Tumahan na ako. Nakaupo lang si Kane sa tabi ko at hindi nagtatanong. I really appreciate that. I can hear the soft breeze.
Calm.
Tranquil.
Bigla na lang siyang nagmura. Mukha hindi siya mapakali kaya tumayo siya. "Anong gagawın mo?" tanong ko dahil biglaan ang kanyang pagtayo.
"Gusto ka kasing kausapin ni Fraust kaya pinuntahan kita. Pagkatapos, nakita kitang umiiyak. Sasabihin ko lang sana kay Fraust na sa susunod ka na niya lang kausapin kassi... uhm... bad day mo ngayon?"
"Gusto akong kausapin ni Fraust? Bakit?"
Nagkibit-balikat siya.
"Nasaan siya?" tanong ko at tumayo na rin.
"Noong nakausap ko siya, nasa floor lang natin."
Nang nakapunta ako sa floor namin, kung nasaan ang aning mga kwarto, wala na si Fraust doon. Tumingin ako kay Kane, inaakusa na pinagod niya lang ako, ngunit nakakunot din ang kanyang noo.
Bumuntong-hininga ako at pumasok na lang sa kwarto ko. Nakasunod pa rin si Kane kaya humarap ako sa kanya. "Magpapahinga na muna ako. Magpahinga ka na rin."
"Galit ka?"
"Ha? Bakit?" naguguluhan kong tanong.
"Uhh" lang ang nasabi niya.
Pagkatapos ng dalawang araw, doon ko pa lang nakita si Fraust. Nakita ko siyang kumakain sa cafeteria. Kumuha ako ng pagkain ko at umupo sa harapan niya. Inangat niya ang tingin niya ngunit yumuko siya ulit. Sa sandaling tinaas niya ang ulo niya ay ngumiti ako sa kanya.
"Sabi ni Kane gusto mo raw akong makausap nung isang araw."
Umiling siya. "Wala na 'yon. Tapos na."
"Ah," I said. I decided not to press further.
May sinabi siya sa akin kaya lang ay sobrang hina nito. "Ha?" tanong ko. I leaned towards her so that I could hear her more.
Hindi ko na sinabi sa iba kong kasama ang ginawa ni Fraust. Alam kong dapat ko itong sabihin dahil mali ang ginawa ni Fraust pero... 'di ko na alam. Bumuntong-hininga ako at tumingin ulit kay Fraust. "Hindi ko narinig 'yung sinabi mo, eh. Pwedeng paulit?" I said and smiled akwardly.
Actually, everything was akward. Nakikita ko sa gelidi ng aking mata ang nagtatakang tingin nina Ivy at Ajax. Matagal na kasi kaming hindi nag-uusap ni Fraust.
"Happy birthday," bulong ni Fraust. Nanlaki ang mata ko at tinignan ang phone ko. Sakto ay lumitaw ang notification na kaarawan ko ngayon. Dati hindi ako naniniwala na nakakalimutan ng mga tao ang birthday nila dahil importante ang araw na 'to. Now look at me!
"Pa'no mo nalaman?"
"Everyone knows. Your soon-to-be-doctor friends are very loud," she said in a small voice.
Tumingin ako kina Ivy. Kumpleto na sila sa table. Tinuro ko ang sarili ko at umarteng may hawak na cake at kunwari ay binoblow ko ang mga kandila. Pagkatapos ko iyon gawin ay tinuro ko sila.
Mukhang nakuha naman nila ang ibig-sabihin ko. Tinatanong ko kasi kung alam nilang kaarawan ko ngayon. Ngumiti sila at sabay-sabay na pumalakpak. Tumingin tuloy ang mga taso sa kanila. Raul even mouthed 'happy birthday' to me.
Natawa ako . Tumayo na ako, tumingin kay Fraust at nagpaalam na sa kanya. Lumapit ako kina Ivy na may hawak-hawak na wrapped box. Winagayway niya ito sa harapan ko bago niya ito binigay sa akin.
BINABASA MO ANG
Harrowing Verity
Novela JuvenilEvelyn Isolde Laxa, a boundless person, had always wanted to enter the PAWN. She wants to know how is the experience. She wants to know how the system works. She wants to know why they have the PAWN. So many questions of how and why. She wants to k...