Chapter 18

28 2 0
                                    

SDA 18

Nandito ako at hinihintay matapos ang pag-uusap nina Kile at Ajax. Syempre ang kapatid na muna.

Naguusap sila sa isang corridor habang ako ay nasa kabilang corridor at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Sumandal ako sa pader at noong nangalay ang mga paa ko ay umupo na ako. Noong ngalay ulit ang paa ko, nag-Asian squat nalang ako.

Hindi ako mapakali. Gusto kong maiyak na hindi ko alam. Kinagat-kagat ko pa ang kuko sa hinlalaki dahil sa sobrang nerbyos. Sobrang bagal din lumipas ng oras!

Noong nakita ko na si Ajax ay mapula-pula ang kanyang mga mata. Umiyak ba siya?

Syempre, Evelyn! Gosh!

Maya-maya pa ay nakita ko na si Kile. Napatayo ako nang makita ko siya. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayong sobrang lapit niya na sa akin. Ang tagal ko ng hindi nakita ang mga kaibigan ko. Lalo na si Kile!
Miss na miss ko na silang lahat. Maging ang mga magulang ko ay miss ko na. Kailan ko kaya sila ulit makikita ngayong may kumakalat naman na virus?

Naputol ang pagmumuni-muni ko nang tumikhim si Kile.

"Kumusta ka?" tanong niya sa akin.

"Ayos lang. Wala namang sugat," sabi ko at tumawa ng mahina.

Tinaas niya ang isa niyang kilay. "Ano 'yan?" tanong niya at tinuro ang isa kong paa.

Nilagay ko ang tinuro niyang paa ko, ang kanan, sa likod ng isa ko pang paa kahit hindi naman kita. Nakababa kasi ang pants ko kaya hindi naman kita kung may sugat.

"Huwag mo ng itago. Sinabi ni Ajax na may tama ka ng baril," he said.

"Ahh," iyon nalang ang sinabi ko.

Pinalibutan kami ng katahimikan kaya nagsalita ako ulit.

"Buti at andito ka. Bakit ba? Anong meron?" tanong ko sa kanya.

"Ah, wala lang. Med student kasi ako kaya ganyan," sabi niya. "Lahat ng kanina ay mga med student. Kinukuha na nila mga med student kahit mga nagaaral palang ng pre-med para daw mai-train na kami. Para hindi alanganin sa bilang ng mga doktor. Alam mo na..."

"Ahh. Oo nga naman. Atleast ay may alam kayo. Ahh, okay."

Napaka-akward ng pag-uusap namin! Ginagawa ko ang best ko para naman mapagpatuloy ang pag-uusap namin.

"Kumusta na pala mama mo?" I asked, not just for the sake of continuing our conversation but really concerned.

"Ah, si nanay? Wala na siya, eh. Wala na," he said while his voice broke. May namumuo ng luha sa kanyang mga mata.

"Ha?" sabi ko kahit naintindihan ko naman ang sinabi niya. Anong wala na? Wala na talaga?

Tinignan ko siya ulit at nakatingin siya sa kisame, pinipigilan ang pagbagsak ng kanyang luha. But he failed. Tumulo pa din ang kanyang luha at naguunahan pa ang mga ito. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko.

Ganoon kasi ako, eh. Tuwing may nakikitang akong umiiyak ay naiiyak na din ako. Kahit hindi ko man alam ang dahilan ng kanilang pag-iyak ay naiiyak pa din ako.

"Umm..." I said, not knowing what to say. "Sorry. Condolence, Kile."

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Sobrang lungkot niyang tignan. Ang hirap naman ng nangyari sa kanya. Binawian na nga ng buhay ang mama niya tapos umalis pa ang kapatid niya para makipaglaban. Hindi na importante kung anuman ang nauna dahil mahirap pa din ang buhay kung ganoon.

Harrowing VerityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon