SDA 19
"Excuse me. Pwede bang pakisagot nalang ang tanong namin?" inis kong sabi. Kanina pa kasi ako nagtatanong sa isa sa mga tumingin sa bangkay ni Tim, ang isa sa mga namatay naming kasama.
"Ano nga ulit ang tanong mo?" sabi niya. Siya kasi ang binaril ko sa kamay dati at mukhang galit pa din siya sa akin. A game is a game. Anong akala niya? Ako din kaya ay nabaril pero hindi naman ako ganyan kay Kane.
"Isa pang paggaganyan mo ay wala ka ng malay," pananakot ni Ivy.
"Sa tingin mo natatakot ako?" sabi ng lalaki.
"Huh?" maang-maangan ni Ivy. "May sinabi ba ako?"
Susuntukin na sana ng lalaki si Ivy ngunit sumingit na ako. He really has to control his anger. "Sagutin mo na kasi ang tanong namin. Ang simple lang ng tanong namin."
Bumuntong hininga siya. "Fine. Meron siyang tattoo sa binti niya."
"Anong tattoo?" tanong ko.
"Alam niyo 'yung laro na chess? 'Yung horse doon ang tattoo niya. Bakit niyo ba natanong?"
"Secret!" sabi ni Ivy at hinila na ako palayo.
Narinig ko pang sumigaw ang lalaki. Nagsama pa siya ng mura sa mga salitang isinigaw niya. Sorry, boy! Ang tagal mong sagutin ang tanong namin kaya wala kaming oras para sagutin ang tanong mo ngayon.
Pumunta kaming cafeteria ni Ivy dahil doon kami huling nagkita-kita nina Kane. Andoon na sila at kumakain na. Kasalanan mo 'to, lalaki! Kung sanang sumagot siya kaagad ay kumakain na din kami ni Ivy.
"Bakit ang tagal niyo? Kumain na kami tuloy," sabi ni Fraust. "Sabi ko sa kanila na hintayin kayo pero hindi man lang kayo hinintay. Nakisabay nalang din ako sa kanila na kumain."
"Okay lang," sabi ni Ivy. "Atleast nalaman naming may tattoo nga si Tim."
"Totoo?"
"Weh?"
"Anong klase?"
"Ows?"
Sabay-sabay silang nagtanong.
"Oo nga. Isang horse nga daw ang tattoo niya sabi ng nakausap namin," Ivy said.
"Parang isang chesspiece din ba?" tanong ni Laurence.
Tumango si Ivy. "Oo daw."
Kumain na kami ni Ivy. Bistik at Chopseuy ang ulam namin at dalawang sandok naman ng kanin. Noong tapos na kaming kumain ay naglalakad na kami papunta sa elevator para pumunta sa kanya-kanya naming kwarto. Habang naglalakad kami ay may lumapit na gwardya sa amin.
"Pinapatawag po kayo," seryosong sabi ng guard. We all groaned. Alam na namin kaagad kung sino ang nagpapatawag sa amin. Ugh! May panibagong utos na niyan.
Sinundan namin ang guard. Pumasok kami sa elevator at pinindot niya ang number four. Noong nakadating na kami sa ika-apat na palapag ay unang lumabas ng elevator ang gwardya. Paglabas, nasa isa kaming malawak na hallway. May mga nakasabit na mga painting, mga picture at ang history ng building na ito sa pader.
May nakita akong nakatakip na picture frame gamit ang isang mahabang itim na tela. Tatanggalin ko sana ang tela para makita kung anong nakalagay doon nang biglang akong suwayin gwardya.
"Huwag niyo po iyan gagalawin, ma'am," sabi ng gwardya. "Mahigpit pong ipinagbabawal na galawin ang mga gamit dito."
"Uhh... okay," sabi ko.
BINABASA MO ANG
Harrowing Verity
أدب المراهقينEvelyn Isolde Laxa, a boundless person, had always wanted to enter the PAWN. She wants to know how is the experience. She wants to know how the system works. She wants to know why they have the PAWN. So many questions of how and why. She wants to k...