SDA 23
Tinawag ni Ivy ang iba pa naming mga kasama para magtipon-tipon kami sa kwarto na ito. Nakaupo kaming lahat sa floor. Hindi ko alam kung bakit dito pa kami umupo e mayroon namang mga upuan at kama dito.
"Search nyo nga 'yung Nosoi Corporation. Wala akong data, eh," sabi ni Ivy.
"Ano ulit?" tanong ni Fraust at nilabas ang kanyang phone. "Paano 'yung spelling?"
"N-O-S-O-I," sabi ni Ivy. Tinuro niya pa ang karton na may tatak nito.
"Ah, sorry. Ayun lang pala," Fraust apologised.
Nilabas nila ang kanilang mga phone at nag-search na. Tumitingin lang ako sa kanila at nakikisilip dahil walang data ang aking phone.
"Hoy, Evelyn!" tawag sa akin ni Kane.
Humarap ako sa kanya. "Bakit?"
"Anong ginagawa mo?" sabi niya.
"Secret!" pang-iinis ko sa kanya.
"Tamad!" he said.
I rolled my eyes. "Tulungan nalang kita," I offered. Tumayo ako, lumapit sa kanya at umupo ulit sa sahig.
"May nahanap na ako," sabi niya.
"E di tutulungan pa din kitang maghanap," I told him.
He sighed and continued searching. After a while, he gave me his phone. I looked at him, asking why.
"Diyan ka maghanap," he said.
"O ikaw?" I asked him.
"May laptop pa ako."
I nodded and got his phone. I typed 'Nosoi Corporation'. Nasa Pangasinan lang din pala ang main building nila. May mga lumitaw din na picture ng mga binebenta ng kompanya. Mayroon silang binebentang mga damit at bag. Magaganda naman ang mga damit na ginagawa nila.
Hinahanap ko pa kung sino ang may-ari ng kompanyang ito nang sumigaw si Raul ng "Hoy!" Tumingin ako sa gawi niya at nakitang nakatingin siya sa phone ni Gio.
"Hindi ka man lang tumutulong," Raul said.
"Kaya niyo na 'yan," Gio said then shrugged.
"Pa-fb-fb ka pa diyan, ah. Huli ka balbon!" sabi ni Raul, nangiinis na.
Tinignan ko si Kane. "Nahanap mo na pangalan ng may-ari? O kaya 'yung mukha lang?"
He shooked his head. "Nope."
Maya-maya ay nagsalita ulit si Kane. "Gusto mong pagkain?"
Binibigyan niya ako ng chichirya na barbecue flavored. Malaki-laki ito kaya siguro siya namimigay. Sa kabilang kamay niya naman ay may hawak siyang sandwich.
"Pahinging chichirya," I said. I got a handful para hindi ako pabalik-balik na kumukuha. Naubos ko ang kinuha kong chichirya kaya kumuha ako ulit. Dahil nakadalwang kuha na ako ay nahiya na ako kaya lang ay gutom pa din ako.
I looked at him and pouted. "May sandwich ka pa?"
"Ito nalang meron ako. Gusto mo pa din?" sabi niya at pinakita ang hawak-hawak niyang sandwich na may kagat na. Hindi naman ako laway conscious kaya kinuha ko na ito. Hindi pa kasi kami nag-lalunch. Cheese lang ang palaman ng tinapay pero masaya pa din ako.
Kaagad ko itong naubos. Hindi na muna kasi ako nagsesearch.
"Dahan-dahan lang sa pagkain. Agad mong naubos!" I just nodded.
BINABASA MO ANG
Harrowing Verity
Teen FictionEvelyn Isolde Laxa, a boundless person, had always wanted to enter the PAWN. She wants to know how is the experience. She wants to know how the system works. She wants to know why they have the PAWN. So many questions of how and why. She wants to k...