ako sa bench na nasa tapat lang ng kwarto ni Kane ngayon. Habang nagmumukmok ako, may nakita akong lalaki na mabilis na tumatakbo papunta sa direksiyon ko. Tumigil siya sa tapat ko habang humihingal. He decided to catch his breath before telling me what's up.
"Bakit?" I asked.
"Ang nanay mo," sabi niya habang humihingal pa rin.
Napatayo ako. "Ano na naman ginawa ng nanay ko?" I asked devastatingly.
"Patay na..."
"Ha?" I asked. Ayoko na. Umupo ako ulit at pinaypayan ang mga mata ko.
Nakatayo lang siya sa harapan ko, hindi alam ang gagawin.
"Anong name mo?" tanong ko sa kanya.
"Xerxes."
"Ah, Xerxes, 'yung mama ko... uhm... nasaan?"
"Andito lang po. Sundan nyo na lang po ako." Tumango ako at sumunod sa kanya. Noong nakadating na kami sa kwarto, binabalot ang nanay ko sa plastic.
"Anong ginagawa niyo?!" I asked, horrified.
"Protocol po, ma'am," sabi ng isa sa mga nagbabalot.
"Anong protocol? Hindi ko pa nakikita ang mama ko!" I cried. Kahit pa nag-away kami ng nanay ko, nanay ko pa rin siya. Then, I remembered our last conversation. Nag-away pa kami. I sobbed. I cried. I sat on the floor, not minding the people inside this room.
Ayoko na... Ang bigat-bigat na... Pinalo-palo ko pa ang dibdib ko, baka sakaling matanggal ang sakit. Baka lumabas na ang sakit.
"Pahinging isang oras," sabi ko sa mga nagtatrabaho. "Please," dagdag ko nono mukhang hindi pa sila papayag.
Tumingin ako kay Xerxes. "Napa'no ba mama ko? May sakit ba siya? O... dahil sa bomba?"
"Dahil po sa bomba, ma'am. Ang pangalawang pagsabog po ay napakalapit lang sa office niya. Isa po ako sa mga tinulungan at pinauna niya pong palabasin ng building."
"Niligtas ka ng mama ko?"
Tumango siya at nilagay ang kamay niya sa batok niya, nahihiya.
BINABASA MO ANG
Harrowing Verity
Ficção AdolescenteEvelyn Isolde Laxa, a boundless person, had always wanted to enter the PAWN. She wants to know how is the experience. She wants to know how the system works. She wants to know why they have the PAWN. So many questions of how and why. She wants to k...