Chapter 24

22 2 0
                                    

SDA 24

I woke up in a soft bed. The pillows were also soft. Even the blanket is so soft. It was so comfortable lying down that I almost forgot my situation.

Agad-agad akong tumayo nang naalala ko kung anong nangyari bago ako mapunta dito. Kinapa ko ang aking bulsa, wala na ang aking phone. Wala din ang aking baril. Kinuha nila siguro ang mga 'yon o naiwan lang sa kalsada.

I was panicking. Tinignan ko ang aking paligid. Nasa isa akong malaking kwarto. Ang mga gamit dito ay naka-arrange ng maayos. Ang ganda ng kwartong ito. Siguro ay kasing ganda ng kwarto ko sa headquarter pero mas madami ang mga gamit na andidito. Wala nga lang bintana dito, hindi katulad sa aking kwarto sa HQ.

My heart dropped to my stomach. 'Yung mga kasama ko! Nagmamadali akong lumabas ng kwarto. Kailangan ko silang mahanap. Baka andito din sila. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nawawala sila. Nasaan naman sila?

Pagkalabas ko, bumungad sa akin ang loob ng isang napakalaking bahay. Nasa isa akong mansion! No, actually mansion din ang bahay namin nina mama pero mas malaki pa ito. Sobrang laki! May hallway sa aking kanan at parang nasa isang hotel ako. Madaming mga pintuan at ang haba ng ng hallway. Sa aking kaliwa naman ay mayroong hagdanan. Nalaman kong nasa itaas ako dahil lang sa hagdanan. Sumilip ako dito at ang laki din ng first floor.

Saan niyan ako magsisimula? Hayst!

I have decided that I'll first start on my right. Dahan-dahan kong binuksan ang unang pintuan. Sumilip ako doon kahit halos wala akong makita dahil sa sobrang liit ng pagkabukas ng pintuan. Noong wala akong nakikita ay nilakihan ko pa ang pagkabukas ng pintuan. Doon ko nakita na may mga tao pala sa loob. Madami sila at nakatingin silang lahat sa akin. Nagpupulong ata sila. Nakatayo silang lahat at nakapalibot sa isang mahabang lamesa.

Sasarado ko na sana ang pintuan nang may nahagip ang aking paningin. Binuksan ko ang pintuan. Sobrang bukas nito at hawak-hawak ko pa ang doorknob.

"Hoy! Bakit kayo andito?!" tanong ko sa kanila. Bakit sila andito? Bakit andito mga kasama ko?

Kasama sila sa mga nakatayo na nakapalibot sa lamesa. Lahat sila ay andito.

I went inside cautiously. Tinignan ko ang sina Fraust at mukhang ayos naman sila. Mukhang hindi naman sila takot or what.

May lalaking lumapit sa akin at giniya ako papunta sa lamesa. Hahawakan pa sana ako pero umiwas ako sa kanya.

"I can do it myself," sabi ko. Ang tahimik dito. Everyone was staring at me like they were waiting for my next move.

Tumabi ako kay Kane. Kinurot ko siya sa bewang. "Bakit kayo andito?"

"Aray!" He whimpered. Tumingin ako sa iba kong mga kasama ngunit iniiwasan lang nila na magtama ang aming mga mata.

Kinurot ko ulit sa bewang si Kane. "Bakit kayo andito?" tanong ko, nag-aalala pa din. Hindi ko maintindihan ang sitwasyon ko. Ang sitwasyon namin.

He laughed a little before saying something. "Sabi kasi nila sa CHESS sila tapos sabi ko ay sa CHESS din kami. Pagkatapos kong sinabi 'yon, friends na kami. Same kasi kami. Yay!" Tinaas niya pa ang dalawa niyang kamay.

"Ah, gano'n?" tanong ko sa kanya, naiinis na. Nagpanic pa ako tapos ganyan lang ang isasagot niya. Anong klaseng tao ka?

Tumingin ako sa dulo ng table. May babaeng nakatayo doon at may katabi siyang dalawang lalaki, isa sa kanan at isa sa kaliwa. Siguro ay kasing edad ko lang ang babae. Mukhang siya ang leader ng mga kumuha sa amin. Ang mga kasama ko nga ay mukhang nakikinig din sa kanya. She just has this aura that will make you listen to her and follow her. Or her aura just shouts 'listen to me or run for your life'.

The girl cleared her throat. Maybe I was staring too much so I looked away.

"My apologies," she said.

"Para saan?" I asked. It looks like she's talking to me so I asked. The two boys beside the girl gasped. Tumingin ang babae sa kanilang dalawa at pinatahimik sila.

"For... capturing you. It sounds so bad when I use these words but yeah. I am sorry," the girl said.

I looked around and she was only looking at me. "Bakit sa akin mo lang sinasabi?"

She blinked. She blinked many times like she cannot believe I just said that. "You are the leader. You are their leader."

I laughed softly as not to offend her. Tinuro ko ang sarili ko. Ngayon, ako naman ang hindi makapaniwala. Bumulong ako kay Kane habang nakatingin pa din sa babae. "Mukhang ako ba ang lider niyo?"

Nakita ko sa gilid ng aking mata na tumango siya. "Makisakay ka nalang. Bossy mo, eh."

"What were you saying?" the girl asked.

I shooked my head. "Nothing. Ano ba ang dapat mong sasabihin?"

"We are also investigating Nosoi. There was just little confusion. We thought that you were Homer's men. We already met them but I guess we cannot tell the difference between your men and Homer's men," she said in English. "Again, I apologise."

Hindi ko alam kung mage-English ba ako o hindi kaya natagalan ako sa pagsalita. "Ayos lang."

She raised her right brow. "Okay. A while ago, before you arrived, we were talking about Nosoi. We were planning things."

"Tapos?" tanong ko. The two boys beside the girl gasped. Again. Anong meron sa kanila?

The girl sighed. "We were planning to visit the main building of Nosoi. It is here in Pangasinan."

"Visit lang?" sabi ko.

She nodded. "Yes, visit only."

"Oh," I just said. Bakit ba kasi kahit nagtatanong akong tagalog ay sinasagot niya ng Ingles? Wala tuloy akong masabi ng mahaba.

"Oo nga pala," I said. "Sa CHESS kayo?"

"That's right. We are under the CHESS. Actually long before the CHESS was created we were already under the CHESS."

"Ano daw?" malakas kong nasabi.

The girl chuckled. "I know it's confusing. It's a long story and I will let one of my men tell the story if you want to. Just not now."

Nakita kong nagkatinginan ang dalawang lalaki sa tabi ng babaeng nagsasalita. Anong meron?

"That is the end of the meeting," she said and clapped once. "Pawns? Is that what they call you?"

Tumango kaming mga pawns.

"Ah, alright. Pawns, rest first. Be comfortable. We will visit Nosoi tomorrow. Visit only, okay?" Tumingin siya sa kanyang mga... alalay? "All of you, rest first. Okay?"

Sumaludo ang mga alalay niya sa kanya at sumigaw ng "Yes!"

Walang sir, yes, sir? O baliktad? Yes,sir,yes ba iyon? O ma'am, yes, ma'am?

Umiling ako. Ano na naman iniisip mo, Evelyn? Walang kakwenta-kwenta! Sumunod nalang ako kina Kane at lumabas nang kwarto.

• •
Thanks for reading!
Vote and comment :)

Harrowing VerityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon