SDA 06
Andito ako sa condo ni Rin kasama sina Thia at Anna. Kami palang ang nandito dahil dine-decorate namin ang loob ng condo niya. Mayroon kasing magaganap ngayon na Christmas party dito, a mini christmas party with friends.
Naglalagay akong crepe paper sa pader with the colors green, red and white para feel na feel ang Christmas. Actually tapos na ang Pasko. Tapos na din ang New Year. Ngayon lang kami nakapag-Christmas party dahil kasama namin ang pamilya namin ng Pasko at Bagong Taon.
"Bakit ganyan pagkakaayos ng mga pagkain? Ang pangit naman," sabi ni Rin.
"Ikaw nagsabi kung saan ko ilalagay ang mga 'to," Anna said to Rin while pointing at the food she had arranged.
"Doon lang sa iba, ah," sabi ni Rin. " 'Yung kutsinta ang nakakapangit. Ang pangit ng pagkakalagay."
"Ikaw nagsabi na ganito ko ilagay ang kutsinta, eh," Anna pointed out.
"Ah, ako ba?" Natahimik tuloy si Rin.
"Maganda na ang decoration. Maganda na din ang pagkakaayos ng pagkain. Chill ka lang, Rin. Huwag kang magpanic," sabi ko.
"Atsaka magugulo din ang pagkain mamaya. Magdadala pa niyan ng pagkain ang mga dadating," dagdag ni Thia.
"Hinga ka muna, Zarina. Breathe in," sabi ko. Sumunod naman siya sa'kin. "Huwag ka ng mag-exhale."
Sinamaan niya ako ng tingin. "Bakit ba ako nagpapauto sa'yo?"
Natapos na kaming magdecorate at nagsisidatingan na ang mga tao. Andami kong nakita na hindi ko naman kakilala kaya pinuntahan ko si Rin.
"Akala ko ba na close friends lang?" tanong ko sakanya.
"Close friends nga. Close friends ko ang mga 'yan huwag kang mag-alala," sabi niya sa akin.
"Lahat ba ng mga ininvite mo andito na?" I asked Rin.
Sumulpot si Anna sa tabi namin. "Bakit? May hinahanap?" she said while wiggling her eyebrows.
"Hinahanap- hanap kita," kanta ni Thia. Bigla nalang siyang lumitaw.
"Ano ba? Sino naman hinahanap ko?" tanong ko sakanila.
"Ayun na pala siya, oh," sabi ni Anna.
"Nasaan?" I asked immediately. Sinundan ko ng tingin ang kamay niya at tinignan kung saan siya nakaturo pero wala namang tao doon!
"Ha! Wala daw hinahanap pero nagtanong kaagad," sabi ni Anna.
"Bahala kayo diyan," sabi ko.
Aalis na sana ako nang hilahin ni Rin ang braso ko. "Ayun na siya!" sabi niya.
"Hindi niyo na ako maloloko."
"Dumating na nga sila," sabi ni Thia.
"Hi Finn! Carter!" tawag ni Rin.
Tumingin na ako at nakita ko nga sila. Nalungkot ako bigla nang makita na hindi nila kasama si Kile. Hinanap-hanap ko pa siya. Nasaan siya? Hindi siya pumunta?
Sayang naman. Sayang...
May kumalabit sa akin at masaya akong lumingon. Isa lang naman kasi ang kumakalabit sa akin, si Kile lang naman. Lumingon ako at si Kile nga!
Iba talaga kapag sineswerte ka!
Bago pa ako makapag-'hi' sakanya, lumapit ang sina Carter at Finn sa amin. Nilagay ni Carter ang kanang kamay niya sa kaliwang balikat ni Kile. Nakangiti naman sa likod si Finn.
BINABASA MO ANG
Harrowing Verity
Teen FictionEvelyn Isolde Laxa, a boundless person, had always wanted to enter the PAWN. She wants to know how is the experience. She wants to know how the system works. She wants to know why they have the PAWN. So many questions of how and why. She wants to k...