SDA 09
Ang dilim. Iyon ang una kong napansin pagkapasok ko sa arena. Ayan na. The PAWN has officially begun.
Buti nalang at gabi ako tinuruan ni tatay. Dahil doon, may nakikita pa naman ako.
Sabagay Philippine Achievers' War Night ang ibig-sabihin ng PAWN. Kaya 'Night' dahil nga madilim. Noong tumingala ako ay hindi ko man lang makita ang mga bituin at ang buwan.
Nang nakapagadjust na ang mata ko sa dilim, napansin kong ang tataas ng mga pader sa aking gilid. Parang nasa isang corridor ako at napakalawak nito. Mayroong mga puno ngunit mas matataas pa din ang mga pader kaysa sa mga ito.
Nakakatakot. Ako lang mag-isa. Suot ko lang ay isang fit black sando, dark blue na sweat pants at black running shoes. Ang alam ko ay pare-pareho lang kami ng suot ng kapwa kong mga manlalaro.
Naglakad-lakad ako. Parang isa siyang garden na maze, 'yung sa mga pasyalan, pero mas malaki ito.
Nakarating ako sa isang dead end kaya bumalik ako. Madami akong nakitang mga iba't ibang uri ng halaman. May mga parte din ng maze na may mga talahib. Hangga't nakakaya ko, iniiwasan ko ang parteng iyon.
Maya-maya pa, may nakita akong malawak na istraktura.
Isang... pyramid?
Dahan-dahan akong lumapit doon dahil baka mayroon ng tao. Inikot ko ang pyramid. Tinitignan ko kung may pasukan ba ito. May nakita na akong isang pasukan pero naglakad pa din ako para tignan kung makakahanap pa ako ng isa pa. Matagal-tagal din akong naglakad bago nakahanap ng mapapasukan.
Pagkapasok ko, nakita kong madaming mga floor levels ang pyramid. Sa gilid lang ang bawat level. Tahimik akong naglakad para hindi maalerto ang taong nandito kung sakaling meron.
Andaming mga karton na may label na 'fragile' o kaya 'handle with care'. Lumapit ako sa isang lamesa. Nakita kong may mga iba't ibang klase ng baril. Mayroon din mga bala. Kumuha ako ng isang Enhanced Battle Rifle, ang baril na lagi kong pinagpapraktisan. Kumuha din ako ng dalawang pistol at isang silencer.
Bago pa ako makapaglagay ng bala sa mga baril na nakuha ko ay nakarinig ako ng kaluskos. Kaagad akong nagtago sa likod ng mga karton.
Narinig ko siyang lumapit sa lamesa kung saan ako galing kanina. Maya-maya bigla nalang siyang nagbabaril. Iyong rifle ata ang ginamit niya.
May narinig pa akong isang putok ng baril. What the! May isa pa palang tao dito kanina pa. Hindi ko man lang napansin! Imposibleng kakapasok lang nito dahil mukhang galing na sa itaas ang putok ng baril.
Habang nagpapalitan sila ng bala, may malakas na tunog dahilan kung bakit tumigil ang pagbaril nila sa isa't isa. Tinakpan ko ang dalawa tenga ko gamit ang aking mga kamay. Hindi ko alam na may makakatalo pa pala sa ingay ng putok ng baril!
The noise sounds like the high pitched noise the microphone produces sometimes and then make it 10x louder and more annoying.
"Attention pawns! All of you have entered the pyramids. Cogratulations! Because today marks the 15th War Night we have decided to do something special. The people you are with right now are your teammates! If one of your teammates is the last person in the game then the whole team wins. More chances of winning! That's all. Good luck to all of you, pawns!"
Mukhang ang announcement na ito ay nanggagaling sa bawat direksyon. Parang may mga speakers na nakapalibot sa akin.
Pagkatapos ng announcement, unti-unti akong nagpakita. Hindi naman siguro nila ako papatayin. Hindi naman siguro sila ganoon katanga. Pero para masiguro ako, umalis ako sa pinagtataguan ko na hawak ang baril ko kahit wala itong bala. Malay ba nila kung mayroon itong bala.
BINABASA MO ANG
Harrowing Verity
Teen FictionEvelyn Isolde Laxa, a boundless person, had always wanted to enter the PAWN. She wants to know how is the experience. She wants to know how the system works. She wants to know why they have the PAWN. So many questions of how and why. She wants to k...